Chapter 17

20K 247 4
                                    

NANG makababa ng hagdan si Sarah at ang mga kaibigan niya ay mabilis naman tumayo ang tatlong lalaki.

"So I guess, we have to go now Ma'am, sir. Thank you so much for your precious time." Nakangiting paalam ni Cali sa parents niya na kaagad naman itong ngumiti.

"Mauna na po kami sa inyo. Maraming salamat po talaga." Dagdag pa nito saka bumaling ang tingin sa kanya. "Sarah, thank you. We have to go now."

"Salamat rin sa pagdalaw." Nakangiting tugon niya sa mga ito.

"No problem."

"It's okay."

Matapos magpaalam ang mga kaibigan niya ay saka lamang siya umakyat pabalik sa kwarto niya. Napabuntong hininga siya. Ang akala niya ay makikita niya ang lalaking mahal niya ngayon. Pero umasa lang pala siya sa wala.

Mabilis ang oras at dinalaw na siya ng antok kaya hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

KINABUKASAN...

Maagang pumasok sa kanyang opisina si Sarah. Pakiramdam niya kasi ay inaantok na naman siya kahit ganito kaaga. Wth?

Siguro ay dala narin ito sa pagbubuntis niya. Kaninang paggising niya lang kasi ay bigla na lamang parang hinalukay ang kanyang sikmura kaya mabilis siyang nagtatakbo sa banyo.

Duwal siya ng duwal na puro laway lang naman ang naisuka niya.

Bahagya pang napangiti si Sarah nang maalala ang mga pangyayaring iyon kanina lang. Hinaplos niya ng marahan ang tiyan niya saka nakangiting naglakad papasok sa opisina niya.

"Good morning ma'am, may nagpapabigay po sa inyo." Nakangiting saad ng isang empleyado na lumapit sa kanya at inabutan siyang isang pumpon ng bulaklak. Nagtataka man ay agad naman niyang tinanggap ang bulaklak.

"Kanino naman to galing?" Tanong niya. Pero sa halip na sagutin siya ng babae ay ngumiti lang ito ng malapad.

"I have to go now Ma'am." Anito saka mabilis na nilisan ang pwesto niya. Napabuntong hininga na lamang siya saka hinanap sa bouquet ang letter kung meron man.

And thankfully, meron nga.

'Good morning to my beautiful princess. Enjoy your day baby. I love you forever and always.'

Dahan-dahang nanlalaki ang mga mata niya. Mas lalo pa siyang nagulat sa iniasta ng puso niya ngayon. Bumilis bigla ang tibok niyon at bahagya pa siyang napahawak sa dibdib niya.

'Oh God!'

Bumalik na naman yung ganong pakiramdam at ngayon lang iyon. At hindi siya pwedeng magkakamali, kay Xander niya lang naramdaman ang ganoong pakiramdam.'

'At ang pagtawag nito sa kanya na 'baby.' '

Nagtataka at gulat parin siya pero hindi naman mawala ang ngiti sa labi niya. Alam niyang si Xander lang ang posibleng gumawa nito sa kanya. Mabilis na kinuha niya sa kanyang bag ang cellphone at tinawagan si Jessica.

"Hello?"

"Saan kayo?"

"Ahh... Nandito kami sa hotel girl. Why?"

"Ahmm... if you have time pwede kayong pumunta dito sa office ko. Bored ako eh."

"Ayyy gusto ko yan. Oh sige sabihan ko muna ang dalawa ahh."

"Okay. Bye."

"Byeee..."

Pagkatapos non ay kaagad na niyang sinimulan ang trabaho niya. Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi niya habang pilit na inaabala ang kanyang sarili.

MALAKAS na napabuntong hininga si Xander habang nakaupo sa sofa at kaharap ang mag asawang Milca. Ang mga magulang ng babaeng mahal niya.

"So? What's bring you here?" Taas kilay pang tanong ng ginoo. Matinding kaba ang naramdaman niya habang kaharap ang mga ito. Paulit ulit na siyang lumulunok habang taas noong sinalubong ang nakamamatay na tingin ng matanda.

"I'm here for your daughter sir." Diretsong sagot niya. Mas lumalim ang gatla sa noo ng matanda pero kaagad din niyang iniiwas ang paningin niya rito.

"Anong meron sa inyo ng anak ko?" Malumanay ngunit may awtoridad ang tono ng boses nito.

"Nililigawan ko po ang anak niyo."

"Mmm." Anito saka tinitigan na naman siya ng masama. Palihim na lamang siyang napabuntong hininga!

'Shit! This is my first time! Fuck it!'

Pilit ang ngiti niyang ipinakita sa dalawang matanda sa harapan niya. Pakiramdam niya ay sasabog na talaga ang dibdib niya sa sobrang bilisng tibok ng kanyang puso.

"Oh well, mabuti pa ay samahan mo kaming magdinner iho. If it is okay with you?" Nakangiting saad ng matandang babae. Mabilis naman siyang tumango rito.

"It's fine with me Ma'am." Mabil
is ang tugon niya rito. Tumango lang sa kanya ang ginang at nginitian siya ng matamis.

"Pauwi narin yung si Sarah. Hintayin nalang natin." Maawtoridad ang boses ng matandang lalaki sa harapan niya.

"As you've said, galing ka pang Pilipinas at ang anak ko talaga ang iyong pakay rito sa New York?" Anang matanda na nakatitig parin sa kanya.

"Yes sir." Maikling sagot niya rito. Tumango-tango pa muna ito saka mataman na naman siyang tinignan.

"What do you do for living?" Bakas ang pagkaistrikto sa boses nito. Pero hindi niya iyon pinansin. Bahala na si batman!

"I am the CEO of the Grandsman Company sir. And I have another business in Cebu." Sagot pa niya rito.

"So? Anong plano mo sa anak ko?" Tanong ulit nito. Marahan siyang napangiti sa tanong ng matanda. Actually, matagal na niyang pinaghahandaan ang tanong na ito.


"I'll marry her as soon as possible, sir."



*************************
Hello! Sorry sa matagal na update! Nagiging busy lang talaga ako this week. And also, hindi ako masyadong makapag-imagine eh. Namental block ako😪 Sorry again!

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW!😍😍😍

ENJOY READING!

#February132019💖

@CherayDiAyy💕

HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon