PANAY ang batok ni Sarah sa kanyang sarili dahil sa nagawa niyang katangahan noong gabing iyon. Ipinagdarasal na niya na sana ay hindi nalang siya lumabas sa inuukupa niyang apartment at naglalasing sa bar na iyon. Jusko! Bakit ko ba nagawa ang katangahang iyon?!
She's staying here in Philippines for 1 month. At sa isang buwan na pananatili niya rito ay hiniling niya na sana makamove on na sya sa ginawang panloloko ng gagong niyang ex boyfriend.
Ang kapal ng mukha nito para lokohin siya. Sa ganda niyang ito niloko lang sya sa pesteng iyon?
Makarma sana ang hinayupak na iyon.Naiiling siyang dinampot ang cellphone niya sa ibabaw ng center table at tinignan ang screen niyon. At nakitang ang kanyang ina ang tumawag.
"Hi mama."
"Hello sweety. How are you there? Me and your father will go to Japan later for our business meeting. So you should take care of yourself okay?"
"No worries mama. Bye."
Nakangiting pinatay niya ang tawag. Sanay na sya sa palaging busy ng mga magulang niya. Anak talaga siya ng mga ito dahil isa rin siyang busyng nilalang sa mundo. Kung hindi pa siya nagbakasyon dito sa Pilipinas for 1 month siguradong tambak na naman ang trabaho niya ngayon sa New York. And yes. New York is her hometown.
At dahil halos taon-taon naman siyang bumibisita dito sa Pilipinas ay marunong na marunong naman syang magtagalog since her mother is a half-Filipina. Yung daddy niya lang ang pure American. Tinapos na agad ni Sarah ang niluto niyang pancakes for her breakfast at masagana siyang kumain ng mag isa. Sarap na sarap siyang kumakain nang biglang may kumatok sa pintuan niya.
"I'm coming!!!" Aniya at mabilis na lumapit sa may pinto upang pagbuksan ang bisita niyang matagal na niyang gustong makita.
"Oh my god! Is that you Dylen?!" Tili niya at mabilis na niyakap ang dalaga.
"Hey! Papasukin mo ako kundi babatukan kita." Anito na ikinatawa niya. Hindi parin pala talaga ito nagbago. Dylen Scott is her long time bestfriend. Palagi nilang namimiss ang isat isa dahil hindi naman sila araw araw nitong nagkikita. Mayaman si Dylen. She is a certified chef.
Dylen Scott owned a lot of restaurant here in the Philippines. At nagsisimula narin ito ngayong magpapatayo ng another branch ng Scott's Restaurant na kilala na sa buong mundo."Mabuti naman at naisipan mong dalawin ako rito Milca. Kailan naman ang uwi mo?" Malungkot na tanong nito.
"Come on Dy. Kararating ko nga lang last day pauuwiin mo na ako?" Asik niya sa kaibigan na inirapan lamang siya.
"Gaga ka. Change topic na nga tayo. Bago ka nagtungo rito Pilipinas ay nabanggit mo pang niloko ka ng boyfriend mo?" Itinirik niya ang kanyang mga mata at matamang tinignan si Dylen na kumakain na pala ng pancakes na niluto niya.
"Yeah. He did. Ang kapal ng mukha ng lalaking yon. Bwesit na bwesit ako sa kanya. Pero hindi yan ang problema ko Dylen Scott."
"Oh? Ano na namang katangahan ang ginawa mo sa buhay mo Sarah Mae Milca?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Sinamaan agad niya ito ng tingin nang banggitin ng kaibigan ang kanyang buong pangalan.
"I had a sex with someone." Gusto na niyang patayin nalang siya ngayon. Sising-sisi talaga siya sa katangahang ginawa niya.
"You did what?!" Gulat ang bumalatay sa mukha ng kaibigan at muntik pa itong mabilaukan. Buti nalang at mabilis itong uminom ng tubig.
"A sex with someone in the bar... you know. Aish! Ang stupid ko talaga kahit kailan!" Inis niyang sabi at sinabunutan pa ang sariling buhok. "I swear nawala lang talaga ako sa sarili ko nun kasi naman lasing na lasing ako eh. Tsaka ang natatandaan ko lang sa mukha niya ang gwapo talaga sya eh. Yon lang." Paliwanag niya rito.
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman