✅Chapter 39: Swimsuit

3.1K 80 1
                                    


Zaira's PoV


Lumipas ang ilang araw at palapit na ng palapit na exam. Kasalukuyan akong nandito sa bahay nila Yant at tinuturuan na naman si Yant. Sobrang hirap niyang turuan ngayon, sa ginagawa kong tanong sa kaniya ay hindi manlang siya makasagot.

Palapit ng palapit na rin ang birthday nitong si Yant, limang araw nalang ata? Tas kinabukas exam na namin.

Sabi nila yung pa-party daw ni ma'am ay pang-alis ng stress well para sa'kin mas lalo lang akong na-stress kung pano ko susuotin yung kapirasong damit na yun.

Si Jhira naman palagi syang nagtatanong sakin kung ano daw bang problema ko, hindi ko na daw kasi siya minumura o sinasabihang ang arte niya. Para kasing nawalan ako ng sigla nung malaman kong may gusto siya kay Yant, kaya sorry Jhira.

"Ano ba yan isang oras ko na 'tong tinatanong sayo pero di mo pa din masagutan?" Inis kong sabi. Paulit ulit nalang yung tinuturo ko pero hindi naman niya masagot sagot.

Ewan ko kung nabobo tong si Yant o sinasadya niya lang. Amp.

"Eh sa hindi ko makabisado. Tsaka tinatamad na ako." Sinarado niya yung notebook niya at notebook ko tsaka yumuko sa lamesa.

Hinampas ko naman siya dahil sa katamaran. Jusko pano pag bumagsak to edi ako lagot! "Yant umayos ka nga, bilis na!" Binuksan ko yung notebook ko tsaka yung sa kaniya, nagbuklat ako ng itatanong ko sa kaniya sa libro. "Sagutin mo tong tanong ko, tas pahinga na."

"Ayaw." Tamad niyang sagot.

Napabuntong hininga ako sa katamaran niya. "Last na nga to, isang tanong nalang!"

Umayos siya ng upo. Dahil sa pagkakayuko niya nagulo ang buhok niya ganun din ang suot niyang salamin, wala pamorma niya lang. Pinatong niya ang mukha niya sa kaniyang kamay at tinignan ang ginagawa ko na parang bata.

Tinignan ko naman siya at nahuli kong nakatingin siya sakin. Ako ang nag-iwas ng tingin. OO NA AKO NA MAHINA. PUGI EH

WAHAHAHA

"Sagutin mo 'to-"

"Sagutin mo muna ako."

Mabilis akong napatingin sa sinabi niya, mahina lang yun pero nadinig ko.

"Ano?" Syempre kunwari di ko nadinig.

"Wala. Bingi mo naman."

Tumikhim ako sa kabilang side ko dahil kinikilig ako sa sinabi niya, umayos na ako ng upo at tinanong ko yung question sa kaniya. Nasagot naman niya yun.

Wow ah, buti naman may natutunan siya kahit konti.

"Pahinga na! Sakit na ng ulo ko puta." Reklamo niya, hinubad na niya yung salamin na suot niya naiirita na daw.

Napairap naman ako, niligpit ko na yung mga books, pinagsama-sama ko yon. Nang naayos ko na yun tinignan ko siya at ayun nakatingin pa din.

"Kapatid mo pala yung kumag na yon."

"Sino?"

"Si Null."

Tumango nalang ako, sana naman maisip niya lahat ng sinabi niya tungkol kay Kuya Zaker yung mga panlalait niya. Jusko isumbong ko kaya to

"Kakambal siya ni Kuya Zero"

Tumango tango nalang siya.

"So what's your plan? Nagpaparty yung mama mo ah." Sabi ko nalang para may maitopic.

"Ye, ayoko nga eh. Malaki na ako tas magpa-party pa? Gross."

Natawa ako. Totoo naman kasi! Maski ako natawa dun sa idea na lalaki at malaki na si Yant para magparty.

"Tapos yung theme pa ng party ay pool. HAHAHA" i said.

Napangisi si Yant, "well magiging masaya din. Ang daming nakaswim suit- ay shit!" Bigla niyang pagmumura ng tumingin siya sakin.

Problema nito?

"putangna pupunta ka?"

I slowly nod. "Syempre ayoko ma-kick."

"Don't, wag kang pumunta." Maotoridad niyang sabi.

"Baliw ka ba? Maki-kick nga ako sa University!"

"I'll take care of it, just don't go" nag-isip pa siya ng konti. "Pero pwede ka din namang pumunta pero wag kang magsusuot ng kapirasong tela na yon."

"WAHAHAHA ano isusuot ko? Pool party yun hijo."

Napangiwi siya sa sinabi ko. "Stop that mukha kang manang."

"Pkyu."

"But i'm serious, don't wear that bullshit piece of cloth"

Ayoko din naman isuot yun pero kailngn nga! Sayang yung grade ko at pwede pang bumagsak ako.

Ang dami kasing alam ni ma'am pati grade ko madadamay dito e.

Nagkamot nalang ako ng ulo ko, "eh ano isusuot ko?"

"Mag-gown ka nalang"

"Wtf?!" Natawa ako sa ideyang yun, naisip ko na din yun pero magmumukha akong clown, pool party tas naka-gown ka. Ulol din talaga to. "Gago ka ba? Mags-swimming akong naka-gown?"

Marahas siyang napakamot sa kaniyang ulo, tsaka masamang tumingin sa pader,

Bat ba ang gwapo nito? Tae. Dati lang tinatanggi kong gwapo siya tas ngayon puring puri ko na siya, wow lang ah nagbabago na tlaga yung panahon.

"Pwede din."

"Alam mo mas mahirap pa 'tong pinaga-gawa ng mama mo kesa sa mga exams."

Sandali ako nanahimik ganun din si Yant, maya-maya lang hindi ata nakatiis si yant at nagsalita na din.

"Go, pwede mo nang isuot yang damit na yon kung damit pa ba tawag dun" masama pa din ang mukha niya. "But in one condition."

Aba kapal ng mukha mo kyah, may kondisyones?

"Ano na naman" nakasimangot kong sabi,

"Isuot mo yon sa party, but make sure sa loob ka lang ng kwarto ko. Hindi ka lalabas. Ako lang. Ako lang ang pwedeng makakita sayo. It's that clear?" Sa bawat salita niyang sinasabi ay may diin.

Napalunok ako at hindi na naman maawat yung tibok ng puso ko, nagwawala at gustong gusto pumunta kay Yant, napakagaling ng tabas ng dila. Sa bawat salita niya lang na binabanggit kaya niyang pagwalain yung mga lamang loob ko.

Bilib na ako sa talent niya.

"A-ayoko nga! Mas gugustuhin ko pang sa labas magsuot nun."

"Gusto ko nga sa kwarto ka lang, bat ang kulit mo?"

Tumayo na ako. "Alam ko takbo ng utak mo!"

"Hindi kita gagahasain Zaira." Mabilis niyang sabi na kinabigla ko. Pano niya nalaman na yun yung iniisip ko sa kaniya? "I wouldn't touch you until we were married. I would stop myself even though I wanted to pull you into my room and claim what was mine." he said while smirking.





(0.0)

>/////////<


Tangna mo Yant!!!

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon