Ikawalong Kabanata

65 6 0
                                    

Jane's POV

Noong una ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng magandang grades, makapag-aral sa magandang eskwelahan at mga tunay na kaibigan. Thankful naman ako kasi natupad naman lahat. Bonus pa nga dahil napunta pa ako sa Special Class. Though hindi talaga makapaniwala nung nalaman ko ang totoo about sa SCP. Like for real! May powers daw kami.

Nung gabing nakausap namin ang principal or narinig namin ang principal dahil hindi naman talaga namin siya naka-usap, na discover ko rin ang gift ko. Ano? Paano? Di ko rin sure, eh. Basta nangyari na lang. 

Pero sure ako, malinaw na malinaw ang bawat kulay na nakikita ko. Katulad na lang ngayon, nakatayo ako sa harap ng mga kaklase ko sa Specail Class para mag pakilala. Kitang kita ko ang kulay ng bawat-isa.

"Uhm, Hi guys. I'm Jane Andrea, tawagin niyo na lang akong Jane at ang Gift ko ay kaya kong makita ang aura ng isang tao." 

Lahat sila ay nakatingin lang sa'kin. Halatang nag-aantay sila ng paliwanag kung ano bang ibig kong sabihin. 

"Synesthesia," nag conduct ako ng research nung gabi ring 'yun at napag-alaman ko ngang synesthesia ang tawag sa gift ko na 'to. Ito ay isang neuropsychological phenomena kung saan nakikita ng isang tao ang aura ng mga tao sa paligid niya.

"How does  it work, Jane?" tanong sa'kin ni Sir Adrian. 

Simple lang naman ang gift kong 'to, kailangan ko lang i-concentrate ang mga mata ko sa isang tao. Pumikit muna ako bago ko titigan si Sir. "Like this, sir. Base sa nakikita kong aura na pino-project mo ay masaya ka." 

"Paano mo naman nasabi? Pwedeng naka ngiti lang ako pero hindi talaga ako masaya?"

"Sir, that bright color orange around you won't lie. Pero ngayon, nag babago na ang shade ng aura mo, sir. Nagiging color yellow na 'to."

"Which means?"

"Confidence." 

"Hahaha, Good. You may now take your seat, Jane. Gusto kong makita na gamitin mo 'yang gift mo up to it's full potential."

Hindi ko alam kung bakit siya tumawa? Mali ba ako? No. Kahit ka-didiscover ko  lang ng gift ko ay alam kong tama ang mga nakikita ko. Pero, ganun pa man. Sinunod ko na lang si sir at naupo na rin. 

"Hey! So cool naman ng gift mo," bulong sa'kin ni Tyra. She's my friend since highschool, kahit super kikay niya ay mabait naman siya. Sobrang supportive niya sa'kin. Dati kasi mahilig akong sumali sa mga school play, hilig ko kasi ang acting. Pero ano? never akong natanggap sa kahit isang audition at mas worse ay si Tyra lagi ang nakukuha. But, don't get me wrong hindi ako galit sa kaniya.

"Thanks! Pero sure akong mas cool ang gift mo, sigurado ka bang hindi mo pa na-didiscover ang gift mo?"

"Hindi pa nga, eh. Pero maybe ang gift ko talaga is ang maging pretty lang." 

Ok na sana eh, kaso eto nanaman siya sa pagiging self-centered niya, eh. Well maganda naman siya, pero mas maganda siya kung mag papaka-totoo siya. Di niya kailangan ng make-up at kung anu-ano pa. Dati naman hindi siya ganiyan.

"Ewan ko sa'yo, Tyra."

"'To naman joke lang syempre. Pero pwede mo bang tingnan 'yung aura ni Carl?"

"Ano? Bakit naman?" Actually nagulat lang ako kaya ko siya natanong kung bakit niya gustong gawin ko 'yun. Alam ko naman talaga ang dahilan. Hinding hindi maitatago ni Tyra ang kulay pink niyang aura. Ibig sabihin gusto niya si Carl. Ang lakas maka highschool ng kaibigan ko.

"Basta! Just do it."

"Ayoko nga! mamaya kung ano pang makita kong aura niyan no."

"Dali na bestfriend."

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon