Chapter 8

69 22 22
                                    

Lizzie's point of view

Wala kaming ibang ginawa sa buong week kundi mag project. Wala din namang nag bago, may nadagdag pa nga actually.

Yung lalaking presko na may ari ng school na pinapasukan namin, kinukulit ako. Saktong sa likod pa pala ng upuan ko naka upo tapos katabi ko pa sa math subject.

Hinayaan ko at hindi pinapansin nung una kasi baka nakikipag kaibigan lang pero nung mga sumunod na araw na, nag uumpisa na akong mairita sa presensya niya. Sunod din ng sunod sa akin kahit san ako pumunta, hindi ko lang masyadong binibigyan ng pansin

Pero nakakaasar yung way niya para mag papansin eh. Tulad ng

*flashback*

"Hey Lizzie baby! Wanna join us?" Tanong niya ng pumasok kami sa canteen, kasama nanaman niya yung mga kaibigan niya. Hindi ko nalang pinansin pero may biglang pumatid sakin kaya muntik akong mapa subsob pero nasalo niya ako

Ang lapit ng mukha niya sakin, naka ngisi siya habang ako wala lang. Papalapit ng papalapit yung mukha niya kaya naisipan kong tapakan yung kaliwag paa niya kaya nabitawan niya ako

"Aw! Sh-t" sabi niya saka hinawakan yung paa niya.

Tumayo ako agad saka nag lakad ulit papunta kila Jade na naka tunganga kay Dawson.

*end of flashback*

Diba? Kainis? Meron pa...

*Flashback*

Naglalakad kami dito sa hallway papuntang room namin ng A.P ng biglang may sumigaw mula sa kabilang dulo ng hallway kung saan kami papunta

"Lizzie baby!! Bakit mo ako iniwan ka gabi? Ang sama mo!! Pagkatapos ng ginawa natin iiwananan mo lang ako?!! Ang sama mo Lizzie Kizara!" Sigaw niya, napa tingin naman sakin yung mga kaibigan ko ng masama

Tinignan ko din sila, sa tingin nila papatol ako diyan? One night stand isn't my thing. Nag kibit balikat lang ako sa kanila saka pinag patuloy yung pag lalakad ko. Bahala sila kung maniwala sila

*end of flashback*

Ito pa

*flashback*

Nandito ako sa may open field ng school, nagpapahangin tutal lunch time naman ng may biglang mang gulat sakin, buti hindi ako magugulatin

"Ano bayan, wala paring epekto. May pakiramdam ka pa ba?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko, asar naman akong tumingin sa kaniya

Andito nanaman siya para mangulit. Kelan ba ako tatantanan nito?

Walang iba kundi si Dawson

"Hoy! Mag salita ka naman! Pipi ka ba?" Sabi niya saka nilapit yung mukha niya

*boogsh*

"F-ck" edi nasuntok ko siya. Umiling nalang ako saka tumayo, kainis

*end of flashback*

Ilan lang yun sa maraming katarantaduhan niya. Pero hindi ko lang pinapansin but deep inside I'm pissed

Sabado ngayon, buti nalang walang pasok. Wala ding mangungulit

Andito ako sa bahay with my family, hindi muna ako sumama sa gala ng mga kaibigan ko kasi I want to spend my weekend with my fam

Two weeks lang sila dito then babalik ulit sila sa ibang bansa. Si kuya Lander at kuya Terson sa Paris habang si dad at kuya Hunter sa Canada

I will miss them so much kaya dito muna ako sa bahay, nakaka sawa na rin kasing kasama yung mga kaibigan ko. Ang iingay na, ang gugulo pa, but I love them kahit ganun sila

"Baby, where do you want to go? Labas tayo ngayon" tanong ni daddy sakin. Andito kami sa sala nanunuod ng movie, naisip ng mga kuya ko na mag movie marathon

"Kahit saan" sabi ko sabay kain ng pop corn na niluto ni mommy

Napag desisyonan nila na mag Ilocos kaya agad nag pa book si mommy ng ticket namin-plane sasakyan namin para daw mabilis- saka sa hotel, sa Pannzian daw kami, beach and mountain resort na 'yon

Ngayon din lang ang alis namin, 12 ang flight then babalik kami ng monday ng gabi kaya hindi ako papasok. Ok lang yun, madali naman akong makahabol sa klase saka ngayon lang naman

"Baby! Let's go! Baka maiwan tayo ng plane!" Sigaw ni mommy, tinignan ko kung anong oras na- 10:01- kaya inayos ko na yung maleta ko saka lumabas. Naka denim short at white t-shirt saka white shoes lang ako, beach resort naman kami pupunta eh. Para pag dating dun wala ng palit palit

Pag dating sa baba, agad akong tinignan ng mga kuya ko pati si mommy mula ulo hanggang paa. Bumalik yung tingin nila sa mukha ko tapos sinamaan ako ng tingin nung tatlong kuya ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay, problema ng mga to?

"Bat ganyan ang suot mo?" Sabi ni kuya Lander saka pinanliitan ako ng mata

"Hindi mo ba alam na maraming lalaki don?" Tanong naman ni kuya Terson ng seryoso ang mukha. Inismiran ko nalang sila saka inirapan, ngayon na nga lang mag sho short eh.

"Twin! Ang daming titingin sayo don dahil sa suot mo!" Sigaw ng kakambal ko, inirapan ko din siya at hindi oinansin ang sinabi niya. Maka react ang oa lang, makikita lang naman nila legs ko pero hindi nila mahahawakan at makukuha

"Ang o-oa niyong tatlo, ang sexy nga ng baby girl ko eh!" Tanggol ni mommy saka nag wink sakin

Hindi ko sila pinansin at nanuna na akong maglakad palabas, sumunod naman sila. Nag mamadali kami para sa flight pero sinesermonan naman ako ng mga kuya ko. Pag sumagot pa ako, lalong tatagal edi hindi kami naka alis

"Oh, bat ganyan ang suot mo baby? Hindi ka ba lalamigin sa eroplano niyan?" Sabi ni daddy at kinuha yung bag at maleta ko. Umiling naman ako sa kaniya, nag buntong hininga nalang siya

Pumasok na ako sa van, sumunod naman sakin yung tatlong kuya ko. Si mommy sa harap umupo kasama si daddy

"Haist, wag kang lalayo samin ah!" Sabi ni kuya Lander

"Oo nga! Baka may kumuha sayo don tapos itago ka!" Sabi ni kuya Terson, oa

"Ang o-oa niyo!" Sabi ni kuya Hunter saka tinapik ako

"Basta kapit ka lang sa kamay ko Twin ah. Wag kang basta bastang aalis, mag paalam ka sakin para masamahan kita. Tapos mag palit ka ng pajama mamaya pag dating natin sa hotel, tapos- aray!" sunod sunod na sabi ni kuya, nabatukan tuloy nung dalawa

"Ang oa pala ah! Kung maka bilin ka din naman! Si daddy ka? Si daddy ka?" Sabi ni kuya Terson sa kaniya, tumawa naman si kuya Lander habang napa simangot si kuya Hunter. Si mommy din tumatawa na sa harap, wag nalang kaya akong sumama? Ang kukulit nila eh

"Boys, tama na yan. Naiirita na si Lizzie sa inyo hahaha" suway ni mommy kila kuya sabay tawa din. Sinamaan naman ni kuya Hunter yung dalawa saka lumipat sa tabi ko-nasa likod kasi sila ng upuan ko

"Twin ah! Yung sinabi ko" sabi niya pag kaupo, tumango nalang ako. Ang oa nilang tatlo, ano ako bata?

Kahit magka age lang kami ni kuya Hunter, tinatawag ko parin siyang kuya kasi mas nauna siya saking lumabas. Saka may malaking utang ako sa kaniya~ napakalaki at ayoko ng pag usapan yon

"Okey! Ilocos! Here we come~" sigaw ni kuya Terson pag kaandar ni daddy sa van

Sana maging masaya tong outing na 'to

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now