Jomer's POV
"Class your assignment for this week is to read books that is related to your gifts. I'll give you lists ng mga books na pwede niyong basahin. Dun naman sa mga hindi pa alam ang gifts nila, I'll give you books na pwedeng maka tulong ton discover your books, ok? Lahat ng books na 'yan ay nasa Library na special zone."
Great. Hindi naman sa sinasabi kong boring ang mag basa but, advanced na ang era ngayono. Pwede naman video clips na lang or what.
"That would be all for today, class. By the way I just want to remind you that next week na ang Inter-school academic and Sports Festival. If you want to join any of the events just approach me, ok?"
Lahat kami ay tumango lang, isa 'tong event na 'to sa mga inaantay ng mga studyante. Well isang buong araw kasing walang klase to give for the said festival. Lalo na't ngayon ay ilang araw na lang pala, malamang puspusan na sa pag hahanda 'yan.
Ano kayang sasalihan ko? Well every year naman akong nasali sa kahit anong event at lahat naman 'yun naipanalo ko. Kaso lahat na yata nasalihan ko na, I want something new this time. 'Yung ma-chachallenge naman ako, lalo na't na discover ko na ang gift ko. With my gift, it would be easier for me to win sa kahit anong event.
"Same events pa rin naman just like the previous years except for the dance sports. We will have it for this year and I guess for the succeeding years na rin. So, any questions?"
Wala nang sumagot pa samin. Alam naman na namin ang details sa event na 'yun since yearly naman siya ginaganap.
"None? Ok so, dismissed na tayo."
Lalabas na sana ako ng room ng tinawag ako ni sir. "Jomer, please come with me. Gusto kang makilala ng mga department heads."
Ako? Bakit naman ako gustong makilala ng mga heads? Wala naman akong bagong achievement, ah?
Nakita kong narinig 'yun ni Carl. Saglit naman siyang natigilan sa may pintuan pero agad din naman siyang lumabas ng room.
Humarap ako kay sir at tumango. Inayos lang ni sir ang mga gamit niya bago siya nag lakad palabas. Agad ko naman siyang sinundan.
Ilang minuto rin kaming nag lakad papuntang conference room ng school. Nasa kabilang building kasi 'yun kaya medyo mahaba rin ang nilakad namin.
Nang makarating kami sa conference room ay si sir ang nag bukas ng pinto. Nakita kong andun na lahat ng mga department heads. Naka upo sila palibot sa isang mahabang lamesa.
Lumapit kami ni sir at pumwesto sa harapan nilang lahat.
"Good afternoon. Well as per your request, I have here one of my student from Special Class," bati ni sir sa kanila.
"This is Jomer, originally from section 1 and currently under Special Class Program." pag papakilala ni Sir Adrian sa'kin sa mga head ng bawat department sa school. "He excels in Math, Science, Language or should I say in every domain."
Kita sa mga reaksyon nila ang pagkagulat. Well, before sa science lang naman talaga totally magaling. But, because of my gift halos lahat ng subjects ay naging madali na sakin.
"Well, he's in special class after all," sabi ng head ng English Department.
"I agree but, the question is anong event ang sasalihan niya?" ngayon naman ang head ng Mathematics department ang nag salita.
"Dapat sa Inventions Contest siya sumali." Napatingin lahat sa head ng Science Department. "Well, we all know na Invention contest is the most competitive event among other events. In fact, natalo tayo last year. So, this is our chance to win. I'm sure na marami pang students na pwedeng mag compete sa other events. I've heard na there are ten students under SCP this year, that would be enough to participate in every event."
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...