Chapter 4

54 22 5
                                    

Collin's point of view

Nakita ko ulit siya, at tang*na dinedma ako? Hindi man lang umubra yung charm ko. Bakit?

Andito kami ngayon sa school KO. Bakit? Wala lang, gusto ko lang gumala at dito kami dumiretsyo kasi enrollment baka may mga babae namang magandang nag enroll

Pero yung babae talagang yun, tinignan lang ako nung paalis na, nginitian ko pa tapos wala lang? Nasa kaniya pa naman yung tingin ko pagka pasok ko palang ng gate, siya na agad napansin ko tapos de-dedmahin lang ako.

"Pre! Parang nakita ko si Jade kanina, may mga kasamang babae" sabi ni Terrence kay Kairon

"Yaan mo siya, baka dito niya naisipang mag transfer" sagot ni Kairon

Mag tra-transfer pala kapatid niya hindi niya pa alam, kapatid niya pa yun ah. Walang kwentang kapatid

"Dude, mukhang problemado ka ata. Bakit?" Tanong ni Jake

"Wala" sagot ko saka pinag laruan yung rubiks na hawak ko

"Babae ba yan?" Si Terrence naman na yung nag tanong. Tinignan ko sila ng masama

"Babae? Seriously?? Andami ko niyan" walang ganang sabi ko saka ngumisi, tinawanan naman ako ni Kenjie

'Baliw'

"Anong madami? Ilang araw na ba yung last na nakita kitang may kasamang babae? Kami pa niloko mo ugok ka!" Sabi niya saka binato sakin yung rubiks niya, buti nasalo ko kung hindi natamaan yung gwapo kong mukha

"Langya ka Kenjie! Tatamaan mo pa mukha ko! Hindi nga sabi ako namromroblema sa babae!" Sabi ko saka binato ko ulit sakaniya, sapol sa tiyan

"Eh anong problema mo? Bat hindi ka na nambababae? Humihina na ang charm na tinatawag mo ganon? Kawawa si master" Sabi ni Kenjie sabay tawa, nakitawa naman yung tatlong ugok. Ang mga gago pinagtulungan nanaman ako

"Lul, hindi mawawala charm ko, wag nga kayong mangialam. Mind your own b*tch" sabi ko saka tumayo

"Oh oh oh! Asar talo ka nanaman hahaha, san punta mo? Sama mo naman kami kung mag hahanap ka ng babae" Sabi ni Kenjie, lakas talaga mang asar. Susuntukin ko na 'to

"Hindi babae hahanapin ko" Sabi ko

"Eh ano?" Tanong naman ni Kairon, himala nagsalita, akala ko na pipi na.

"Lalaki" simpleng sabi ko ng lumabas na ako ng tambayan namin dito sa loob ng campus

Narinig ko pa ang tawa nila bago ko isara yung pinto. Kapag kasi isasama ko sila hindi ako makaka diskarte, hahanapin ko din yung babaeng yun

Sh-t! baka maniwala talagang lalaki ang hahanapin ko, bahala sila

San ko naman kaya hahanapin yung babaeng yun? Tsk, tinignan ko yung cellphone ko. 12:30 na at hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Maka punta nalang muna sa mall para mag pa-lamig

Mall

Lizzie's point of view

"Kain na tayo!!!! Nagugutom na ako, kanina pa tayo nag lilibot dito ihhh ang dami dami na nating bit bit" sabi ni Jade.

Tiniganan namannamin siya. Siya lang naman kasi ang maraming bitbit dinamay pa kami

"Tara kain na tayo" sabi ni Keisha, sumunod naman sila sa kaniya. Hindi ako sumunod at nag iba ng daan

Hindi pa naman ako gutom kaya pupunta nalang muna ako sa book store, mag hahanap ng bagong libro

National book store

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now