~*~
Zaira's
PoV"Zaira, why are you late... again?" Mrs. Matematika asked. She's my adviser, obviously her subject is math.
Halata naman sa apilido niya diba?
"Ma'am hindi ko po ginustong ma-late, ang dami ko pong pinagdaanan makapasok lang dito" pahina ng pahina kong sabi.Totoo naman diba? Sumakay ako sa truck, hindi ako kumain tapos nakasalubong ko yung Pinakapinuno ng bad boy keneme na yan,
Pisti talaga yun. Alam nyo syempre di niyo pa alam ngayon ko pa lang sasabahin eh, alangan namang alam niyo na agad di ko pa sinasabi di ba? Hayst loka!
"Hay, okay fine. Buti na lang at matalino ka, wag mo ng uulitin hayy" napahawak si ma'am sa sintido niya.
Alam ko namang medyo--- medyo lang naman.. medyo sakit ako sa ulo ng mga teacher dito, bukod sa palagi ako'ng late medyo napapa-away din ako, medyo lang ulit, kasi nakakainis naman talaga yung mga schoolmate ko dito, akala mga perpekto kung manglait, argh
"Thanks ma'am" i said tsaka bumalik sa room, sa labas lang kasi ng room ako kinausap ni ma'am. Buti nalang hindi niya ako binigay sa terror naming principal. Kung hindi--- ayy goodluck na lang sa akin.
Kasi nung last time na nalate ako agad ako'ng dinala ni Mam sa principal namin na siya ring nagmamay-ari ng EW High. Taenis lang, pinaglinis ako ng cr sa bawat room dito, imagine! Ilang building ang nandito, jusko kaya ayoko ng maulit.
Buti na lang nasa mood si ma'm
Nakita ko'ng pinagtitinginan ako ng mga classmate kong mga clown, ang kakapal kasi ng make-up, kala nila kinaganda nila yan. Puro bulungan at hagikgikan ang nakikita't naririnig ko sa kanila. Ang sasama-sama ng tingin, feeling ko nga pinapatay na nila ako sa tingin. But i don't care. Hindi ko naman sila masisisi kung mga wala sila'ng magawa sa buhay kundi manghusga.
Pero konti na lang makakatikim na tong mga to, sarap tusukin ang mata!
Konti pa lang ang mga tao dahil breaktime pa lang, grabe. Eto ang pinaka-worst kong late. Breaktime na, it's so funny. Tssskkk.
Naupo ako malapit sa bintana tsaka kinuha yung libro ko sa Science tsaka nag-review, kahapon kasi nag-announce si Sir ng quiz, so kailangan ko'ng mag sipag para hindi ako matanggal sa pagiging Brain Queen ko.
Kasi isa rin yun sa nagpapa-aral sakin.
Oo nga pala nakalimutan ko'ng magpakilala, my name is Rui Zaira Reymier like i said to all of you, hindi ako mayaman. Ang trabaho lang ng mama Cecillia ko ay labandera/ mananahi/ nagtitinda sa palengke para lang mapag-aral ako, samantalang yung barumabado kong tatay na si Rolito--- actually, hindi ko na siya tinuturing tatay, para saan pa? Palaging inom lang ng inom ang bwisit na yun---
Pero sa ayaw at sa gusto ko man ay tatay ko pa rin ang lasenggerong yun.
Eighteen years old na ako, maganda 'daw' sexy 'daw'.. maganda is okay.. but sexy? I'm not sure, bahala na kayo'ng humusga.
Napansin ko'ng pumapasok yung best friend ko. Kahit kasi mga spoiled ang mga tao dito ay nakahanap ako ng kaibigang alam ko'ng tama talaga, so meet my bff.. Jhira Styrer, hindi katulad ko, mayaman siya, may ari nga sila ng maraming resorts, samantalang ako? Nagmamay-ari ng ilog.
Mayaman lang kasi ang nakakapasok sa East Wrell- High, mamahaling school kasi to tsaka sobrang sikat ito kaya sobra sa mahal ng tuition, isang sem kasi ang bayad ay 100,000. Eh ako, half lang kasi nga palagi ako'ng nanalo even beauty contest sinalihan ko na, pero kahit half na hindi pa rin kaya.
Tsaka malapit na ang sem namin, wala pa rin ako'ng pera'ng pambayad hay kainis.
"Hi beshie! Bat ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Jhira tsaka naupo sa tabi ko, may hawak pa siyang juice sa kamay niya. Iniabot niya sakin yun, taka ko naman siyang tinignan. "Oh, sayo yan beshie, i buy talaga yan for you."
Napataas ang kilay ko, eto na naman yung taglish na eng eng niyang salita. "Bakit naman?"
"Masama ka bang bigyan?" Malungkot niyang sabi. Pero hindi kapani-paniwala yang mukhang yan.
Puppy eyes pa more..
Kinuha ko na yun dahil baka maiyak pa to, agad kong inubos yun dahil dumating yung prof namin. Nagklase lang siya ng nagklase, nakakatamad man pero kailangan ko. Natapos ang buong klase at survive... buhay pa ako.
Nagquiz din kami sa last subject namin, hindi ako yung nag-check kaya di ko alam kung ano'ng score ko.
"Tyra Santos.. 35 over 50.." sabi ni sir na kasalukuyang nagsasabi ng score. "Jhira Styrer, 43 over 50.. Cheska Heliana.. 49 over 50.. nice Chesika." Patukoy ni sir sa president naming galit na galit sakin.
Laging kakompitensya kasi ang tingin niya sakin, bahala siya kung ano mang gawin niyang lokaret siya.
Tumayo siya tsaka nagwave pa, may pa-flying kiss pang nalalaman habang pumapalakpak yung nga kaklase namin, inirapan ko lang siya nakita niya naman ako kaya inirapan niya rin ako. Para ka kasing tanga.
"And for the last.. Zaira Reymier--- wow! She got a perfect score. Palakpakan natin si Zaira!" Masayang sabi ni sir.
Nakarinig ako ng mahinang palakpak hindi katulad ng palakpak na nadinig ko kay Chesika'ng madita. Eh ano naman? May mapapala ba ako sa palakpak nila, sa inyo na yan saksak niyo pa sa baga niyo.
Maya-maya lang in-anounce na ni sir yung tungkol sa test namin. Yung bayaran nga daw wag kakalimutan kinakabahn na nga ako, san na naman ako kukuha ng pambayad
"Beshie, makakabayad ka?" Tanong sakin ni Jhira, naglalakad na kami pababa ng building.
Nagisip pa ako ng konti, alam niya na naman yung kalagayan ko kaya sasabihin ko na. "Actually.. wala pa, but makakahanap naman ako kaya dont you worry." I said then i tap her in her shoulder.
She nod, nakikita ko sa mata niya yung pag-aalala pero di ko na yun pinansin. Palagi naman siyng ganiyan, sa tagal ko na siyang kilala dito marami na siyang naitulong sa'kin. Bansag p nga sakin gold digger.
Tawagin ba akong ganun? kahit kailan hindi ako mgiging ganun, gagu sila.
Habang naglalakad kami panay ang daldal ni Jhira pero pabayaan mo lang siya titigil din yan, ang nakakaagaw ng atensyon ko ang mga estudyante na yumuyuko kapag nakikita ako.
"Sai, di ba yun yung brain queen daw dito?" Rinig kong sabi nung mga freshmen.
"Ha? Saan?--- ahh. Oo siya nga yun, ang talino nga niyan eh. Walang nakakatalo diyan." Sabi pa nung kasama niya.
Napangiti ako, kahit pala maraming nangiinsulto sakin, marami pa rin ang humahanga.
Kaya hindi ako papayag na mapasa sa iba yung bansag na 'Brain Queen'
Dahil akin lang yun, masungit ako..
~*~
Follow, vote, and comment
Thanks for reading!
Lovelotes mwah
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
Non-fictie(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...