Ikapitong Kabanata

59 5 1
                                    

Nathan's POV

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Hirap mag sink in lahat. Hindi ma process ng utak ko. Ang daming tanong, hindi ko naman alam kung sinong makaka sagot. Lahat kaming mga nasa Special Class pare-pareho ng nararamdaman. 

After ng nangyari kanina, napag pasiyahan naming lahat na mag-usap kung, kailangan namin marinig kung ano bang mga nasa isip ng bawat isa. Kaya ito kami ngayon, naka paikot sa may computer lab. Ang com lab na ito ay SPC zone din kaya kami kami lang ang pwedeng maka pasok dito. 

"Andito na ba ang lahat?" tanong ni Jomer. Hindi pa namin ganun ka-kilala ang isat-isa pero kilala naman namin ang lahat sa pangalan.

"Oo, kumpleto na tayo." sagot naman ni Tyra. Siya 'yung isang babae na sa harapan naka-upo. Kahit gabi na't tapos na ang klase ay ang kapal pa rin ng make-up niya.  

"Ano sa tingin niyo ang nangyayari?" tanong ni Jomer sa'ming lahat. Kahit naman alam niyang wala rin kaming kaide-ideya kung ano nga bang nangyari.

"Magic" sabat ni Febbie, siya 'yung babaeng nabangga ko sa may bulletin board.

"Seriously? There's no such thing as magic. Walang ganun." Mataray na kontra ni Tyra. 

"Eh, ano 'yun?"

"Ewan ko, basta hindi 'yun magic." 

"Kung ano man 'tong nangyayari ay hindi ito maganda," si Uno naman ngayon ang nag salita. Tama siya, hindi nga maganda ang nangyayari. Lalo na't wala kaming ka-ide-ideya sa lahat.

"Para tayong pinage-experimentuhan," sabi ko na ikitango naman nila.

"Pero wala naman silang pinapagawang delikado sa'tin," mag kasabay na sabi ng kambal. Kambal din sila pati ba naman sa pag sasalita.  

Binalingan ni Tyra ng tingin si Carl. "Bakit hindi natin tanungin 'yung taong mismong naka experience nun." Lahat kami ay napatingin na rin kay Carl.  Pare-pareho kaming nag-aantay ng sagot niya.

Tama nga si Tyra, kung sinong pinaka dapat tanungin ngayon ay si Carl 'yun. Siya lang naman ang naka ranas ng lahat. Pero sa hitsura niya ngayon, parang wala siyang balak sumagot. Naka tingin lang kasi siya sa'min na parang walang paki-alam. Maki-cooperate ka please!

Huminga siya ng malalim bago tumayo't pinihit paharap sa'min ang monitor ng computer na kanina pa pala niya ino-operate. Lahat kami tumingin dun. Biglang nag pop-up ang isang video sa screen. Si Sir Adrian at ang principal!

Nakita kong napa kunot ng noo si Tyra. "Ano 'yan?"

Lumapit si Jomer sa screen. Kinikilatis niya ng maigi ang video. "Hinack niya ang laptop ni Sir Adrian." 

Ano? Alam kong posible na 'yun sa panahon ngayon pero. . Teka, bakit pa ba 'ko nagulat? Mas matindi pa rin ang nangyari kanina. Nag focus na lang kami sa panunood at pinakinggan ang sinasabi nina Sir at ng principal.

Sa nakikita ko ngayon, pinapaliwanag ni Sir Adrian ang profile ni Carl. Hindi ko alam kung bakit. 

"Si Carl Sebastian ang unang naka discover ng gift niya ngayong taon, magaling siya sa Math at Computer." Panimula ni Sir habang naka flash sa white screen ang record ni Carl. "Ang gift niya ay connected sa mga Gadgets at electronic devices, kaya niya itong kontrolin kapag nahawakan niya ito."

"Ang ibig mong sabihin ay kailangan niya pa itong hawakan para lang ma-control?"

"Ganun na nga, sir. Pero once  na mahawakan niya ang isang bagay, kaya na niya itong kontrolin online."

"Ganun ba? So, I supposed na nakikinig siya sa'tin ngayon."

Nanlaki ang mga mata naming lahat dahil sa narinig namin. Pa'no nalaman ng principal na nakikinig kami? 

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon