Febbie's POV
Mabilis lang na lumipas ang weekend. Lunes na, ngayon na ang simula ng Inter-school Academic and Sports festival. Lahat ng studyante abala. Lalo na ang mga nasa mababang section dahil sa kanila pinagawa halos lahat. Banners, cheer, props at kung ano-ano pang palamuti't pang pa-ingay.
Nasa Field kaming lahat ngayon kasama ang ibang mga schools na kalaban namin sa inter-school para sa opening ceremony. Halatang mga handa ang mga kalahok. Nakaka-intimidate ang pinapakita nilang aura. Kahit na hindi ko 'to nakikita tulad ni Jane ay mahahalata mo naman talaga.
This year si Jomer lang ang representative namin. Pati na rin ako dahil mag ka-partner kami sa ballroom. Pero sa iba ay siya lang talaga mag-isa. Bukod kasi sa ballroom wala nang ibang maramihan na event. Hindi ko nga rin alam kung bakit walang basketball at volleyball samantalang hindi 'yun nawawala sa mga pinoy?
Kung sabagay, kakaiba ang school namin. Flammarion din ang nag host ng event na 'to ngayon kaya malamang ang principal ang nag-isip ng mga events.
"We're now formally starting the Inter-school Academic and Sports Festival 2019!" pag katapos mag bigay ng speech ng principal ay sinundan ito ng masigabong hiyawan at palakpakan. Binigay na ang hudyat ng simula ng Inter-school. Unang gaganapin ang academic events. Sa hapon pa ang mga sports events.
"Participants for Violin contest, please proceed to the music room."
Mag sisimula ang ang unang event. Alam kong mananalo dito si Jomer dahil magaling talaga siya sa violin noon pa man. Kahit hindi na niya ito gamitan pa ng gift.
Isa-isa nang nag punta sa music room ang mga participants. Kaming mga hindi kasali ay pwedeng manood pero, pwede rin namang hindi. Mas ok mag libot ngayon sa buong campus dahil bukod sa mga events ay may iba't ibang booths din na naka set-up.
Kaniya kaniyang pakulo ang mga clubs para maka likom ng funds. Merong photo booth ang photography club. Si Diane ang kumukuha ng pictures. Mukhang masaya si Diane sa ginagawa niya. Bakit kaya siya laging na-absent sa SCP?
Kasalukuyan siyang may customer ngayon na dalawang lalake. Parang mga tangang nag papapicture. Teka. . Si Uno at si Nathan 'yun, ah!
Agad akong lumapit sa kanila at nakisingit sa picture. "Andaya niyo!"
"'Wag ka malikot Febbie!" sigaw ni Uno.
"Ayan na!" sabi naman ni Nathan nang makita na nag simula na ang countdown sa camera.
Kaniya kaniya kaming ngiti sa picture. Apat na shots ang kinuha. Itong dalawa puro wacky ang hitsura sa picture samantalang ako halos mahiya na si Maria sa pag kakapabebe ng ngiti ko.
"Alright!" Sigaw nilang dalawa.
"Hoy penge akong copy!"
"Ayaw nga namin!" mag kasabay na sigaw nanaman nila. Hay, mga baliw talaga 'to.
Akma ko sanang aagawin ang isang picture sa kamay ni Uno nang tumunog ang speaker na naka kabit sa paligid ng school.
"The winner for Violin Contest is Jomer of Flammarion High."
Nag palakpakan ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga studyante ng Flammarion.
"Ayos!" Biglang sigaw ni Uno. "Ang galing talaga ni Jomer!"
Teka naalala ko pala si Diane. Gusto ko lang siya tanungin kung bakit minsan lang siya um-attend sa SCP. Pero pag harap ko sa pwesto niya kanina ay kausap na niya si Jane. Medyo malayo na ang pwesto namin sa photo booth kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pero kung ano man 'yun mukhang nag-aaway sila.
BINABASA MO ANG
Imperium
Science FictionSino nga ba naman ang hindi nagha-hangad na mapa bilang sa mga natatanging studyanteng nabiyayaan ng pambihirang talino, mabigyan ng mas maayos na privilege sa mga schools facilities at higit sa lahat, ensured future. Pambihirang talino nga lang ba...