Jane's POV
"Anong tinitingin tingin ninyo! Tapos na ang palabas, mag si-alis na kayo kung ayaw niyong kayo naman ang kaladkarin ko!" Sigaw ni Tyra na tila ba nasisiraan na ng bait.
"Bitiwan niyo ako!" Nag pupumiglas siya sa hangin na tila ba may humahawak sa kamay niiya. Kasunod pa nito ang pag bagsak ng mga luha niya. "Hindi ako nababaliw!"
Tumingin siya sa direksyon ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Tulungan mo ako,
" mas lalong lumakas ang pag hagulgol niya. "Tulungan niyo ako!" sinundan niya 'yun ng isang napaka lakas na sigaw."Ok Tyra, that's enough. You did a great job!" nag palakpakan naman ang mga manunuod. Napuno ng hiyawan ang buong AVR. Dito kasi ginanap ang audition.
Mula sa malungkot na mukha ay umaliwalas ang mukha ni Tyra. Nag bow siya sa mga judges at pati sa mga audience. Napaka galing talaga niyang umarte! Tiyak pasok na siya.
Ako kaya? Hindi naman ako nag papahuli sa acting, alam ko may ibubuga din ako. Pero gusto kong maiba. Kaya kakanta ako para sa audition na 'to. Gusto kong i-express ang sarili ko sa kanta. Hindi naman ako kasing galing ng mga defending champion sa tawag ng tanghalan pero hindi rin naman masakit pakinggan.
Marunong din akong tumugtog ng gitara kaya pwede na. Wala naman kasing sinabi na acting lang dapat ang talent na pang audition, eh.
"Next is Ms. Jane from special class. Please come up on stage."
Gosh! ako na. Kalma lang, magiging ok ang lahat.
Umakyat na nga ako sa stage gaya ng sabi ng adviser ng Theater club. Nahagip pa ng mata ko si Tyra na naka tingin sa'kin. Nag mouth siya sa'kin ng goodluck. Nginitian ko lang siya as a response.
Pag dating ko sa stage ay may naka prepare na na mic stand at isang stool. Kanina kasi ay inalam na ng team ng theater club ang gagawin ng mga mag o-audtion para ma prepare nila ang mga kailangan.
"Hi, Jane." bati sakin ng club president na isa rin sa mga judges.
"Hello po," bati ko rin pabalik.
"So, what are you going to do for this audition?"
"I'm going to sing po"
"Oh, wow. That's new. Ok Jane, Goodluck."
Tumango na lang ako at naupo sa stool. Nag strum muna ako sa gitara ko para i-check kung ok na ang sound. Ayos! ready na.
(Please play the video above if you want to imagine Jane singing.)
Nag simula na akong tumugtog. Tumahimik lahat ng tao sa AVR. Lahat nakikinig lang sa'kin.
Pinikit ko ang mga mata ko bago ako nag simulang kumanta. Dinama ko lang bawat lyrics ng kanta. Wala akong ibang naririnig kundi ang boses at ang gitara ko lang. Wala ni isang nagawa ng ingay.
Ang sarap sa feeling. Ang tagal na rin since nung last na tumugotg ako at kumanta. Ang saya.
Bago matapos ang kanta ko ay idinilat ko na ang mata ko. Kasabay ng huling chord ng gitara ay siya ring pag hinto ko.
Isang masigabong palakpakan ang sunod na narinig ko. Inikot ko ang paningin ko, lahat ng tao ay nakangiti at pumapalakpak. Isa-isa rin silang nag tayuan. Totoo ba 'to?!
Nakita ko sa audience sina Sir Adrian at Nathan, kasama nila sina Uno at iba pang kasama namin sa special class.
Nang matapos ang palakpakan ay nag salita na ang club president. "You just blew my mind, Jane! Grabe."
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...