Ikaapat na kabanata

61 7 2
                                    

"You have 1 hour to finish the exam, I believe that's more than enough. Do your best, class. You may start." Nag bigay na ng signal ang teacher nila na namamahala sa exam. 

Ginanap ito sa kani-kanilang classroom, sabay sabay nag simula ang lahat. Binalot ng katahimikan ang buong Flammarion High, mukhang pinaghandaan ng bawat estudyante ang araw na ito. Walang gustong bumagsak, lahat gustong umangat.  

Naka focus lahat ng estudyante sa test paper nila maliban kay Nathan. Kanina pa ito hindi mapakali. Balot ng tensyon ang buong katawan niya. 

Kinuha niya ang ballpen niya atsaka tinanggal ang takip nito. Lumabas ang maliit na papel mula rito. Ito 'yung kodigong ginawa ni Macky kagabe. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. 

"Bahala na," bulong nito sa sarili. Binilog niya ang kodigo at saka nilagay sa bulsa niya. Buo na ang pasiya niya. Hindi niya gagamitin ang kodigo. Kahit nasa mababang section siya ay kailanman may hindi niya nagawang mangodigo. 

Kung para sa special Class talaga siya, kahit walang kodigo ay mapupunta siya dun. Sinimulan na niyang mag sagot, hindi naman niya talaga alam kung anong sagot sa exam. Bahala na talaga.

Bilog lang ng bilog, shade lang ng shade. Tapos na! Tama man o mali, tapos na siyang mag sagot. Tumungo na lang siya sa desk niya. Walang balak mag review ng sagot si Nathan.  Para sa'n pa? Alam naman niyang karamihan sa sagot niya ay butata. 

"Ten Minutes left, Class. Those who are done you can pass your paper in front" 

Napa-angat ang ulo ni Nathan nang mag salita ang kanilang guro. Sa wakas! makaka-uwi na siya. Ang problema na lang niya ay kung paano sasabihin sa dalawa niyang kaibigan na hindi niya ginamit ang kodigo ng hindi nakakatanggap ng batok. Malamang may kasama pang mura 'yon. 

Ipapasa na sana niya ang test paper niya nang may narinig siyang isang malakas na ingay. Pumapasok ito sa tenga niya at umaabot hanggang utak. Ano ba 'to! Parang tunog ng mic na tinapat sa speaker. Sa'n ba 'to galing? Napatakip na lang siya ng tenga at luminga-linga sa paligid. Walang reaksyon ang mga ka-klase niya. Ano bang nangyayare?

Ilang saglit lang ay nawala na ang ingay. 

"Ang huling bahagi ng exam ay pag-sulat ng sanaysay." Napa tingin siya sa speaker na naka kabit sa classroom nila. Dun nanggagaling ang boses ng nag salita. 

Anong huling bahagi? 

Inikot niya ulit ang tingin sa mga kaklase niya. Ang iba'y nag papasa ang ilan ay nag sasagot pa.

Bahala na! sa isip-isip niya. 

"Ilagay ang inyong sagot sa likuran ng inyong papel ang inyong sagot. 'DEATH SENTENCE SHOULD BE PRACTICED IN EVERY COUNTRY AROUND THE WORLD' Do you agree or disagree?"

Kahit nag-aalangan ay sinulat niya ang sagot niya sa likod ng papel niya gaya ng sinabi sa panuto.

"Ok, class. Finish or not, pass your papers now."

Saktong natapos naman niya ang sagot niya ng mag salita ang kanilang guro. Sa wakas! tapos na. Tapos na ba talaga? Wala naman na sigurong kasunod diba? Huling bahagi na daw eh. 

Pag kapasa ng papel ay lumabas na si Nathan ng classroom. 'Yun lang naman ang klase nila buong araw. Naka-laan talaga ang araw na ito para sa Placement test. Ganun 'to ka-importante.

Dumiretso si Nathan ng cafeteria. Dito sila mag kikita-kitang tatlo. 

"Nathan!" Tawag sa kaniya ni Uno nang makita siyang papasok ng cafeteria. Naka upo ito sa may dulong table sa kaliwa ng cafeteria kasama si Macky.

"Ano, kamusta?" tanong ni Macky kay Nathan nang makalapit ito. "Nakatulong ba ang kodigo na bigay ko?"

"A-ano  kasi, Macky. Hindi ko ginamit 'yung kodigo mo." Bumakas sa mukha ni Macky ang gulat. Muntikan pa niyang maibuga ang iniinom na juice. 

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon