Chapter 17

30 16 0
                                    

Nicole's point of view

"Uy!" Napalingon naman ako kay Lorraine dahil sa sigaw niya

Napangisi ako dahil sa kakulitan niya ngayon. Nag iingay na din dahil walang pasok at hindi niya siguro nakikita si Kairon *evil laugh*

*poke*

"Aray naman!" Sigaw ko kay Jade dahil binatukan niya ako. Sadista talaga! Ang sakit! Ang bigat pa naman ng kamay niya

"Pangiti ngiti ka diyan! Iniisip mo yung Kenjie no!" Naka ngiwing sabi niya at pakunwaring tinulak ako sa balikat

Kahit hindi yon ang dahilan kung bakit ako ngumingiti ay napa yuko pa din ako. Feeling ko namula ako, what's happening? Why my cheeks are burning yucks!

"Oh tignan mo! Tama ako hahaha" sigaw niya saka ako pinalo ulit pero ng mas malakas na

Napahiyaw ako dahil don "Ang sakit Jade!!!! Ang bigat ng kamay mo ih! Saka for your information, you're wrong! Funny videos just flashback at my memory kaya ako napangiti!"  Sigaw ko sa kaniya at saka naka ngusong hinilot yung likod ko. Nahulog na ata yung baga ko dahil sa lakas, dinig na dinig eh

"Sus! Palusot ka pa kala mo maniniwala ako!" irap na sabi niya saka umalis sa tabi ko

Napanguso nalang ako dahil don. She know nothing!! Ipipilit pa kasi mali naman! Arrgg sakit ng back ko o my! Ouch!!

"San na pala tayo pupunta pagkatapos dito?" Tanong ni Keisha

Nandito kasi kami sa quantum, napag isipan naming gumala pero hindi muna sa bar. Lagi nalang kami dun eh kaya mag m-mall muna. Hindi namin kasama si Lizzie kasi nga sabi niya may nangyari sa bahay nila kaya hindi muna namin siya niyaya kaya 9 lang kami. How sad

"Nuod tayo ng sine sa sinehan please!" Sigaw ni Gwen at lumapit samin. Iniwan na niya si Yana at Sandra na kalaro niya ng basketball kanina

"Saan naman tayo makakanuod bukod sa sinehan? Common sense please dalawin si Gwen" mataray na sabi ni Jade

'Eto nanaman, mag uumpisa nanaman sila'

"Edi dun sa mga tinitinda nilang tv na nadaanan natin kanina! May nakita akong kdrama eh" sigaw naman ni Gwen

Sigaw nanaman... akala mo kami lang magkakasama eh nasa public kami. God!! I hate drugs! Laging ganitong scenario nalang ba kapag nag usap silang dalawa!!

"Common sense naman kasi" sabi ni Yana saka pumagitna sa kanila. Lumapit na pala sila ni Sandra, hindi ko man lang napansin.

"Nagsalita yung laging nonsense yung sinasabi"

"Nagsalita yung laging nonsense yung sinasabi"

Nagkatinginan naman si Jade at Gwen dahil sa parehas nilang sinabi saka tumawa ng malakas. Napa iling naman si Yana

"Minsan naman meron, hindi naman palagi" tanggol naman ni Yana sa sarili niya

"Ay aware ka pala na minsan nonsense ka kausap?" Natatawa pa ding tanong ni Jade

Tumango lang si Yana at pinuntahan sila Keisha, Troy at Treasure na nag lalaro pala dun sa hinuhulugan ng piso piso na machine tapos may makukuha kang ticket o kaya stuff toy, dipende kung ano yung nakasulat sa box na mahuhulog mo.

Napatingin ako kay Keisha ng sumigaw siya, nandon na pala yon hindi lang namin namamalayan

"Ano? San na tayo pupunta?" Tanong ko at dahan dahang umikot sa inuupuan ko. Wala kaming nilalaro nila Lorraine, Gwen, Sandra at Jade.

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now