MASAYANG sinalubong ni Sarah ang simoy ng hangin na tumatama sa balat niya.
"Welcome Philippines! Wooohhh!!!" Malakas na sigaw niya. Ngiting-ngiti siyang hinarap si Xander na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga gamit. Nasa labas na sila ng Ninoy Aquino International Airport at hinihintay na lamang nila ang van na susundo sa kanila.
"Ang tagal naman ni Manong Vin, kuya! Pagod na pagod na ako!" Reklamo ni Dylen sa kapatid na busy rin.
"Malapit na yun bunso, hintay muna tayo." Sagot naman ni Cali.
"Are you okay?" Tanong ni Xander sa kanya. Mabilis naman siyang tumango at ngumiti ng malaki.
"Oo naman! Thank you talaga dahil sinama mo ako rito ah. Ang saya-saya ko na nakabalik dito. Gustong-gusto ko talaga ang pinas eh." Nakangiting wika niya.
Hinawakan naman ni Xander ang magkabilang kamay niya at hinalikan iyon."Para sayo, gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang." Nakangiting sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
Napangiti nalang siya at mahigpit ding niyakap ang binata.
"I love you so much..." Mahinang bulong nito. Muli ay napangiti siya. Ilang beses na ba siyang sinabihan ni Xander ng salitancg iyan sa araw na ito? Kaya mahal na mahal niya ang lalaking ito dahil bukod sa ama ito ng baby na nasa sinapupunan niya ay punong-puno naman ito ng kasweetan sa katawan.
And speaking of...
Their baby!
Hindi pa pala niya nasabi kay Xander na buntis siya! She's 1 month pregnant now!
"Baby, let's go? Nandito na ang sasakyan." Rinig niyang saad ni Xander kaya napamulagat pa siya. Tumango siya at pilit niyang nginitian si Xander.
"Okay..." Tugon niya at pumasok na sa loob ng van.
Dilat na dilat parin ang kanyang mga mata habang tinatahak ang daan pauwi sa condo ni Xander. Doon sila ihahatid ni Manong Vin na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Tulog ang mga kasama niya pati narin si Xander na medyo nakabuka pa ang bibig. Pagod na pagod panigurado ang mga ito sa eroplano kanina.
"Ma'am, matulog na po muna kayo. May trenta minutos pa naman po bago natin marating ang condo ni Sir Xander." Baling sa kanya ni Mang Vin. Nginitian niya lang ito saka muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana.
"Hindi po ako inaantok Mang Vin. Nakatulog po kasi ako sa eroplano kanina." Sagot niya rito.
Muling naging tahimik ang buong van. Kaya naman, masuyo niyang hinaplos ang tiyan niya at nakangiting pinagmasdan ang tanawin sa paligid.
'Don't worry anak, ipakilala agad kita sa Daddy mo. Maghintay ka lang ah.'
Hinahaplos- haplos niya lamang ang kanyang tiyan kahit wala pa namang umbok. Excited na tuloy siya sa maggiging reaction ni Xander about sa magiging baby nila.
At mamaya rin ay sasabihin na niya sa binata.
Ilang minuto lang din ay nasa condo na sila ni Xander. Bakas ang pagod sa mga hitsura ng mga kaibigan nila.
"Bud, uwi muna ako. Gusto kong matulog." Paalam ni Chase at bumaling ang tingin sa kanya.
"Una na ako Sarah." Nakangiting sabi nito.Ngumiti lang siya rito at tumango.
"Salamat Chase." Tugon niya rito.
Sunod namang tumayo si Kier at Jessica. Sumunod naman si Cali na akay-akay ang kapatid."Mauna na kami buddy. Gabi narin eh. Sarah, una na kami ingat kayo rito." Paalam ni Kier kaya ngumiti lang din siya rito at tumango.
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
عاطفيةWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman