Ikasiyam na Kabanata

50 7 0
                                    

(A/N: Sorry ngayon lang naka pag-update. Busy-busyhan lang nitong mga past few days. Anw, Thank you sa mga nag babasa. #31 na tayo sa Sci-fi akalain mo 'yun hahaha. Enjoy this update.)

Jane's POV

". . Ang gift na 'yun ay kaya kong i-imitate ang mga nakikita ko napapanood ko. Hindi lang basta imitate. Eksakto talaga, naging mabilis ang pag function ng utak ko to the point na sobrang bilis kaya nagagaya ko ang mga nakikita right after seeing it."

Literal na na-shock kaming lahat dahil sa gift ni Jomer. Sino ba namang hindi? Parang siya na yata ang pinaka gifted sa lahat ng gifted, eh. Grabe, sa madaling salita wala siyang hindi kayang gawin. Like for real!

"Could you please show us a short demonstration of your gift, Jomer?"

Syempre, gaya namin ipapakita rin niya kung pa'no ba nagana 'yung gift niya. Kaya pag katapos niyang tumango kay Sir as a sign na um-oo siya, eh nag ready na nga siya for a demonstration.

Kinuha niya 'yung phone niya sa bulsa niya. "Carl, p'wede mo bang i-project ang video na 'to sa white screen para makita ng lahat?" Tumango lang si Carl sa kaniya. After nun ay lumapit na si Jomer at pinahawakan ang phone niya ka Carl. Agad naman nag project ang video galing sa phone ni Jomer. Ibang klase rin talaga 'tong si Carl, parang wireless antena.

"Ngayon ko lang mapapanood 'tong video na 'to. Never pa rin ako naka gawa ng ganiyang klaseng Origami." 

Isang video ng isang lalaki na gumagawa ng kakaibang origami ang nasa screen. Grabe! Never pa akong nakakita ng ganoong klaseng origami. Para siyang histurang dragon na ewan, eh. Parang ang imposible ngang magawa 'yun, eh. Take note, hah. Literal na video lang, hindi siya tutorial or something. Tuloy lang ng tuloy 'yung lalaki sa pag tutupi ng papel. Si Jomer naman ay seryosong pinapanood lang 'to.

Anim na minuto lang ang lumipas at natapos na ang video. 

Umupo si Jomer sa may lamesa sa harap, may hawak na siyang papel. "Ngayon naman, gagayahin ko kung paano niya ginawa 'yung origami." 

Sinimulan na nga niyang tupuin 'yung papel. Parang ang dali dali lang para sa kaniya, sigurado ba siyang ngayon niya lang 'yun napanood? Parang mas magaling pa kasi siya dun sa gumawa ng video, eh.

Halos tatlong minuto lang ang lumipas nang natapos siya. Pinakita niya sa'min ang ginawa niya. Gayang gaya nga niya! Wala talagang pinag-kaiba. Promise!

"Wow!" 

talagang napa wow kaming lahat na akala mo nanonood kami ng isang magic show.

"Good job, Jomer. Make sure na i-dedevelop mo ng husto ang gift mo na 'yan."

"Yes, sir." 

Bumalik na sa niya si Jomer. Tapos na mag pakilala 'yung mga nag taas ng kamay kanina, ano naman kaya ang gagawin ngayon? 'Yung iba kasi hindi pa nila na-didiscover ang gifts nila, eh.

"Ok, class. Good job sa inyo, let's just wait for the others to discover their gifts but, for the mean time I have an announcement."

Ano naman kayang announcement ni sir. hindi naman siguro niya sasabihing mag sa-start na ang training namin namin dahil sasabak kami sa laban. X-men lang? Too much ficton.

"So, next week mag o-open na ang mga clubs natin. I just want you to know na pwede kayong sumali sa mga clubs na gusto niyo, ok?"

Club! May club daw!

Napatingin naman ako kay Tyra na nakatingin din pala sa'kin. Malamang pareho kami ng ini-isip. 

Nag taas kaagad ng kamay si Tyra. "Ahm, Sir! May drama club po ba?"

ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon