Chapter 18

20.8K 240 2
                                    

BAKAS ang masayang hitsura ni Sarah habang papasok sa loob ng bahay. Kauuwi niya lang galing sa opisina niya. At wala na siyang mapaglagyan pa ng tuwa dahil sa nangyari kanina. Yung may nagbigay sa kanya ng bulaklak. Hindi niya talaga alam kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman niyang saya sa simpleng bulaklak na iyon.

Siguro ay dahil iniisip niyang si Xander ang gumawa nun at wala ng iba.

At sana, hindi siya magkakamali.

"Good evening Ma'am." Nakangiting bati ng katulong sa kanya na natagpuan niya sa sala ng bahay.

"Mmm. Where are they?" Tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang kanyang mga magulang.

"In the dining area Ma'am." Anito at tinanguan na lamang niya saka naglakad papasok ng dining area.

"Hahahahahaha!"

"Hahahaha!"

"Hahahahaha!"

Kumunot ang noo ni Sarah nang marinig ang malakas na tawanan na iyon na galing sa dining area.

'Anong nangyayari?!'

Tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng dining area nila.

"I'm home!!!" Malakas at nakangiti pang bati niya sa mga naroon. Kaagad na natuon ang kanyang mga mata sa kanyang mga magulang na masayang kumakain.

"Oh? You're here! Come join us! Anyway, you have a visitor iha." Malapad ang ngiting sabi ng mama niya at bakas sa mukha nito ang saya. Kunot noo naman niyang ibinaling ang paningin sa Papa niyang ngumiti lang sa kanya. Kaya naman, dahan-dahang natuon ang paningin niya sa isang lalaking nakatalikod sa kanya.

At nang lumingon ito ng tuluyan sa kanya ay parang nabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

"Oh my God!" Bulalas niya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya ng tumakas sa mga mata niya. Naiiyak talaga siya na ewan! Halo-halo ang kanyang nararamdaman at hindi niya mapigilan ang emosyon niya!

"Hi baby..." Mahinang bati nito sa kanya saka tumayo at naglakad palapit sa kanya. Napapikit pa siya ng bahagya nang marinig niya ulit ang boses ni Xander. Napapangiti siya habang papalapit sa kanya ang binata.

At mabilis siyang niyakap ng mahigpit!

"I miss you..." bulong nito sa tenga niya habang nakayakap parin sila sa isat isa. At doon na niya hinayaang magsilabasan ang mga luha niya.

"I miss you too..." Tugon niya rito at mas lalong hinigpitan ang yakap. Panay ang laglag ng mga luha niya. At ilang sandali pa ay hindi na niya mapigilan ang sariling mapahikbi.

Marahang inilayo ni Xander ang kanyang katawan at hinarap siya nito ng maigi.

"Hey, don't cry baby... don't cry." Anito at marahan pang hinalikan ang kanyang noo. Hinawakan ni Xander ang baba niya at hinarap sa kanya ang mukha nito saka sila nagtitigan.

"I... I can't help it... m-masaya lang a-ako at nakita ulit kita." Aniya habang umiiyak. Panay naman ang punas nito sa mga luha niya gamit ang mga daliri nito.

"I'm happy to see you again, baby." Nakangiting saad nito sa kanya. Ngumiti lang din siya sa binata.

Dahan-dahang inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Kaya naman, napapikit na lamang siya at hinintay na lamang ang pagdampi ng kanilang mga labi sa isa't isa.

Pero... hindi paman nagdampi ng tuluyan ang mga labi nila ay narinig na nila ang boses ng kanyang ama.

"E-Ehem..."

Pareho nilang nailayo ang mga mukha sa isat isa at natawa na lamang.

"Kumain na tayo. Lumalamig ang mga pagkain." Wika ng ama niya.

Napangiti na lamang ulit siya nang pinaghila pa siya ni Xander ng upuan bago ito naupo sa tabi niya.

Masaya at nakakagaan sa pakiramdam ang araw na ito. Nakita niya lang ulit si Xander ay kompleto na ang kanyang buong araw.

Muli, ay marahan siyang napahaplos sa tiyan niyang wala paring umbok.

' I'm one month pregnant. Pero hindi ko parin alam kung paano sasabihin kay Mama at Papa ang tungkol dito. Lalong lalo na kay Xander ay hindi ko alam kung paano sasabihin ang balitang ito.

What if hindi niya aangkinin ang magiging baby namin?

What if magagalit siya sakin dahil magkababy na kami?

Hayssss...

"Are you okay, baby?" Boses ni Xander ang narinig niya kaya bumalik siya sa reyalidad. Pilit na ngumiti siya sa binata at ipinakitang okay lang siya. Kahit ang dami ng iniisip niya tungkol sa baby nilang dalawa ng binata ay hindi niya parin maiwasang mamroblema. Paano nalang kung hindi tatanggapin ni Xander ang batang dinadala niya?

"Thank you for the dinner Ma'am, Sir." Nakangiting wika ni Xander na nasa tabi niya. Katatapos lang nilang kumain at nasa sala na sila.

Tumango lang ang mga ito saka ngumiti.

"You are always welcome iho. Let's go honey?" Anang Papa nya na bumaling sa mama niya.

"Let's go. Kayo na muna ang bahala dito ahh. Sarah, mag iingat kayo." Ang mama niya talaga. Kaya naman tumango nalang sya rito at ngumiti sa ginang.

Nang makaalis na ng bahay ang mga magulang ay saka lamang niya binalingan si Xander na nakaupo na sa sofa at titig na titig sa kanya.

"Gabi na ahh. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya rito. Ngumiwi naman kaagad si Xander sa kanya at nagsalubong ang kilay.

"Hindi man lang ba tayo mag uusap?" Tanong pa nito. Kaagad naman siyang umiling habang naupo sa kabilang sofa.

"Come on baby, dito ka sa tabi ko maupo." Tinitigan niya lang si Xander saka umiling ilit.

"Ayoko. Naupo na ako dito eh." Sagot nya. Nagbuntong hininga nalang ito saka napailing iling.

"Gabi na ohh. Umuwi kana. Baka mapano ka pa sa daan." Sambit niya. Natawa naman ito ng bahagya pa sa kanya bago nagsalita.

"Pinapaalis mo na ako eh. Okay, expect to see me tomorrow after your work. Susunduin kita roon." Anito at mabilis na lumapit sa kanya at hinalikan ang noo niya.
"Hindi man lang natuloy ang halik ko kanina."

"Gago ka talaga. Sige na." Natatawang aniya at tumayo. Hinatid pa muna niya sa pintuan ng bahay ang binata at nagpaalamanan na silang dalawa.

"Good night. See you tomorrow." Nakangiting usal nito kaya ngumiti lamang siya.

"Good night."



*************************
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! LOVELOTS!

#February142019💖

@CherayDiAyy💕

HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon