Uno's POV
"Oo, siya nga. Ah, ganun ba? Wala ka na pa lang balita sa kaniya? Sige po, salamat."
Binaba na ni Febbie ang cellphone niya after niyang kausapin ang kung sino? Pero sure akong tungkol nanaman 'to kay Annie. Hindi rin marunong sumuko 'tong babaeng 'to, ah.
"Huhulaan ko," sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa'kin na nag-aantay kung anong kasunod na sasabihin ko. "Tungkol nanaman 'yun kay Annie, no?"
"Curious lang talaga ako. Ikaw ba? Hindi ka man lang ba curious malaman kung ano ba talagang nangyari?"
Ako? Actually may part naman talaga sa'kin na gustong malaman ang katotohanan. Ang lakas maka telenobela ng linya pero ganun talaga. Minsan nakaka tamad lang.
Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong naka upo. Nandito nanaman kami sa library para syempre mag basa nanaman, pero this time andito kami sa library na hindi special zone. Pwede rin naman kami dito, eh. Napa tingin naman sa'kin si Febbie.
"Teka, nasa'n pala si Nathan?"
"Hindi ko rin alam?"
Nasan nga kaya 'yung taong 'yun? Hindi namin siya nakasama ngayong araw except sa room.
"Asan kaya 'yun. Gusto ko pa naman sana mag hanap ng mga info pa."
Kaya pala niya hinahanap, kailangan niya ng assistant sa kalokohan niya. Ewan ko rin ba dun kay Nathan at sinasakyan 'yung trip nitong babaeng 'to.
Ilang minuto ring kaming natahimik, boring naman! Asan na ba kasi si Nathan?
Halos maka tulog na ako sa sobrang boring nang nag salita si Febbie. "Oo nga naman!"
Bumaling ako ng tingin sa kaniya, naka tingin din siya sakin ng nakangiti. Ok, medyo creepy. What's with the smile?
Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Inaantay ko kung ano pang next niyang sasabihin. Medyo weird kayang biglang mag salita out of nowhere. Mamaya may sanib na pala 'to, eh.
"Since ikaw ang nandito, Uno. Ikaw na lang ang sumama sa'kin!"
"Huh, sumama saan?"
"Ewan?" bigla siyang natawa sa sarili niya. "Mag-ikot tayo dito sa school. Hanap ng info?"
Ok great! Ngayon ako na ang gusto niyang idamay sa kalokohan niya. Pero, sabagay mas ok nang mag lakad lakad kesa umupo dito at mag basa lang.
"Sige na nga. O, san tayo mag sa-start?"
Natigilan siya at napa-isip. Goodluck samin, kung balak niyang ikutin 'tong school, eh napaka laki nito.
Medyo matagal siyang nag-isip, malamang di niya rin alam kung sa'n kami mag sa-start. May mga matalino talagang tao na minsan hindi nakakapag-isip ng tuwid.
Bigla naman akong may naalala! Tama, andun nga halos lahat ng mga files!
"Alam ko na! Halika na." Tumayo na ako. Ganun din siya kahit hindi niya alam kung saan kami pupunta ay sumunod lang siya sa'kin.
Mga ilang minuto rin kaming nag lakad. Nasa may kalapit na building lang 'yun kaya saglit lang ay naka rating agad kami.
Bakit dito tayo sa library nating mga nasa SCP pumunta?" takang tanong niya.
"Basta, tara na dali."
Pumasok na kami agad, dumiretso kami sa second floor. Dun naka lagay 'yung mga file cabinet ng school. Habang paakyat kami ay natigilan si Febbie nang makita niyang may naka harang na tali sa daan.
BINABASA MO ANG
Imperium
Fiksi IlmiahSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...