Chapter 25

26 16 0
                                    

Lizzie's point of view

Nakatingin lang ako kay Cassandra na nakapikit. Naka white dress din siya pero hindi parehas ang design ng suot ko sa suot niya, napatitig ako asa kaniya dahil ang dami ng pinagbago ng itchura niya

May kulay na ang buhok niya although nung sila pa ni Kuya Hunter ay brown na ang buhok niya pero ngayon red, mas lalo din siyang pumuti, pumayat din siya lalo.

Hindi lang ata pag-papagamot ang ginawa niya sa America. Napansin ko namang nakatingin sakin si Collin, isa pa 'to. Bakit sila magkasama? Magkasama ba o nagkatabi lang? Ano nga bang last name ni Cass?

"Twinnie?" Napalingon ako kay kuya Hunter ng tawagin niya ako. Nagulat pa ako dahil bahagya sana siyang lilingon sa kung saan ako nakatingin, agad naman akong tumapat sa titignan niya buti at matangkad ako pero hindi parin kasing tangkad niya atleast naharangan ko yung dapat hindi makita

"Okey ka lang?" Tanong niya, tinanguan ko siya

"Makinig ka kay Father" bulong ko kaya humarap na siya ng tingin, pasimple ko namang sinisilip sa gilid ng mata ko ang pwesto nila Collin at Cassandra

"Anong tinitignan mo don?" Tanong ulit niya at sinubukang tignan ang nasa side ko pero pinalo ko siya. Sumimangit siya dahil don

"Wala nga" sagot ko, nagkunwari pa akong naiirita dahil sa kakulitan niya but infact? Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pagkatapos ng misa

Hindi na ako muling lumingon sa kaliwang bahagi ko, kay kuya na ako tumitingin dahil baka lumingon siya bigla don at mag kita sila.

Inisip ko pa kung lilipat kami ng upuan pero baka magtaka siya lalo kaya hindi nalang saka malapit ng matapos ang misa. Pagbibigay na ng ostya at yun ang iniisip ko, paano kung sa hindi inaasahan ay magkasunod sila o magkapantay ng pila? Anong gagawin ko oh god please help me what to do

"Hey twinnie, your hands put it down" mahinang sabi ni kuya

Hindi ko na napansin na tapos na ang ama namin, hindi ko pa pala nabababa ang kamay ko. Dinig ko ang bulungan at mahinang tawanan ng mga kaibigan ko na katabi ni kuya. Pinagtawanan pa ako

Pagkatapos agad ng misa ay hinila ko na palabas si Kuya Hunter, ang dating nakagawian na magmano kay Father ay hindi na namin nagawa

"U-uwi na tayo agad?" Tanong ni Kuya Hunter paglabas namin

Tumango lang ako at agad siyang pinapasok sa kotse niya at sinarado yung pinto. Binaba naman niya yung salamin at tumingin sakin ng naka kunot ang noo

"Bakit hindi ka pa pumasok, akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong niya ng hindi pa ako pumapasok sa kotse

"Sasabihan ko lang sila Jade na uuwi na tayo" sagot ko at tinuro yung gawi nila Lorraine sa may hagdanan at naka tingin sa amin

Tumango lang siya at tinaas ulit yung salamin kaya agad na akong tumakbo papunta kila Lorraine at luminga linga muna. Baka magkabanggaan kami ni Cass at baka makita niya din ako

"Aalis na kayo?" Tanong ni Lorraine ng makalapit ako sa kanila. Tumango muna ako at nilagay sa bulsa yung kamay ko

"Ang kj mo talaga? Ayaw mong mag mall muna? Ngayon na nga lang kaming magkasama ni Hunter ganyan ka pa-" pinutol ko na agad ang pagsasalita ni Jade

"Kung hindi lang kinakailangang ma-uwi ni Kuya ay sasama kami" sabi ko na nagpatagilid ng mga ulo at nagpakunot ng noo nila

"I saw Cassandra with Collin Dawson a while ago" sabi ko na nagpagulat sa kanila

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now