⚫Zaira's⚫
PoV"Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa katabi ko na naka-shades pa. Feel niyang magshade kasi daw ma-araw
Just kidding. Ewan ko bigla bigla siyang nagsusuot niyan kahit hindi naman maaraw. Ang lamig lamig nga dito. Hayst lakas din ng trip ng katabi kong to.
Nagpalinga-linga ako sa paligid kanina pa kasi ako dada ng dada pero wala namang nakikinig, alam ko namang tulog ang lokong to pashades shades pa siya nalalaman. Ngayon ko lang napagmasdan yung paligid kasi nagtuturo ako sa tulog, ngayong tapos na ako nilinga ko na yung buong kwarto.
Ang theme ng kwarto niya ay black and light blue, masarap sa mata. Marami din siyang books na maayos na nakasalansan, meron din siyang flat screen big tv sa wall niya na nakaharap sa master bed, mukha ring malambot yung bed niya and i'm sure gawa yan sa animal skin kagaya ng sofa nila sa baba, sa gilid ng master bed ay may mini blue cabinet habang may nakapatong na blue lamp. Meron din akong nakitang blue door--- hindi naman obvious na mahilig siya sa blue noh? Ayun nga may nakaprint na word doon na 'Closet' tapos meron pang isang pinto na i'm sure naman na cr niya yun.
Ang ganda ng kwarto niya at sobrang laki pa, mas malaki talaga to sa bahay namin, kwarto lang to pano kapag tinantya ko pa yung buong bahay--- hala! Wala'ng wala tsk. Iba talaga pag mayaman.
Ngayon ko lang din napagmasdan si Yant, eto... eto yung mukhang pinag-aagawan ng mga babae maski bakla, magandang hubog ng katawan, perfect lips. At yung kulay blue niyang buhok. Mukha talaga siyang ewan sa kulay ng buhok niya promise.
Kung ako tatanungin kung magkakagusto ba ako kay Yant? Gwapo kasi si Yant, makalaglag bra at panty, matangkad pero masyadong bad boy. Palaging nasa away.. pano ko nalaman? Tsk palagi yang nasa D.O--- sana, but hindi kasi nga NANAY niya yung Dean tsaka Principal tsaka Owner aba, ligtas talaga siya.
Ayun nga magkakagusto ba ako kay Yant?
Mmmm???
Hindi..
Hindi talaga eh, ayoko sa bad boy, gusto ko good boy. Yung hindi nakikipag away tsaka matalino pero ito?! Naku walang wala sa ideal man ko.
Pake niyo ba! Sa hindi ko gusto ang bad boy king of the jungle eh.
Napansin kong gumalaw siya sa pagkakaupo niya--- imagine! Nakaupo siya habang natutulog,
"Ayyy sarap ng tulog mo ah." Nakangiwi kong sabi.
Hinubad niya yung salamin niya tsaka nagkusot ng mata pinunasan niya pa yung gilid ng labi niya na siyang kinangiwi ko pa.
"Tapos ka na?" He ask.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi pa. Magsisimula pa lang ako, sige na makinig ka na ah---"
"What the?---- hindi pa tapos?!"
Bahagya akong napaatras, oa ang ampots wagas maka-react, niloloko lang para siyang bakla. Naku ang daming madidismaya pag nalaman nilang bekiboop ang baby nila hayst, kawawa naman ang mga batang iluluwal ng mga ina, wala silang matatawag na daddy, parehas kasi mommy.
"Ang oa mo." Pabulong kong sabi s
a kaniya, bekiboop. "Tapos na! Hindi ka naman nakinig!""Tsk nakakatamad." He said then he yawn. Tumayo siya tsaka nagpunta sa kama niya.
Aba talaga naman, "hoy! baka may natutunan ka sa mga dinada ko kanina?"
Tumingin siya sakin tsaka umiling. "Wala"
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
Non-Fiction(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...