Ang kwentong ito ay bunga lamang ng aking malikot at malawak na emahinasyon. Ang pinaka plot ng kwentong ito ay inspired sa isang Thai Series na The Gifted. Ang series na 'yon ay tungkol sa sampung mag-aaral na may natatangi at kakaibang talento o 'gift' na tinatawag nilang 'Potential'. Nagustuhan ko ang kabuuang kwento ng series na 'yun kaya na-inspire akong mag sulat at gawan ng sarili kong bersyon. Ito ang pinaka-unang beses na mag susulat ako ng kwento (pwera na lang sa mga nasulat ko noon na para sa school).
Ang pamagat na 'IMPERIUM' ay hango sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay 'POWER' o 'KAPANGYARIHAN'. Ito ang naisip kong pamagat dahil ang kwentong ito ay iikot lamang sa iba't ibang uri ng kapangyarihan (Talino, Pera, Lakas, etc,.). Ang mga pangalan ng karakter sa kwento ay gawa gawa lamang, anumang pag kakatulad nito sa mga tunay na tao ay maaaring nag kataon lang.
Ipsascientia Potestasest! Ito ay isang sikat na latin quote na ang ibig sabihin ay 'KNOWLEDGE ISTELF IS POWER'
Bukod sa iba't ibang uri ng kapangyarihan, ipapakita rin sa'tin ng kwentong ito ang halaga ng pagkaka-ibigan.
Marami sa'ting mga Pinoy ang hindi nakaka-alam sa napaka-gandang likhang sining ng Thailand gaya na lamang ng nabanggit kong series sa itaas, kaya naman nais kong ibahagi sainyo ang napaka gandang kwentong ito sa sarili kong bersyon. Sana magustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...