NAGPUPUYOS SA GALIT si Xander habang kaharap ang mga kaibigan niya at ang mga kaibigan ni Sarah na isinadya pa talaga ng mga ito na puntahan siya rito sa condo niya. Alas onse na ng gabi at wala siyang ganang kumain. Ilang oras niya hinanap si Sarah kung saan-saan pero hindi niya ito makita. Hindi rin niya ito macontact. At iyon pala, ay kaninang umaga lang ito nakaalis pabalik sa New York.
Matalim ang mga matang tinignan niya ang mga kaibigan ni Sarah.
"Why the fucking hell you didn't tell me?!" Sigaw niya sa kaharap. Pero nanatili lang itong nakayuko na para nag ang laki ng kasalanan ng mga ito.
"Kasi Xander, sabi ni Sarah na hayaan ka nalang daw. Ayaw niyang malaman mo na aalis na siya at hindi niya alam kung makakabalik paba siya rito." Paliwanag ni Dylen. Ang bunsong kapatid ni Cali.Hindi ko alam pero naiinis ako. Naiinis ako kay Sarah at the same time sa sarili ko. Bakit? May nagawa ba akong mali para iwan niya ako ng ganito nalang? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin? Inis na ininom ko ang Jack Daniels na nasa harapan ko. Pilit naman yung inaagaw ng mga kaibigan ko.
"Ano ba Xander tama na nga! Kanina kapa umiinom eh!" Sigaw ni Cali sa akin. I glared at him. Pero inirapan niya lang ako saka tuluyan ng binawa ang alak ko.
"Bakit? Ano bang pakialam niyo kung umiinom ako? Eh gusto ko eh..." Sagot ko. Nanatili lang silang walang imik lahat kaya naman bigla ko na namang sinipa yung stool sa harapan ko. Ayun! Nasira.
"LEAVE ME ALONE." Hindi ko man sila sinigawan pero may pinalidad sa boses ko. Naramdaman ko nalang na napapabuntong hininga sila lahat saka isa isa na silang lumabas sa condo ko.
Wow! Just wow!
Naisip ko na naman si Sarah.
Baby? Bakit mo ba ako iniwan mag isa rito? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Bakit bigla bigla ka nalang umalis? Hindi mo ba ako gusto? Hindi mo ba ako kayang mahalin Sarah? Ang sakit sakit ng ginawa mo eh.
Walang buhay akong humiga sa mahabang sofa saka napatitig ako sa kisame. Shit! Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Nakakabading! Ngayon lang ako nagkakaganito sa isang babae eh.
Sana, paggising ko bukas ay bumalik na ulit ako sa normal. Sa normal na Alexander na kilala sa lugar namin dito.
Kaya naman, nang magising si Xander kinabukasan ay agad na siyang nagtungo sa banyo para maligo. Pilit niyang itinatak sa isip niyana daat bumalik na siya sa pagiging totoong Xander. Na yung Xander na kilala bilang isang womanizer. Yung Xander na walang pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao basta may maikama lamang siya gabi gabi. Pilit niyang iwinaksi sa isipan niya si Sarah. Ayaw na niyang maalala paang babaeng iyon.
Ang babaeng walang ibang ginawa kundi saktan siya at iwan.
Napakuyom ang kamao niya sa galit. At nang makalabas siya ng banyo ay nakapagbihis na siya. Kailangan niyang pumasok sa opisina niya dahil marami na naman siyang trabahong aasikasuhin ngayon.
"May pagkain ba dito?" Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod niya. At nang humarap siya rito ay agad nagdilim ang paningi niya kaya walang habas na sinapak niya si Cali.
Matalim ang matang tinignan niya ang kaibigan.
"Get out of my fucking house Caliber Scott!!!" Inis na inis talaga siya. Nasira na tuloy ang araw niya dahil sa mokong na nasa harapan niya.
"Chill, my friend. Ano bang ikinagagalit mo? Mukhang ayos kana naman ahh. Gusto ko lang naman kumain ng agahan eh." Nakasimangot na wika ni Cali sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili kaya naman binato na niya ito ng kutsara. Buti nalang nasalag ni Cali kundi ayun, bukol ang labas ng binata.
"Go. You can eat now asshole. And anyway, pakilock nalang ng pinto kapag umalis kana ah. Bye." Sabi niya saka mabilis na nilisan ang condo niya. Habang pababa siya sa building gamit ang elevator ay hindi niya mapigilang maisip si Sarah.
Ano kayang ginagawa niyon ngayon? Kumakain kaya iyon ng maayos? Masaya ba siya dahil iniwan niya si Xander ng mag isa? Masaya kaya siya dahil may nasaktan sa ginawa niya?
Pagkadating ni Xander sa office niya ay agad siyang nagtungo sa table ng secretary niya na nasa labas lang din ng opisina niya.
"Mel, kapag may bibisita sakin sabihin mo busy ako at bawal papasok. KAHIT SINO." Aniya. Mabilis namang tumango ang sekretarya niya.
"Yes Mr. Grandsman. Anyways, tumawag mo ang manager ng bagong branch ng Grandsman Hotel sa Cebu sir. Pinapasabi na kailangan daw dumalaw ka po roon para sa branch opening." Tumango lang siya sa sinabi ng secretary niya saka mabilis na pumasok sa loob ng opisina niya.
Pero hindi paman niya nagagalaw ang mga papeles na nasa table niya ay dinalaw na kaagad siya ng antok. Kaya naman, ipinikit niya nalang ang mga mata saka natulog.
"Baby, buti bumalik ka." Nakangiting bati ko kay Sarah saka mabilis siyang niyakap. Niyakap din niya ako saka hinalikan sa labi."Syempre, hindi ko kayang iwan ang mahal ko eh. Kaya tara na, punta na tayong Batangas!!!" Malakas na sigaw niya kaya natawa nalang ako.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na bumalik siya rito para sa akin. Ibig sabihin ba nito mas pinili niya ako kaysa sa trabaho niya sa New York?
Malapad ang ngiti kong nilingon si Sarah pero ganun nalang ang pagkabahala ko nang naglakad siya paatras sa akin at nakangiti."Bibili lang ako ng maiinom natin Xander. Balik ako kaagad." Aniya saka tinalikuran na ako. Pero nang tumawid na siya sa kalsada ay doon nanlamig ang mga kamay ko. May kotse!
"Sarah noooooo!!!"
"Sarah nooooo!!!" Hingal na hingal na inimulat ni Xander ang kanyang mga mata. Agad napanatag ang loob niya nang mapagtantong nandito pala siya sa opisina niya. Oh fuck! Mabuti at panaginip lang iyon. Ang sama naman ng pananigip na iyon!
"Sir? Ayos lang po ba kayo rito?" Nag aalalang tanong ng secretary niya kaya nginitian niya ang ito.
"Ayos lang Mel. Lumabas kana." Aniya. Lumabas kaagad ang secretary niya. Natulala na naman siya sa panaginip niya. Si Sarah masasagasaan ng kotse!
Marahas na ipinilig nalang niya ang ulo saka ipinikit ang mata. Namimiss na niya si Sarah.
A/N:
So heto nga, broken hearted daw ang Xander natin ngayon guys.😂 Kawawa naman si Xander baby😪 Iniwan siya ni Sarah. Pero eto nga ang abangan natin guys kung babalik ba si Sarah para sa kay Xander😊 Ano na kayang mangyayari kay Xander ngayon at sa susunod na araw pa? Babalik na ba siya sa dating womanizer?Abangan!
@CherayDiAyy💕
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman