Chapter 24

37 17 31
                                    

Lizzie's point of view

"Zie!!!!"

"LIZZIE!!!"

"You lazy brat! Wake up!!"

"Wala na tayong madadatnan sa simbahan!!!!!"

Napabalikwas ako ng higa ng may marinig akong ingay sa loob ng kuwarto ko, ang aga aga naman ng ingay na to

Tumagilid lang ako ng higa at nag talukbong ng kumot. Bakit nandito yung mga kaibigan ko?

"Lizzie!!!!!" Sigaw nanaman ni Jade, halata naman sa tinis ng boses

Naramdaman kong hinila nila yung kumot ko kaya binitawan ko. Kanya kanya naman silang da-ing dahil sa pagkakatumba

"Ang aga" bored na sabi ko at saka nag mulat ng mata. Masamang tingin naman ni Jade ang bumungad sakin

"Anong ang aga? Tanghali na! Wala na nga ata tayong madadatnan sa 2nd mass!" Sigaw niya at pinalo ako ng unan kaya napa bangon ako

"Edi third mass" sabi ko at bumangon na para maligo

"Bilisan mong gumalaw! Nasa banyo na yung susuotin mo!" Sigaw niya ng pupunta sana ako sa damitan ko

Para akong zombie na naglakad papunta sa banyo. Dinaig pa niya si mommy sa pag prepare ng gamit ko.

Pag pasok ko, white dress na naka-hanger ang nakita ko. Napa ismid nalang ako dahil kagabi black ang suot ko ngayon naman white, sana lang hindi heels ang ipares dito pero naisip ko. Si Jade pa? Baka 6 inches ang ibigay sakin non

"Bilis Lizzie!" Sigaw ni Jade saka ako kinatok

Huminga muna ako ng malalim bago maligo. Wala naman akong naaalala na sasama ko sa kanila ngayon, nambubulabog sila ng tulog

-----

"Let's go!!!" Sigaw ni Jade ng matapos akong mag sapatos

Ang hirap naman kasing isuot nung binigay niyang partner daw ng damit ko, ang daming tali tali. Buti nalang 1 inch lang yung taas at hindi masakit sa paa, madami lang sagabal

Nakasalubong namin si Kuya Hunter na kakalabas lang ng kuwarto niya, tinignan niya kami isa isa saka bumaling sakin

"Twinnie? Saan kayo pupunta?" Tanong niya

"Mag sisimba" sagot ko. Nagulat ako ng tumakbo papunta sa kaniya si Jade at yumakap

"Hunter I miss you!!! Sinabi ba ni Lizzie sayo?" Maarteng tanong niya habang nakayakap padin sa kakambal ko

"Hindi" tipid na sagot sa kaniya ni Kuya at nilayo si Jade sa katawan niya

Kung maka yakap kasi akala mo siya yung kapatid. Napa ismid ako ng tinignan ako ng masama ni Jade

"Sabi ko sabihin mo eh!" Sigaw niya at ngumuso

Tinignan ko lang siya. Sinabi ko naman din na hindi ko sasabihin

"Tara na nga anong oras na!" Sabi ni Yana at nauna na saming lumabas

Susunod na sana ako ng hilain ako ni Kuya Hunter. Tinignan ko naman siya

"Hintayin mo ako, mag papalit lang ako. Sama ako" sabi niya at tumakbo pabalik sa kwarto niya

Hinarap ko naman si Jade na ang sama ng tingin sakin. Tinitigan ko lang siya at bigla nalang siyang umirap at ngumuso sakin

"Ang creepy mong tumingin!" Sabi niya at nilagpasan na ako

Napa iling nalang ako at pag harap ko sa hagdan nandon na si Kuya Hunter na naka white polo at maong pants then rubber shoes

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now