Ika-labin tatlong Kabanata

41 5 0
                                    

Nathan's POV

"Talk," ma-otoridad na utos ni Ms. Lema. Titig pa lang niya nakakasugat na. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang posisyon niya. Lahat ng studyante yata ay takot sa kaniya. Isang bagay rin 'yan kung bakit napaka liit ng case ng bullying dito sa Flammarion.

Nandito na kami ngayon sa office ni Ms. Lema. Dinala nila kami dito after nilang awatin sina Macky at Carl. Mali si Macky lang pala dahil hindi naman lumaban si Carl. Kaya eto kaming tatlo. Ako, si Uno at si Macky. Tama, kaming tatlo kahit hindi naman namin sinaktan si Carl.

Nakayuko lang kami pare-pareho dahil takot kaming mag salita. Tinap ni Ms. Lema ang table niya kaya napa igtad kami ng kaunti dahil sa gulat. Asan na ba si sir, bakit ba kasi ngayon pa siya pinatawag ng principal, eh.

After kasi niyang awatin si Macky umalis siya agad dahil nga kakausapin daw siya ng principal.

"Wala bang mag sasalita sa inyo?" medyo napataas na ang boses ni Ms. Lema.

"Fine, kung walang gustong mag paliwanag it's ok. The three of you will be suspended for one month."

SHIT! ONE MONTH SUSPENSION? Bakit naman one month, eh wala naman kaming ginawa ni Uno? Patay talaga.

"Excuse me, Ms. Lema." Nagulat kami sa nag salita. Si sir pala, nakapasok na siya sa loob ng office. "Thank you for talking to them, sorry rin sa abala. But, I'll handle this one na from here."

"No," madiin na sabi ni Ms. lema.

"Why not? Mga students sila from Special Class and they're under my care."

"I don't think that you can handle this kind of students."

Napasimangot si sir dahil dun. Teka, medyo hindi ko na nagugustuhan ang sagutan nila.

"It's a direct order from the principal that students that is in SCP should be under my care only. I'm pretty sure that you know that." kalmado lang ang boses ni sir habang nag sasalita. Hindi siya nag padala sa nakaka intimidate na hitsura ng taong kausap niya.

Pero si Ms. Lema ay napakunot ng noo, pero nawala rin ito agad. "Ok, I'll leave this one to you then."

Nag katinginan kami ni Uno. Yes! So, hindi na tuloy ang one month suspension? Ayos! Ngayon lang ako sobrang natuwa na nasa SCP ako.

"Thank you. Boys let's go." tumayo naman kami ni Uno para lumabas na ng office. Ganun din si Macky. Pero hindi pa man kami nakaka layo sa upuan ay nag salita nanaman si Ms.

"Wait." Napatingin kaming apat sa kaniya. "Mr. Nathan and Mr. Uno can go but, not Mr. Macky."

"But-" hindi natapos ni sir ang sasabihin niya dahil nag salita nanaman si Ms. Lema.

"Students in SCP is under your care, that waives the sanction for Uno and Nathan." Tumingin naman siya kay Macky bago nag tuloy ng salita. "But that exclude Macky. He's from section 1, isn't he?"

Napatingin lang kami kay sir, halatang hindi rin alam ni sir kung ano pa bang dapat sabihin. Wala nang lusot. Pero kung tutuusin ay kasalan naman talaga ni Macky. Grabe lang talaga ang one month na suspension.

"Since hindi na mapaparusahan ang dalawang kaibigan mo your punishment will be doubled. Two months suspension and that's final."

Ano!

"Hindi niyo po pwedeng gawin 'yan." Hindi ko alam kung saan ako naka hugot ng lakas ng loob para sabihin 'yun. Ang alam ko lang hindi maka tuwiran ang parusang 'yun.

"Bakit hindi?"

"H-hindi niyo po puwedeng alisan ng karapatan si Macky na makapag-aral."

Napatawa si Ms. lema dahil dun. "Haha, silly. Makaka balik naman siya after two months. It's more than enough para mapag-isipan niya ang kalokohan niya."

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon