DALAWANG LINGGO na ang nakalipas nang naging tahimik at boring ang buhay ni Sarah dito sa Pilipinas. Her life actually sucks! Wala ng Xander na nagpupunta rito sa apartment niya at ginugulo siya. Hindi naman niya maipagkakaila na namimiss na niya ang binata. Nasanay na siguro siyang nakikita at nakasama ito palagi. Pero ngayong mag isa nalang siya, parang nawalan ng kulay ang mundo niya.
Marahas niyang ipinilig ang ulo saka napailing. In the first place naman kasi ito ang gusto niya diba? Ang lumayo sa kay Xander dahil ayaw niya pang masaktan. Dahil takot siyang mangyari ulit sa kanya na niloko at iniwan ng taong mahal niya. Gusto lang naman niyang e secure ang puso niya eh. Dahil paniguradong kapag si Xander ang mang iwan sa kanya ay hindi niya kakayanin. Dahil alam niya sa sarili niyang napamahal na nga siya sa binata.Kaagad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya. Simpleng blouse at saka shorts lang ang isinuot niya since nandito lang naman siya sa apartment niya. After magbihis ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina para makapagluto ng kanyang agahan. Habang nagluluto ay dinig na dinig niya ang malalakas na katok sa pinto ng bahay niya kaya naman, mabilis siyang nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.
Natulos siya sa kinatatayuan nang makaharap ang bisita niya ngayong umaga. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa gulat at hindi man lang siya makapagsalita dahil sa gwapong nilalang na nasa harapan niya."Sino ka?" Kaagad niyang tanong sa lalaking nasa harapan niya. Gwapo ito at maputi. Ngumiti lang ang lalaki saka mataman siyang tinignan. " Ikaw ba si Sarah Mae Milca? I'm Chase by the way." Anito at inilahad ang kamay para makipagshake hands sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi abutin iyon.
"Ako nga iyon. Anong kailangan mo sa kin?" Tanong niya. Parang familiar kasi sa kanya ang mukha ng lalaki at parang nakita na niya ito pero hindi niya lang alam kung saan."I'm Alexander Grandsman's friend. Gusto sana kitang makausap tungkol sa kanya." Anito na ikinagulat niya. Gusto siya nitong makausap tungkol kay Xander? Ano naman kaya ang pag uusapan nila?
Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto saka pinapasok ang bisita niyang nagngangalang Chase.
Magkaharap silang naupo sa sofa saka siya nagsimulang magsalita.
"Anong gusto mong pag usapan natin?" Tanong niya agad dito."Do you love him?" Napatigil siya sa tanong nito. Mahal nga ba niya si Xander? Oo naman. Mahal na mahal niya pero ayaw niyang masaktan nito.
"Of course. I really love him." Nagsimula ng manubig ang mga mata niya sa isiping mahal nga niya ang lalaki pero hindi niya pwede itong mahalin. "You love him pero anong ginawa mo sa kanya? Iniwan mo siya. Pinutol mo ang ugnayan niyong dalawa diba?" May halong inis sa tono ng boses nito pero binalewala niya lang iyon. " Kasi hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya para manatili ako sa tabi niya. Oo nga at gusto ko siyang makasama araw araw pero ayokong masaktan eh. Hindi pa ako handang masaktan. Kilala ko si Xander. Babaero siya at alam kong sa relasyon naming dalawa ay parausan niya lang ako. Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa, alam mo ba iyon?!" Inis niyang singhal kay Chase na ngayon ay matamang nakatitig sa mukha niya habang patuloy na umagos ang mga luha sa mata niya. Hindi na siya nag abalang punasan ang mga ito sa halip ay nagbuntong hininga na lamang siya. "Ayoko pang masaktan ulit. Alam kong iiwan niya rin ako tulad ng ginawa ng ex ko noon. Marami naman kasing mga babaeng mas bagay sa kanya at hindi naman ako kasali sa pilang iyon." Natawa siya ng mapakla." Kaya kung wala ka ng sasabihin please... makakaalis kana. Salamat sa oras mo." Aniya at tumayo. Maglalakad na sana siya pabalik sa kusina nang magsalita si Chase na nakapagtigil sa kanya.
"Nasa Cebu si Xander ngayon. Isang linggo siyang mananatili roon kaya kung ayaw mong kalimutan kana niya ng tuluyan ay puntahan mo na siya. Maybe I am not fan of your loveteam but I really care for my bestfriend. I don't want to see him crying and hurting because of you." Anito at mabilis na tumayo." Sige, alis na ako. Heto ang address niya sa Cebu kung may balak ka." Gulat parin siyang nakatingin dito hanggang sa magpaalam itong umalis na. Nakalabas na ng bahay ang bisita niya pero natulos parin siya sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman