Chapter 4

36.4K 298 4
                                    

DALAWANG ARAW na ang lumipas pero wala pa ring Alexander Grandsman na nagpakita kay Sarah. Napuno na ng pagtataka ang isipan niya. Bakit hindi man lang nito naisipang magtext o di kaya ay tawagan siya? Ganito na ba ito kabusy para hindi magparamdam sa kanya?
Nagbuntong hininga na lamang siya at nagtungo sa kusina para magtimpla ng sariling kape. Malamig ngayon ang panahon dahil tag-ulan kaya naman ay balot na balot ang katawan niya ng makapal na jacket. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay nagtungo siya sa maliit na balkonahe sa apartment niya at doon siya umupo saka pinagmasdan ang ulan na patuloy na bumabagsak sa lupa.

Hindi niya naman mapigilang isipin si Xander kung ano na ang ginagawa nito ngayon. Kung kumain na ba ito o ayos lang ba ito? Biglang tumunog ang cellphone niya at sa kadahilanang akala niya ay si Xander ang tumatawag kaya mabilis niya itong sinagot. Ganun na lamang ang pagbagsak ng balikat niya nang makita kung sino ang caller.

Ang kaibigan niyang si Dylen.

"Hello?" Walang buhay na bungad niya sa kaibigan.
"Hey Sarah-girl, tumawag sakin si Cherry lately and magkita raw tayong apat sa starbucks right now. Free raw kasi siya ngayong araw kaya naman gusto niyang makipagchismisan sayo." Anito na ikinatawa niya ng mahina.

"Okay. See you sa starbucks. Magbihis lang ako. Bye." Aniya at pinatay na ang tawag. Napangiti siya nang hindi naman pala wrong timing ang pag aya ni Cherry sa kanilang magkakaibigan. Dahil bored na siya rito sa apartment niya ay mabuti nalang at magmeet silang apat ngayon. Hay! Kumusta na kaya ang mga baliw niyang kaibigang iyon?

Agad niyang tinapos ang pagkakape saka nagtungo sa kwarto  niya para maligo at magbihis. Pagkatapos ay agad na siyang lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse niya patungong starbucks. Napangiti siya nang agad niyang nakita ang mga kaibigan niya na masayang nagkwekwentuhan habang kumakain.

"Hey guys!" Aniya para agawin ang atensiyon ng mga ito. Agad tumayo si Jessica at Cherry saka lumapit sa kanya at niyakap siya.

"I miss you Sarah-girl..." Anang kaibigan niyang si Cherry pagkatapos ay pinakawalan na siya.
"I miss you too..." Aniya saka nginitian ang kaibigan.

"So, mabuti naman at nagkaroon din kayo ng time para lumabas ah?" Aniya habang kumakain na siya. Sarap na sarap siya sa pagkain eh kaya hinayaan naman siya ng mga kaibigan niya.
"Actually, umabsent talaga ako sa trabaho ngayon para lang makapagkwentuhan sa inyo. You know, one week akong wala sa bansa at next week na ang alis ko." Malungkot na saad ni Cherry. Alam naman nilang apat kung gaano kabusy ang kaibigan niyang ito. Kahit nga si Jessica ay sobrang busy din nito sa kompanya.

"Oh...that's okay. Saan pala ang punta mo next week?" Tanong naman ni Jessica.
" Europe. May asikasuhin lang ako doon saka makipagmeeting din ng mga investors." Sagot naman nito. Napatango- tango lang silang tatlo.

"By the way, kumusta ka naman Sarah-girl? I heard from Dylen na may jowa kana?" Tanong ni Jessica. Agad na kumunot ang noo niya pagkarinig sa sinabi nito. Anong may jowa?
"What? Anong may jowa? Wala akong jowa noh." Aniya saka napailing iling na sinamaan ng tingin ang kaibigang si Dylen na abala sa pagtetext.

"Hey, sinabi lang ni Kuya sa akin kahapon. And guess what? Isa lang namang Alexander Grandsman ang jowa niya." Anito at tinaas taas pa ang kilay na tinignan siya. Napatingin naman siya sa dalawa pa niyang kaibigan at matatalim ang mga titig nito sa kanya. Natawa nalang siya ng mahina.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Salubong ang kilay na tanong ni Cherry. Nagsigh lang siya saka umayos ng upo bago sinagot ang kaibigan.
"Oh come on guys, hindi ko boyfriend si Alexander Grandsman. Well, we had sex-----" Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla nalang napatayo si Jessica sa at gulat na gulat na nakatingin sa kanyang diretso. Oh no!

HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon