Happy Birthday Marjorie Savarez!😍😍😍
Chapter 16.
NANATILING NAKATAYO si Sarah habang gulat na gulat parin sa nakita. Nasa harapan niya ang tatlong kaibigan niya!
Bahagya pang nakaawang ang bibig niya.
"Hey Sarah-girl, aren't you gonna say 'Hello!' to us?" Matamis ang ngiting tanong sa kanya ni Jessica. Hindi parin siya nakapagsalita dahil sa gulat.
"Hey!" Ani Dylen na bahagya pang iwinagayway sa ere ang kamay niya. Kaya naman, nang makarecover sa gulat ay pilit ang ngiting iginawad niya sa mga kaibigan niyang nasa dining table at kumakain na.
"A-Ahh... how are you guys? Hehehe!" Tumawa pa siya pero sinamaan lang siya ng mga tingin ng mga ito.
"Tsk. Are you not happy to see us here Sarah-girl?" Nakasimangot pang tanong sa kanya ni Cherry na kumakain ng stik-O.
"No. Grabe ka naman! I... I didn't expect to see all of you here. Kaya okay, I'm...speechless." Natatawang sambit niya saka akmang uupo na sa bakanteng upuan nang biglang may lumabas galing sa kusina.
Kung gulat na gulat siya kanina ay mas lalong...
GULAT NA GULAT NA GULAT SIYA NGAYON!!!
O_____O
"Oh my gosh!" Mahinang bulalas ni Sarah habang tinatakpan ng kamay niya ang kanyang bibig.
"Hi Sarah." Sabay na bati sa kanya nina Cali, Chase at Kier na sabay ring lumabas galing sa kusina.
"H-Hello..." Tugon niya. Ngumiti lang ang mga ito sa kanya at saka naupo. Pero nanatili lang siyang nakatitig sa pintuan ng kitchen at para bang may hinihintay pa siyang lumabas roon.
"Hey, maupo kana nga Sarah-girl." Ani Dylen. Nginitian niya si Dylen at hindi na niya pinansin.
"10 "
"9 "
"8 "
"7 "
"6 "
"5 "
"4 "
"3 "
"2 "
"1 "
...
Mapakla siyang ngumiti. Bakit naman niya naisip na lalabas si Xander sa pintong yan?! Syempre, hindi iyon magpapakita sa kanya dito. Siguro, dinalaw lang siya ng mga kaibigan niya at pati narin ang mga kaibigan ni Xander dito para kumustahin siya. Pero, walang Xander ang magpapakita sa kanya.
Napailing nalang siya saka bahagyang itinabingi ang ulo.
"Hoy! Ano bang tinitignan mo dyan? Maupo kana nga at kumain na. Babaeng to talaga!" Inis na sigaw sa kanya ni Jessica. Naupo nalang rin siya saka nilingon sina Cali na kumakain.
"A-Ahh... Cali." Banggit niya sa pangalan nito kaya agad naman itong napatingin sa kanya.
"W-Wala na ba kayong kasama? I... mean kayo lang ba ang pumunta dito?" Napapahiyang tanong niya sa mga ito. Natuon sa kany ang buong atensyon ng mga kaibigan niya.
"Ahm... yeah. Why?" Nagtatakang tanong naman ni Cali sa kanya.
"W-Wala naman..." Pilit ang ngiting tugon niya rito at nagsalin nalang siya ng kanyang pagkain.
Nagkwentuhan ang mga kaibigan niya at nagtatawanan. Panay ang tanong ng mga ito sa kanya at sinasagot naman niya.
"Are you expecting someone else?" Nagitla siya sa tanong na iyon ni Cherry. At saka dahan-dahang tinignan isa-isa ang mga kasama niya sa table na nasa kanya na pala ang atensiyon.
"O-Of course not..." Nauutal niya pang tugon dito.
Mabilis silang natapos sa hapunan nila at panay parin ang sulyap niya sa pinto ng kusina. Baka sakaling lalabas yon.
Kaagad na nagtungo silang lahat sa sala at doon na niya hinayaang makakwentuhan ng parents niya ang mga kaibigan ni Xander. Habang silang apat naman ng mga kaibigan niya ay umakyat sa taas saka sila dumiretso sa kwarto niya.
"So? Kumusta ka naman dito?" Tanong ni Dylen habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya.
"Ayos lang naman ako. Si Xander okay lang ba siya?" Malungkot niyang tanong. Isang oras na ang dumaan mula nung magdinner silang magkakaibigan pero hindi parin sumulpot si Xander sa harapan niya.
"Nung umalis ka syempre hindi talaga siya okay. Pero okay naman na siya ngayon." Nakangiting sagot ni Cherry na nasa tabi niya.
"A-Ahh... that's good." Pilit ang ngiting tugon niya rito.
"Anyway, dito ba kayo sa bahay magstay? Ano bang pumasok riyan sa mga kukote nyo at nandito kayo? If I know, busy kayong lahat sa trabaho nyo diba?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
"Ahh...oo nga! Sinama lang naman-----" Hindi na natapos ni Dylen ang sasabihin dahil pinandilatan ito ni Jessica.
"Ahhh... hehe okay lang yon. Gusto lang naming mamasyal dito eh." Saad nito.
"So? Saan nga kayo magstay?" Tanong niya ulit.
"Sa hotel kami." Maikling sagot ni Jessica saka ngumiti.
"Bakit maghotel pa kayo eh pwede namang dito sa bahay?"
"Ahh... hindi na girl. Nandito rin kasi si kuya eh kaya gusto niyang magkasama kami. Alam mo naman." Nakasimangot na saad ni Dylen. Napatango na lamang siya.
Maya-maya pa...
"Ano ng nararamdaman mo?" Tanong ni Cherry.
"Malungkot ako eh." Tugon niya.
"Bakit naman?"
"Kasi, akala ko magiging masaya na ako kapag bumalik na ako rito sa hometown ko. Pero nung time na umalis ako, alam nyo ba kung gaano kasakit para sakin na pakawalan ng ganon kadali ang lalaking gustong-gusto ko na hindi ko man lang namalayan na mahal ko na pala?" Wika niya saka nagsimula ng umiyak. "Ang akala ko kasi kapag iniwan ko siya ay makakalimutan ko rin siya pag balik ko rito. Pero araw-araw, gabi-gabi hindi man lang siya nawala kahit kailan sa puso at isip ko. Ang hirap lang kasi gusto ko syang kalimutan nalang sa mga panahong iyon dahil masayado kaming malayo sa isat isa. Nandito ang buhay ko habang nasa Pilipinas naman ang buhay niya." Dagdag pa niya at hindi na nya napigilan ang sariling humagulgol.
"Sshhh... tama na yan girl. Naiintindihan ka namin." Anang mga kaibigan niya na panay ng haplos sa likuran niya.
"Mahal na mahal ko parin siya..." Mahinang usal niya habang humihikbi. "Sshhhh... tama na. tama na. And I know na mahal na mahal ka rin niya kaya wag ka ng umiyak ah." Nakangiting saad ni Cherry sa kanya kaya naman ngumiti narin siya.
"Palagi ko kasi siyang iniisip eh. Kung ayos lang ba siya ngayon? Kung nakatulog ba siya ng maayos? Pagod ba siya? Kumain na ba siya? Hayyy, kaya maraming salamat dahil nandito kayong tatlo ngayon sa tabi ko." Nakangiting sabi niya at tinignan isa isa ang mga kaibigan niya. Hindi naman na nagsalita ang mga ito saka niyakap na lamang siya.
"Grouphug nga tayooo!!!" Masayang sigaw ni Jessica.
*************************
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS! THANK YOU IN ADVANCE! LOVELOTS!#February062019
@CherayDiAyy💕
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman