Jomer's POV
"Today is the last day of your practice. Do your best but, don't push yourself too much."
After akong kausapin ni sir Adrian ay umalis na rin siya. Marami pa raw siyang aasikasuhin dahil sa Monday na ang start ng inter-school. Friday na ngayon, last day na ng practice ko para sa lahat ng event. Kampante naman ako na mananalo ako dahil unang araw pa lang ng practice ay perfect ko na lahat.
Malaking tulong ang gift ko dahil dun ay naging madali ang lahat. Sure akong mananalo ako.
Hindi pa man nakakalayo si sir ay tinawag ko ulit siya. "Sir!" Napahinto siya sa pag lalakad at humarap sa direksyon ko. Nag lakad ako palapit sa kaniya, muntik ko nang makalimutan ipasa sa kaniya 'yung drawing ko.
"Sir, ito na po pala 'yung drawing na pinapagawa niyo para sa drawing event."
Nakita kong nagulat si sir pero agad ding nawala 'yun. Hindi na siya nag salita pa at kinuha na lamang niya ang bond paper na may drawing. Drawing ito ng isang puno na ipinagawa niya sa'kin bilang practice. Di ko alam bakit siya nagulat. Panget kaya?
Pag kaalis ni sir ay pumunta na ako sa gymnasium. Mag pa-practice kami ni Febbie ng ballroom, siya kasi ang magiging partner ko.
Mga ilang minuto ring lakaran bago ako naka rating sa gymnasium. Nandun na si Febbie pag dating ko. May dala siyang isang bluetooth speaker, 'yun siguro ang gagamitin namin para makapag practice.
"Pwede ba 'tayong mag practice dito? Dito gaganapin ang mismong event diba?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya.
Tumango tango naman siya. "Syempre, SCP students tayo."
Oo nga pala. Pwede kami kahit saan dahil SCP students kami.
"Start na tayo?" tanong niya sa'kin.
Tinaguan ko siya bilang sagot at nilapag ko ang bag ko sa tabi. In-on ni Febbie ang speaker na dala niya. Nag simula nang tumugtog ang kantang sasayawin namin. Sinimulan rin namin ang pag sayaw. Ginawa namin pareho ang napag-aralan naming steps.
Nang matapos ang tugtog ay agad kaming nag hiwalay.
"Perfect," rinig kong sabi ni Febbie.
"Hindi pa perfect," nakita kong kumunot ang noo niya dahil dun. "Medyo wala tayo sa beat sa unang minuto ng sayawa. Makukuha rin 'yun konting practice lang."
Hindi na siya nag salita pa at inayos na lang ang gamit niya. Hindi naman namin balak na mag practice lang dito. Usapan namin ay isang pasada lang talaga ng sayaw. Kaya after nito ay uuwi na kami.
Nagtaka ako ng biglang lumapit sa'kin si Febbie na may dalang isang papel.
"Ano 'yan?" tanong ko nang tuluyan siyang makalapit sa'kin.
"Registration form 'to para sa ballroom event. Kailangan ng pirma mo dito." Inabot niya sa'kin ang bond paper at nag-abot din siya ng ballpen.
Hindi ko na binasa pa ang mga nakalagay dun, pinirmahan ko na lang agad at saka ko ibinalik sa kaniya.
"Ok, ipapasa ko na 'to kay sir." pag kasabi niya nun ay agad na niyang kinuha ang bag niya at nag lakad palabas ng gymnasium. Naiwan akong mag-isa sa loob. Kinuha ko na rin ang bag ko at nag lakad na palabas ng gymnasium. Uuwi na ako't mag pa-practice ng violin.
-***-
Febbie's POV
Papunta akong office ni sir Adrian ngayon para ipasa ang registration form namin ni Jomer. Katatapos lang rin namin mag practice. Sabi pa niya hindi pa daw perfect 'yun dahil wala daw kami sa beat. Napaka perfectionist naman talaga, eh sa tingin ko nga mga five milliseconds lang kaming late. Grabe!
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...