Mabilis na natapos ang unang araw ng klase sa Flammarion High. Puro pag papakilala lang ang ginawa, kahit na halos lahat naman na ay mag kakakilala dahil sila at sila lang naman ang mag kaka-klase parati. Wala namang kakaibang naganap bukod sa bagong ka-klase ni Nathan. Hindi naman ito transferee student, galing lang ito sa mataas na section noon na ngayo'y nasa section na ni Nathan. Kakilala rin naman ito ni Nathan dahil galing ito sa parehong section ni Uno.
"Macky?!" gulat na sigaw ni Uno nung makita niyang kasabay ni Nathan mag lakad ang dating ka-klase na ngayo'y ka-klase na ng bestfriend niya. "Ikaw nga!" Napa-sigaw na nga ito ng tuluyang ma-kumpirmang si Macky nga ang kasama ni Nathan. Ngiti lang ang iginanti ni Macky.
"Akala namin absent ka eh," bati ni Uno nang tuluyang makalapit ang dalawa sa kaniya.
"A-ano kasi," hindi alam ni Macky kung paano ipapaliwanag na bumaba ang grades niya noong last grading nung sila'y nasa grade 11 kaya bumagsak siya ng section 8.
Hindi pa man tapos mag salita si Macky ay agad nang nasipat ni Uno ang suot na badge ni Macky. kagaya ito ng kay Nathan na may naka sulat na roman numeral eight. Sinipat niya rin ang suot na badge ni Nathan. Parehong pareho. Tama nga!
"Mag ka-klase na kami," sambit ni Nathan. Siya na ang nag salita dahil pansin niyang medjo nahihiya si Macky.
Pag karinig ni Uno ng mga sinabi ni Nathan ay napa hagalpak siya ng tawa. "HAHAHAHAHA".
Hindi 'yun minasama ni Macky dahil alam niyang ganon lang talaga ito. Hindi rin naman maipag kakailang close din ang dalawa dahil nga galing sila sa i-isang section dati.
"Hoy! hindi 'yun nakakatawa," pag-saway ni Nathan sa kaibigan na halata rin naman sa tono na nag pipigil din ng tawa.
"Sorry," hindi pa rin siya tapos sa pag tawa. "Haha, hindi ko lang kasi napigilan." napa hinga na lang siya ng malalim nang sa wakas ay tumigil na ang tawa niya. "Anyare, p're?" tanong nito kay Macky.
"Ayun tinamaan ng lintik." Pag katapos niyang mag salita ay sinundan niya ito ng bulalas ng tawa. Natawa naman din ang dalawa at nag lakad na ulit sila pa-labas ng building.
Tahimik lang ang tatlo sa pag-lalakad ng biglang nag salita si Uno. "Oo nga pala Macky, next week naman ay gaganapin na ang placement test." Tiningnan niya si Macky, binigyan niya ito ng tingin na hinihikayat na galingan sa exam. Nakuha naman nito ang tingin ni Uno.
"Tama ka! Chance ko na 'yun para maka balik," sabi ni Macky na may kasamang pag taas pa ng hintuturo. "Kaso, kaya ko kayang ipasa 'yun?" bigla namang nawala ang sigla sa mukha niya.
"Syempre naman! tutulungan kita, ito nga ring si Nathan, eh," sinusubukang pagaanin ni Uno ang loob ni Macky. Medyo umepekto naman ito dahil bahagyang nabuhayan ang expresyon niya. Hindi 'yon naka ligtas sa mata ni Uno. "Ano, sama ka na sa'min mag review?" yaya niya pa rito.
Hindi agad naka sagot si Macky, tuloy tuloy lang silang nag lakad ng tahimik. Hinayaan lang ito ng dalawa, baka nag-iisip lang ito ng maigi.
Tahimik pa rin ang tatlo nang marating nila ang gate ng school. Huminto ang tatlo sa paglalakad.
"So, pa'no? dito na ako, ah," pagpa-paalam ni Uno. Iba kasi ang daan nito pa-uwi sa dorm na tinutuluyan niya.
Aalis na sana siya ng pigilan ito ni Macky. "Teka." Napa baling naman ng tingin dito sina Nathan at Uno. Walang nag sasalita sa kanila. Hinihintay lang kung anong sasabihin ni Macky.
"Payag na ako, sasama na ako sainyo mag review".
"Ayos pala eh." Nag thumbs up pa si Uno. "Sige, kita-kita na lang ulit bukas." Tuluyan na itong nag lakad paalis.
BINABASA MO ANG
Imperium
Fiksi IlmiahSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...