Chapter 15

20.3K 243 7
                                    

SA isang linggong lumipas ay naging abala sa trabaho si Xander. Sa umaga ay ginugugol niya ang oras sa opisina. At sa pagsapit ng gabi naman ay pumupunta siya ng bar kasama ang mga kaibigan niya.

Pero pakiramdam niya ay hindi man lang nabawasan nito ang ginawa ni Sarah sa buhay niya. Pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang nakaramdam ng pagkamiss sa dalaga.

Inis na ipinikit niyang muli ang mga mata habang nakahiga siya sa kanyang kama. Kagigising niya lang pero pakiramdam niya ay hinahati ang ulo niya sa sobrang sakit niyon.

"Ohhh shit! Naparami ata ako ng inom kagabi eh!" Bulalas niya habang hinihilot pa ang sentido niya. Kung bakit ba kasi lasing na lasing siya kagabi. Buti nalang at sunday ngayon kaya ayos lang kung hindi siya papasok sa opisina niya. Though, may mga ilan parin siyang empleyado na nandon sa opisina niya ngayon.

Wala siyang balak bumangon kaya naman mas pinili na lamang niyang matulog ulit. Wala naman kasi siyang ibang gagawin ngayong araw kundi ang manatili rito sa condo niya.

Makalipas lang ang ilang minuto ay dilat na dilat na naman ang mga mata niya. Shit!

Pilit na namang bumabalik sa ala ala niya si Sarah. Nakakainis!

Kaya naman, mabilis na kinuha niya ang cellphone sa side table niya at dinial ang numero ng kaibigan. Si Cali.

"Hello buddy?"

"Tsk. Where are you?"

"Nasa family house ako. Why?"

"I need your help moron."

Bahagya pang natawa ang nasa kabilang linya.

"Okay. What is it?"

"I need you to handle my company bud. Pupunta ako ng New York-------"

"What the fuck?! You gotta be kidding me asshole!"

Tsk.

"Shut up. Take care of my company while I'm there idiot."

"Okay, okay. Relax man. Hahaha"

"Tsk. And oh, tell Kier and Chase na sila na ang bahala sa business ko sa Cebu. Can you do that for me?"

"Of course my friend, leave it to me."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Bukas na bukas ay aalis rin siya at pupunta siya sa New York. Gagawin niya ang lahat para mabawi ang mahal niya. Tch.

Sana lang ay hindi matigas ang ulo ni Sarah ngayon eh.

'Wait for me baby... wait for me.'

GULAT ang bumalatay sa buong mukha ni Sarah nang makita ang resulta ng pregnancy test niya.

Oh God. It's POSITIVE.

Pilit niyang hindi paniniwalaan ang resulta. Pero she has nothing to do about it. Nandito na! May laman na ang tiyan na.

Parang sasabog ang utak niya sa balitang ito. Is it a good news or a bad news?!

Paano na to? Anong sasabihin niya sa papa at mama niya?

Oh my god!

Malakas siyang napabuntong hininga bago lumabas ng banyo saka inayos ang sarili. Pilit ang ngiting bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa dining area para magbreakfast.

"Good morning Mama, good morning Papa." Bati niya sa dalawang medyo may katandaan ng nakaupo na sa dining.

"Good morning too anak. Oh sige na, kumain kana para maaga kang makapasok sa work mo." Ngumiti lang siya sa sinabi ng ginang at hindi na umimik. Kumain nalang siya ng kumain. Feeling niya kasi gutom na gutom siya kahit marami naman ang nakain niya kagabi.

Nang matapos siyang kumain ay agad na siyang nagmaneho patungo sa opisina niya. Pilit parin niyang iniwaksi sa utak niya na buntis na talaga siya. At ilang buwan din ay magiging ina na siya.

Napabuntong hininga siya habang naglalakad papasok sa opisina. At gaya ng dati ay malaking ngiti ang ipinapakita niya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Habang naging abala ay natuon ang paningin niya sa cellphone niya. Kailangan niya bang ipaalam sa mga kaibigan niya ito? Na buntis siya sa magiging anak nila ni Xander? Ang lalaking iniwan niya kahit ayaw naman niya itong iwan?

Bakit kaya hindi man lang nagparamdam ang mokong na iyon? Sabagay, siya nga pala ang nang iwan at ito ang iniwan.

Anong aasahan niya?

Mabilis na dumating ang hapon at oras na ng uwian. Kaya naman masaya siyang lumabas ng building at nagmaneho pauwi.

"Oh? Mabuti at nandito kana iha." Nakangiting bungad ng kanyang ina at sinalubong siya ng halik sa pisngi. Ngumiti lang siya sa ginang saka naupo sa sofa.

"May bisita ka." Boses iyon ng ama niya kaya mabilis niyang nilingon ang ama. Nasa likuran niya ito at naglalakad papalapit sa kanya.

"What?! Sino daw?" Takang tanong naman niya. Ngumiti lang ang kanyang ina pero bakas sa mukha naman ng ama ang pagkainis at galit.

Ano bang nangyayari?

"Come on, nasa dining area ang mga bisita mo. Puntahan mo na." Anang ina niya kaya kahit nagtataka ay naglakad na siya patungo sa dining area nila.

Sino naman ang mga bisita niya?

Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Sarah ng makita ang kanyang mga BISITA. Hindi niya alam ang gagawin kaya natulos na lamang siya sa kanyang kinatatayuan at napatakip sa bibig niya.



*************************
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! THANK YOU IN ADVANCE GUYS!
LOVELOTS!😍😍😍

#February062019

@CherayDiAyy💕

HUNK SERIES #1: Pleasuring Her Tightness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon