MABILIS na bumuntong hininga si Xander nang makitang ang ina niya ang tumatawag.
"Hello mom?" Bungad niya sa ginang. Ilang sandali pa bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Son, birthday ko na bukas and you promise me na dadalhin mo rito sa bahay ang girlfriend mo. Don't tell me wala ka paring girfriend until now?" Napapikit na lamang siya sa tinuran ng ina niya. Sa tuwing tumatawag ito sa kanya ay walang ibang bukambibig ito kundi tungkol sa nobya niya eh wala naman siya non. Itinirik niya ang mga mata bago sumagot. "Mom, I told
you--------.""But you promise me Alexander! Wag mo akong paasahin ha! Wag kang uuwi rito bukas ng gabi kung wala kang madadalang girlfriend mo!" Mariing sigaw nito sa kanya. Napailing nalang siya saka pinatayan ng tawag ang ina niya.
"Looks like problema na naman to?" Tanong ni Cali sa kanya. Napailing nalang ulit siya saka kumain. Nandito silang apat ngayong magkakaibigan sa condo niya. Since Sunday naman ngayon kaya may quality time silang magkakaibigan.
"Oo nga bud, parang kinukulit ka na naman ni tita about sa girlfriend thingy na yan." Sabad naman ni Chase na katabi niya sa upuan.
"Sino namang dadalhin ko sa bahay bukas? Birthday ni mommy kaya dapat hindi ko siya bibiguin eh." Inis na sabi niya.
"Eh kung si Sarah nalang kaya bro?" Patanong na sabi ni Kier sa kanya. Gulat na napabaling siya sa kaibigan.
"May tampuhan kami non. Siguradong hindi iyon papayag." Mahinang wika niya. " My friend, hindi mo man lang ba pipilitin? Baka pumayag rin yon. Mabuti nga at mukhang maayos na ang mommy mo ngayon dahil sa nangyari sa pamilya mo." Dagdag pa nito. Napaisip ulit siya. Oo nga, dapat subukan man lang niyang kausapin si Sarah tungkol didto.
"Kayo na ang bahala rito. May pupuntahan lang ako." Aniya saka mabilis na naglakad palabas ng unit niya. Pagkababa niya ng building ay agad na tinahak niya ang daan patungo sa apartment ni Sarah. Hanggang ngayon ay hindi parin nito sinasagot ang mga text at calls niya. Galit talaga ito sa nangyari nung birthday ni Cali.
Kaagad na ipinark niya ang kotse saka pumasok na ng building. Nang marating niya ang inuukopahan ng dalaga ay walang sabi-sabing pinihit niya ang doorknob saka pumasok. Gulat na gulat itong napatitig sa kanya at gulat din siyang napatitig rito ng makitang hubo't hubad itong nakaupo sa may sofa habang nagpapatuyo ng basang buhok. Kaagad na tumaas ang sulok ng labi niya.
"Seriously? Hindi ka talaga nagdamit ah?" Aniya saka mabilis na tumabi sa dalaga. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng dalaga. Sobrang ganda ng katawan nito eh.
"Anong ginagawa mo rito?" Pag-iiba sa usapan nito. Nagbuntong hininga muna sya bago sumagot sa dalaga.
"I need you now... Ah, what I mean is... birthday ni mommy bukas at kailangang may maipakilala kong babae sa kanya." Aniya. Pero inirapan lang siya ng dalaga saka walang sabi sabing nagbihis ito sa harapan niya.
Simpleng white short at sleeveless lang ang sinuot ng dalaga na nagpahanga sa kanya. Sobrang ganda ng pagkakahubog ng mga hita nito at ang sarap himasin iyon. Agad na napailing siya sa naisip saka tumikhim.
"Ahm, I'm so sorry for what happened nung birthday ni Cali. Hindi lang kasi ako komportable na ganun ang suot mo tas pinagpipiyestahan pa ng mga mokong na iyon ang katawan mo. I'm sorry baby..." Mahinang wika niya saka napayuko.
HINDI ALAM ni Sarah kung maiinis ba siya o maaawa sa mukha ng binata na nasa harapan niya. Isang sorry lang nito pero agad natunaw ang galit sa puso niya para kay Xander.
Argh! The nerve of the man!
"I'm so sorry. Hindi ko napigilang umakto ng ganun sayo." Napairap siya sa kawalan saka hinarap ang binata.
"Kalimutan mo na iyon. Anyways, bakit ka sakin nagpunta kung pwede namang mamulot ka nalang ng mga babae riyan sa tabi-tabi. I'm sure, marami kang pagpipilian." Mataray na wika niya sa binata. Naiinis parin talaga siya dahil ngayon lang ito nagpakita sa kanya at may kailangan pala ito. Pero hindi niya parin mapigilan ang sarili na mamimiss si Xander ng sobra. Ngayon nga na nasa harapan niya si Xander ay gustong gusto na niya itong yakapin ng mahigpit.
Pero dapat tandaan niya kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa ng binata. Oo nga at sinabi nito noong nakaraang linggo na liligawan siya nito, pero hindi niya parin alam kung ano ba talaga siya sa binata. Dahil para sa kanya ay importante sa buhay ni Xander.
Humugot siya ng malalim na hininga saka pinakatitigan ang binata.
"Ano bang dapat kung gawin bukas para naman hindi ako ma out of place-------" Gulat na napakurap-kurap si Sarah nang bigla nalang siyang niyapos ni Xander at hinalik-halikan ang buong mukha niya.
"Yes! Thank you! Thank you!" Malapad ang ngiti nitong saad bago sya pinakawalan ng yakap ni Xander. Naguguluhan man ay hindi na lamang sya nagtanong. Siguro ay big deal ang bagay na ito para sa binata.
"Xander, bakit mo ba ako dinala rito?" Tanong kaagad niya pagkapasok nila sa isang mamahaling restaurant dito sa lugar nila. Hindi siya sinagot ng binata sa halip ay nginitian lang siya nito saka iginiya paupo sa napili nilang table. Pagkatapos kasi nilang mag usap kanina tungkol sa birthday pala ng ina nito, ay agad siya nitong inaya na lumabas muna sila.
Kaya naman, nandito siya ngayon at prenteng nakaupo sa pwesto nila.
Pagkatapos nilang umorder ay naghintay pa sila sandali. At habang hinihintay ang order nilang dalawa, panay naman ang tanong ni Xander sa kanya.
"Naisip ko lang, since mula ngayon ay maggirlfriend/ boyfriend--------" Agad niyang pinutol ang sasabihin ni Xander saka pairap pa siyang tumitig sa binata.
"Excuse me? Anong maggirlfriend/ boyfriend ka riyan, eh nanliligaw ka pa nga sakin and remember hindi pa kita sinasagot. Hmm?" Aniya saka inungusan ito. Napasimangot naman kaagas si Xander na tumingin sa kanya.
"Oh edi totohanin nalang natin to. Kunwari kapag kaharap natin ang mommy ko, we need to pretend na magjowa nga tayo para hindi siya maghinala satin. Tapos, itutuloy ko parin naman ang panliligaw ko sayo eh." Anito at ngumiti ng malapad sa kanya. Napailing nalang siya saka hindi na pinansin ang binata.
"Hanggang kailan ka magstay rito sa Philippines?" Tanon nito. Napahinto siya sa pagsubo saka nag angat ng tingin sa binata.
"This week." Maikling sagot niya at kaagad na nagbaba ng tingin. Ramdam niyang natigilan ito sa sinabi niya kaya naman nag angat uli siya ng tingin.
"Seriously? As in next week uuwi kana sa inyo?" Tanong nito. Tumango naman kaagad siya saka pilit na nginitian si Xander.
"Marami pa akong asikasuhin doon. Ayoko namang pabayaan nalang ang trabaho ko at sapat na sakin ang isang buwan para makapagrelax ako rito. Panay na kasi ang tawag ni mommy sakin kung kailan raw ako uuwi." Hindi niya alam kung bakit walang emosyon ang mukha ni Xander na tinignan siya. Kaagad siyang napaiwas ng tingin sa binata.
"Iiwan mo na ako?" Tanong ni Xander sa kanya. Lumalim ang paghinga niya habang hindi parin tinignan ang binata.
"It's not that... It's just may trabaho ako sa New York at nakatira ako roon. Hindi naman pwedeng manatili nalang ako rit sa Pilipinas. Paano na ang mommy at Daddy ko?" Nakaramdam siya ng inis. Pero mas ramdam niya ang awa para sa binata.
Malungkot na ngumiti si Xander sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
"Let's not talk about it, baby..."
Author's Note:
So heto na at late update sorry po talaga guys! 8 days rin akong hindi nakapag update kasi naman sobrang busy ko po talaga sa Practical Research namin eh saka, ayaw kong mabagsak noh😂 saka nung last days lang ay busy rin ako sa report ko😂 kaya nga Hell Week talaga tong linggong ito para sakin eh.😢Anyways, Happy Reading guys!
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18|SPG|Mature Content Alexander Grandsman