Ika dalawampung Kabanata

36 3 2
                                    

Nathan's POV

"Para ka palang clown sa mga brithday party, eh." kantiyaw sa'kin ni Uno. Abnormal rin talaga 'to, eh. Nai-kwento ko na sa kanila ang tungkol sa gift ko. Tawagin ba naman akong clown. Kulot daw 'yung buhok tapos nag mamagic na pinapawala ang mga bagay bagay.

"Pawalain kaya kita, no?" 

"Aba kung kaya mo," sabay pakita niya ng mga muscles niya sa braso. 

Kanina pa kami nandito sa library pero hindi namin kasama si Febbie. Ewan nasa'n 'yun. Nakaka panibago lang na hindi siya nag babasa ngayon, eh siya nga 'tong nag pupush saming mag review dahil malapit na daw ang midterms kahit after pa 'yun ng inter-school.

Mga ilang minuto na naming tinititigan 'tong mga libro na hawak namin nang bumukas ang pinto ng library. Pumasok sina Jane at. . . Tyra? Si Tyra ba 'yun?

"Hoy, Uno. Si Tyra ba 'yun?" Tiningnan namn niya ang kasamang babae  ni Jane. Kinusot kusot pa niya ang mata niya na parang nanlalabo ang paningin.

"Oo yata? Oo siya 'yan. Wala namang ibang laging kasama si Jane, eh."

Kung sabagay, sila lang lagi ang mag kasama. Nakaka panibago lang, wala siyang mga kung ano-ano sa mukha ngayon. Mukhang napaka-amo rin ng dating niya. Di kaya nag bago na siya dahil sa nangyari sa theater club? Aba ayos kung ganun!

Teka, ngayon pa ako naihi. Nakakatamad pa naman tumayo. Pero di ko na kaya. "Uno, wait lang. Si-CR lang ako."

"Kaya pala ang baho!"

"Gago! Iihi lang ako."

Dumiretso na ako palabas ng library at hindi na inintindi pa si Uno. Tumatawa tawa nanaman ng malakas. Mukha siyang baliw dun mag-isa. 

Buti na lang at may malapit na CR dito sa library. Nag madali na akong mag lakad, baka  maihi pa ako sa uniform ko. Lakas maka grade shool nun. 

Sa wakas! Naka-ihi din ako. Nag hugas ako ng kamay sa lababo, iba talaga ang CR ng SCP students kesa sa mga normal na studyante lang. Naalala ko tuloy 'yung CR namin sa section 8. Walang tubig, walang tabo, halos tanggal na nga rin 'yung pinto, eh. Hindi ko talaga maintindihan 'yung kalakaran dito. 

Habang nag huhugas ako ng kamay ay may biglang lumitaw na repleksyon sa salamin. May naka tayo sa likod ko. Shit! Bakit ngayon pa?

Humarap ako sa kaniya at laking gulat ko sa hitsura niya. Gulo gulo ang buhok at parang pinadaanan ng rayzor ang gilid ng buhok niya. Pero hindi inayos. Parang ginupit ng bara bara. Hindi pantay pantay.

"Ni-Nicko"

"Nakita mo na ang nangyari, Nathan?" nagulat ako sa sigaw ni Nicko.

"A-anong nangyari sa buhok mo?"

"Gago ka ba? Ikaw may kasalanan nito! Bumagsak ako sa exam,"

"Ka-kalma ka—"

Hindi na ako nakapag salita dahil hinigit na niya ang kwelyo ko at saka ako binigyan ng isang sapak sa mukha. Dahil dun ay natumba ako. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. 

"Kumalma ka muna, Nicko!" hindi ko siya dapat patulan dahil alam kong galit siya. Sabihin na nating kahit papano ay guilty ako sa nangyari sa kaniya. Pero hindi rin naman siguro tama na saktan niya ako.

Hindi niya ako pinansin at akmang susuntukin nanaman ako. Mabuti't naka-ilag ako. "Tumigil ka na!" 

"Hindi ako titigil hanggat hindi durog 'yang mukha mo!" 

Sumugod naman siya at tinulak ako. Dahil sa dulas ng sahig ng CR ay natumba nanaman ako. Hindi pa man ako nakakatayo ay tinadyakan niya ang tiyan ko. Namilipit ako sa sakit dahil dun. Naramdaman kong binuhusan pa niya ko ng mga basura na galing sa basurahan ng CR.

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon