Ikalimang Kabanata

63 8 7
                                    

Hindi nila nakita si Macky hanggang pag-alis nila sa bulletin board. Malamang alam na niya ang nangyari. 

Kahit hindi kumportable si ang dalawa, ay pinili pa rin nilang pumasok sa unang araw nila bilang mga Gifted students. Hindi na tulad ng dati ang araw-araw nilang pag pasok. Kung titingnan sa kabilang banda ay ok naman ito. Mag kakaroon na sila ng access sa mga bagay na hindi pwedeng ma-access ng mga normal na studyante, kahit mga nasa section 1. Sila na ang pinaka mataas.

Huminto sa pag lalakad ang dalawa sa tapat ng isang pinto. Sa tabi nito  ay may nakalagay na 'Special Class'. Nag katinginan ang dalawa. Nag papakiramdaman kung anong susunod na mangyayari. 

"Eto na 'yun," sabi ni Uno. Tumango lang sa kaniya si Nathan atsaka tinulak ang pinto ng dahan dahan. 

Unang pumasok si Nathan, nasa likod naman niya si Uno. Bumungad sa kanila ang mga studyanteng naka upo na sa kani-kanilang upuan. Ang iba'y nag dadaldalan, ang iba naman ay naka upo lang at nag mamasid.

Nakita agad ni Nathan 'yung babaeng nabunggo niya sa may bulletin board kanina. Gifted student nga siya. Dumiretso sina Nathan at uno sa dalawang bakanteng upuan sa likod ng babaeng nabunggo niya. Nasa likod naman nila si Carl. Nakatingin lang ito sa kanila, Walang reaksyon. 

Iginala ni Nathan ang mata niya. Tila kinikilatis niya ang mga studyanteng kasama nila. Pansin niyang puro galing section 1 ang mga 'yun, bukod sa isang babae. Nakasuot kasi ito ng badge na kagaya ng kay Uno. Taga section 2 ito. 

Tahimik lang 'yung babae, maikli ang buhok na halos pang lalaki na. Sa tingin din ni Nathan ay hindi ito gaanong katangkaran. Napabaling naman ang tingin niya sa dalawang upuan na nasa likod din. Kahilera ito ng upuan ni Carl. May dalawang lalaki ang nakaupo roon. 

Teka? Palipat-lipat ang tingin ni Nathan sa dalawang 'yon. Kambal sila! Hindi naman na sinipat ni Nathan ang upuan ni Carl. Nakakahawa kasi ang panget na mood nito.

Sa may bandang harapan naman ay naka-upo ang dalawang babae. Nag-uusap lang ito ng nag-uusap. Sa may likuran naman nila naka-upo ang dalawang lalaki. Kahilera ito ng upuan nina Nathan at Uno. Tahimik lang ang dalawa, pero nakikinig rin sila sa usapan ng dalawang babae sa harap nila.

Napatingin naman ang lahat nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaking malago ang buhok. Halos hindi na rin niya kayanin ang pinto dahil sa kapayatan niya. Idagdag mo pang matangkad siya, para na siyang isang kawayan. Pero mukha siyang kagalang galang sa suot niyang puting polo.

"Good Morning, Class," bati nito. Nagkatinginan sina Nathan at Uno. Siya nga! 'yun ang boses ng lalaking kasama ng principal nung gabing ninakaw nila ang exam.

"I'm Mike Adrian, just call me Sir Adrian. Ako ang magiging adviser niyo."

Tahimik lang ang lahat, nakatingin lang ang mga mata kay Sir Adrian. 

"Anyway, welcome sa Special Class!" Tahimik pa rin ang lahat sa kabila ng masigla niyang bati.

"C'mon, guys! Clap! relax lang tayo dito, there's no need to be pressured, ok?"

Kahit nai-ilang ay isa-isa na silang nag palakpakan. Ang layo ng hitsura ng teacher nila sa personality nito.  Mukha itong seryoso pero napaka masiyahin pala niyang tao.

"So, ngayong araw, since this is our first day, ie-explain ko muna lahat ng dapat niyong malaman about sa klaseng ito. From house rules, attendance, and your gifts." habang nag sasalita si Sir Adrian ay binubuksan niya ang projector sa harap.

"First of all, paki kuha ang mga papers at isang box na nasa ilalim ng desk niyo." Sinunod naman nila ito. Mayroong mga papel na naka stapler at isang maliit na box. 

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon