Nathan's POV
"Ayun nga daw ang dahilan kung bakit nag quit si Tyra sa theater club," sabi ni Uno.
Ang aga aga chismis na agad pinag-uusapan namin. Well, hindi naman siya matatawag na chismis since totoo naman talaga. Kalat na kalat sa school, hindi lang ang panget na mukha ni Tyra este panget niyang pictures dati, kundi pati ang issue na si Alexis daw ang may pakana nun. Tama naman na siya nga ang mastermind.
"Alam naman namin 'yun, Uno. Hindi mo na kailangan i-kwento pa," sabi naman ni Febbie. Tama naman siya. Gaya nga ng sabi ko ay kalat ito sa buong campus dahil sikat si Tyra, at dito rin kaya kami nag-aaral. Malamang nasasagap din namin mga usap-usapan.
Narinig ko rin na nag patulong daw si Tyra kay Carl para ma trace 'yung may kagagawan. Big help nga talaga dahil nalaman nga ni Tyra kaya ayun si Alexis, wala na siya. Wala na siya sa school.
"After nating kumain ay mag review na tayo sa library. Malapit na ang mid terms"
Napa kunot ang noo namin ni Uno dahil sa sinabi ni Febbie. Seryoso? After pa ng inter-school 'yung mid terms, ah?
"Hindi pa pwedeng after na lang ng event? Enjoy enjoy muna!"
Tumango tango ako bilang pag sang-ayon kay Uno. Tama! Enjoy muna, malayo layo pa naman. Ang talino na kaya niya.
"Hindi pwede! Mas ok nang mag handa tayo ng mas maaga."
"Hay nak—" naputol ang sasabihin ko dahil may narinig kaming mga estudyanteng nag tatakbuhan. Anong meron?
Palakas ng palakas ang ingay hanggang matanaw namin ang tatlong lalaking natakbo. Teka, si Nicko 'yun, ah. Bakit ba sila natakbo.
Mukha silang nag mamadali at parang may tinataguan. Nako, mukhang may kalokohan nanaman 'tong si Nicko. Hindi na nag bago. Nakita kong napatingin si Nicko sa direksyon ko at nag madaling tumakbo.
"Nathan! Sa'yo muna 'to." Sabay abot niya sa'kin ng isang itim na bag.
"Te-teka, ano 'to?" kahit nag tataka ay hawak ko na ang bag, hindi naman niya kasi inantay na kunin ko dahil inilapag niya lang talaga sa lamesa.
"Basta, kukunin ko sa'yo 'yan mamayang uwian. Itago mong mabuti!"
Nakaramdam ako ng kaba dahil dun. Kaibigan ko rin naman si Nicko dahil pareho kami ng section, pero ayokong madamay sa kalokohan niya.
Hindi na ako nakapag salita pa dahil tumakbo na silang tatlo palabas ng cafeteria. Patay ako nito.
Nakatingin lang 'tong dalawa kong kasama sa'kin. Parang nag-aantay sila ng paliwanag sa kung anong nangyari kani-kanina lang. Kaya't napa buntong hininga ako bago nag salita.
"Kaibigan ko 'yun, si Nicko. Pareho kaming nasa section 8."
Kinuha ni Uno mula sa'kin 'yun bag. "Ano ba kasing laman nito?" habang nag sasalita ay binubuksan niya rin ang bag. "Baka may ginto 'to!" sigaw niya pero biglang nag bago ang reaksyon ng kaniyang mukha ng inilabas niya ang isang bond paper.
"Fuck!" sabay mabilis na ibinalik ang bag sa'kin.
"Ano ba 'to?" tiningnan ko rin ang papel na nakita niya. Shit! sinasabi ko na nga ba. "Asnwe key 'to, ah! Malamang ninakaw nila 'to kaya sila natakbo kanina."
"Mukhang alam ko na kung kanino sila nag tatago." ngumuso si Febbie sa bandang likuran ko para ituro kung kanino nag tatago sila Nicko. Inikot ko ang tingin ko, shit! Si Ms. Lema.
Napa-ayos ako ng upo ata agad na ibinalik 'yung answer key sa loob ng bag. Malas malas MALAS! Anong gagawin ko.
"Pa'no na 'to?" tanong ko sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...