(A/N: Salamat sa mga positive feedbacks :), anw request ni @nyehnyehblehbleh na lagyan daw ng POV, masunurin ako, eh. So, here it is haha.)
Nathan's POV
Second day na ng pagiging Gifted students namin. Wala namang kakaibang nangyari bukod sa nag bago ang trato ng mga teachers sa'min, sa'akin. Kanina nga na late ako ng gising, nag madali ako lahat lahat, hindi na nga ako nakapag almusal, pero late pa rin ako. Ang nakakagulat ay hindi ako pinagalitan ng teacher ko!
Sunod na subject naman ay kumukulo na ang sikmura ko, buti na lang ay bago pumasok ay naka bili ako ng sandwich. Alam kong bawal kumain sa loob ng classroom lalo na't oras pa ng klase pero gutom na talaga ako. Yumuko lang ako para hindi ako mapansin ng teacher, pero bigo ako. Nagulat na lang ako nang tapikin niya ang balikat ko. Una natakot ako dahil mag kasalubong ang mga kilay nito. Pero pag kakita niya sa badge na suot ko ay agad itong ngumiti at bumalik na sa harapan. Weird? ewan.
Natapos naman ang ibang subject ng normal lang. Ngayon, andito ako sa library, kasama si Uno, na tanging kaming mga gifted students lang ang pwedeng pumasok. Dito rin namin noon ninakaw 'yung test papers.
"Alam mo ba, kanina hindi ako nakagawa ng assignment ko. 'Yung terror na teacher pa naman ang teacher dun sa subject na 'yun, pero guess what!? Hindi niya ako pinagalitan." Kwento ni Uno. Nakatambay lang naman talaga kami dito sa library. Gusto lang namin mag kwentuhan.
"Sabi niya lang sa'kin, 'It's fine, you're a gifted student. I know you're studying hard, it's ok na makalimot paminsan-minsan'" dagdag pa niya na ginagaya pa 'yung boses ng teacher niya. Baliw talaga 'tong bestfriend ko.
"Alam mo, Uno. Ganiyan din ang nangyari sa'kin. Pero, diba dapat di na tayo nagugulat. Alam naman natin na magiging gan'to ang lahat, since gifted students tayo."
"Sabagay, tama ka naman."
Alam naman kasi talaga ng lahat na kaming mga gifted students ay naiiba talaga sa normal na students which is hindi ko makita kung sa'n kami nai-iba?
Naalala ko tuloy bigla 'yung assignment namin. Napaka simpleng pakinggan pero, ang hirap kaya nun.
"Uno, may sagot ka na ba sa assigment natin?"
"Alin, 'yung kung bakit tayo nasa SCP?" tinanguan ko lang siya bilang sagot. Wala naman kaming ibang assignment sa SCP eh.
Bumuntong hininga muna siya bago nag salita. "Alam mo, hindi ko rin talaga alam. Pareho lang tayo, eh."
Halatang naguguluhan din 'tong bestfriend ko. Pa'no ba kasi namin 'yun masasagot, eh hindi talaga namin alam kung anong nangyari. Hay, nako.
"Teka, tsaka na natin isipin 'yan. Mag sisimula na ang klase natin sa special class."
Oo nga pala, buti na lang naalala ni Uno. Nawala na kasi sa isip ko.
Lumabas na kami ng library para pumunta sa room ng Special Class. Malapit lang naman 'yun sa library kaya mabilis lang kaming nakarating. Wala pa si Sir Adrian. Buti na lang! Inikot ko ang paningin ko sa classroom. Parang kulang kami? Tama! wala pa si Carl.
"Bakit kaya wala pa si Carl?" tanong ko kay Uno.
"Aba, malay ko? Kailan ka pa naging interesado sa mokong na 'yun?
Interesado agad? hindi pa pwedeng nanibago lang?
"Sira! Hindi naman kasi na le-late 'yun diba? Lagi pa nga nuuna 'yun, eh."
Nag kibit balikat lang si Uno.
Totoo naman, napaka time bound ng taong 'yun. Pero nakaka-awa rin minsan, parang wala kasi siyang kaibigan, eh. Kung sabagay, paano nga naman mag kakaroon ng kaibigan 'yun, eh ang sama ng ugali. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...