Chapter 5

56 23 2
                                    

Lizzie's point of view

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko saka humarap sa kaniya, napalunok naman siya dahil don saka napa atras, pamilyar siya

"H-hindi ikaw yung sinusundan k-ko" pag tanggi niya habang pilit na pinapakalma yung sarili niya

"K" sabi ko saka pumasok nalang sa cr, kahit alam kong hindi totoo yung sinabi niya. Hayaan nalang, hindi daw eh kahit halata na nga

Collin's point of view

'Hoo! Muntik! Muntik! Muntik!'

Muntikan akong mahuli, buti nakalusot- nga ba?

Naglakad na ako at umalis nalang don, tigil tigilan ko na nga yun. Ayaw sakin eh, di wag. Maghahanap nalang ako ng mas maganda dun, ang daming babae diyan at patay na patay pa sakin

"Dude!!" May sumigaw mula sa likod ko kaya na patingin ako, si Kenjie kasama yung tatlo huta. Hindi ko naman sinabi kung saang mall ako eh, pano niya ako nahanap?

Dinamba niya ako ng sapuk pagkalapit niya, sinamaan ko naman siya ng tingin. Kagaguhan, ansakit nun

"Problema mo! Saka bat mo alam na nanditong mall ako?" Sigaw ko saka sinamaan siya ng tingin, bat sila andito

"Bro instinct saka sabi mo kasi maghahanap ka ng lalaki! Hindi mo naman sinabing nababakla ka na pala Collin, iiwas ka pa samin. Tangga- huta naman!" Hindi ko na siya pinatapos dahil sinuntok ko na siya. Naniwala naman siya sa sinabi ko kanina, tskk. Ako? Mamamakla? Huh! Never!

"Tigil tigilan mo ako Kenjie! Hindi ako bakla. Ba malay ko bang naniwala ka, masamang mag biro? Masama? Ha?" Sabi ko saka sinamaan siya ng tingin, ganun din siya sakin

"Malay ko ba kasi kung totoo o hindi! Ilang araw ka ng hindi nambababae, malay mo nag iba na gusto mo. Lalaki na pala" sabi niya saka ngumisi habang hawak hawak yung panga niya

"Gusto mo ulit ma-suntok?" Sabi ko at aambang susuntukin ko ulit siya ng magtago siya sa likod ni Kairon. Siya ata bakla eh, bugbugin ko to eh. Napaka slow

"Tama na nga yan, nasa mall tayo para kayong mga bata" naiiritang sabi ni Kairon

"Tara nalang mag bar, babae lang katapat niyan" sabi ni Terrence saka tinapik yung balikat ko

Bar

"Laro tayo dito, may napanuod ako sa youtube eh. Masaya yun!" Sabi ni Kenjie. Paniguradong kalokohan nanaman yan

"Anong laro?" Tanong ni Terrence

"Truth or dare" sagot ni Kenjie

"Kabaklaan" sabi ko saka uminom ng alak

"Masaya to ugok!" Sigaw ni Kenjie saka binatukan ako, tinignan ko siya ng masama. Sinigawan na nga ako babatukan pa, sira ulo ata to

"Game" sabi ko, tumango naman yung tatlo. Ansaya tuloy nung abnormal- Kenjie

"Sige, yang bote na lang ng beer ang ipapa ikot" sabi niya saka kinuha yung bote

"Akala ko ba truth or dare? Bat may bote?" Tanong ulit ni Terrence

"Syempre para malaman kung sino ang mauuna at susunod" ngising sabi ni Kenjie

"Ge! Ge" sabi ni Kairon

Pinaikot na ni Kenjie yung bote, sa kamalasan ako ang nauna at siya ang mag uutos. Kabalastugan to panigurado

"Wahahahaha, truth or dare dre" tanong ni Kenjie

"Dare" bored na sagot ko

"Wahahaha, atapang a tao ka bro" sabi niya saka tumawa

"Sabihin mo nalang kung anong gagawin ko" inis na sabi ko, may kutob akong kalokohan lang ang nasa isip nito

"Chill lang! Sige, kung sino yung huling papasok diyan sa pintong yan. Ligawan mo, tapos pag nahulog iwanan mo na" ngising sabi niya. Sus ang dali naman, ngumisi din ako

"Hahahahaha, ang dali nun pre" sabi ko

"Teka, may oras ka. Kailangan matapos mo yan in 2 months" sabi niya

Ang dali, baka nga 1 minute palang eh fall na agad

"Dali naman pala, wala pang isang oras hulog na yun" sabi ko

"Dapat yung tipong mababaliw sayo! Kaya nga 2 months binigay ko eh! Pero pag di mo nagawa, mag pa picture ka sa harap ng school mo ng breep lang ang suot! hahahaha" Sigaw niya saka batok, tsk. Hutang ina, gagawin ko yun! Ayokong mag hubad. Buti sana kung babae lang makaka kita, pero pati bakla! Kagaguhan talaga nito

"Oo na!" Sabi ko saka pinagpatuloy yung laro namin habang hinihintay kung sino yung last na papasok, sana wag bakla o pangit

Kung ano anong kabalastugan ang tinatanong at inuutos namin, wala eh. Gago kami, si Kenjie lang pala

Nung narinig naming sinara ng malakas yung pintuan napa tingin ako sa huling pumasok sa bar. Puno na kaya wala ng papasok, ganun kasi dito sa THE BAR sinasara kung wala ng space

Tinignan ko kung sino yung liligawan ko, naka yuko siya habang naka tingin sa cellphone kaya hindi ko makita yung mukha. Nung nag angat siya ng tingin, nakita kong bored nanaman siya. Sheet!! Bat siya pa?

"Wahahahaha, ayun pre oh! Dali lapitan mo na! Swerte mo ang ganda!" Sabi ni Kenjie habang tumatawa.

'Gago, pag nilapitan ko yan baka masuntok ako'

"Iba nalang dre!" Sabi ko sabay inom ng alak

"Gago! Nag oo ka na kanina, gawin mo yan! O baka gusto mo mag pa-picture ng naka breep lang?" sabi niya saka tumingin sakin ng nakaka loko. Sarap sapakin

"Tsk saka na pag pasukan!" Sabi ko saka uminom

"Bakit? Sa school mo ba yan mag aaral?" Biglang tanong ni Terrence, tumango naman ako

"Huta! Kilala mo?" Sabi ni Kenjie

"Hindi, nakita ko lang nung enrollment" sabi ko saka nilabas yung cellphone, search ko sa facebook yung pangalan niya

Lizzie

Huta andaming lumabas, bakla, babaeng pangit, may profile pa na babaeng naka hubad. Tsk, wala manlang yung mukha niya. Tinago ko nalang yung cellphone ko saka uminom ng alak

"Iba ka pre! Sexy at maganda yan. Hahaha pero papaasahin mo lang" sabi ni Kenjie saka tumawa, gago 'to. Wala ngang talab diyan yung karisma ko eh. Pano ko papahulugin yan sakin, wala ngang paki sa mundo

-fastforward-

"Dre! Pasukan na bukas, yung dare ko!" Sabi ni Kenjie habang kumakain, dito kami sa bahay. Dito naman sila tumambay

"Oo ako na bahala" sabi ko saka kumain na din

Hindi ko alam kung kaya ko yun, tsk. Pero nakaka excite lang, mag pahulog ng babaeng hindi interisado sakin huh? Sounds fun

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now