Chapter 22

39 16 1
                                    

Collin's point of view

"C-collin?" Nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko. Parehas lang kami ng reaksyon dahil pati ako ay hindi ko inaasahang siya ang makikita ko. Sa lahat ba naman ng babae, why her?

"Anong--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may dumaan sa gilid naming dalawa, ng pareho naming nilingon ay nakilala ko agad. Si Kairon. Shit!

Agad namang napayuko ang babaeng kaharap ko. Nahihiya o baka naiilang ata dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito. Si tita kasi, sa dinami dami ba naman ng babaeng pwedeng ipakilala sakin bat siya pa?

Iritado akong bumaling sa mga kaibigan kong kapwang nakanganga sa harap namin, sinenyasan ko silang sundan si Kairon sa labas. Agad naman silang tumayo

"Kairon!" Sigaw ni Kenjie

Tinapik niya muna ako at sumenyas kay Tita na susundan muna nila si Kairon. Nakasunod sa kaniya yung dalawa na ngayo'y seryosong nakatingin sa kaharap ko

Panong hindi magiging ganon yung reaksyon ni Kairon, eh yung kaharap ko ngayon ay yung ex niya? Damn it!

"Oh! By the way.. ijo, this is Lorraine Herminez and ijah, this is My son's bestfriend. Collin Dawson" naka ngiting sabi ni tita Kaira na parang walang nangyari. Hindi kami kumibo ni Lorraine dahil kapwa pa kaming naiilang sa presensya ng bawat isa at ng dahil siguro sa nangyari kani kanina lang.

"Tita?" Sabi ko sa kaniya pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. Hindi niya ata nahalata sa boses ko ang pagkairita, tss

"Mabait na maganda pa yan Collin, wag mo ng sayangin" naka ngiti pa niyang dagdag saka agad na lumapit sa dinning table at nakisalo sa mga bisita niya.

Naiwan kaming nakatayo ni Lorraine, hindi ko pa nasabi kay tita kaira na ex siya ng bestfriend namin. Ano nalang ding sasabihin ng mga magulang ni Lorraine? Sa pagkakaalam ko kasi ay legal sila nuon. Ang awkward naman nito.

"Sorry, hindi ko naman alam na ikaw yung sinasabi nila Tita at Daddy. Wala naman din sana akong balak pumunta dito eh, napilitan lang ako" nilingon ko si Lorraine na nakayuko pa din

"You don't need to explain. Wala ka namang kasalanan at yung tungkol sa pag alis ni Kairon, kami ng bahala don" sabi ko at lumapit sa pwesto nila Tita

Ngumiti ako sa mga kasamahan ni Lorraine saka bahagyang yumuko kay tita Kaira.

"I need to go now tita" bulong ko na agad namang ikinasimangot niya

"Emergency" pagdadahilan ko saka pinakita ang phone ko bago pa siya makapagsalita

Bumaling ako kay tito Kean saka tinuro ang labas, tumango lang siya saka muling nakipag usap sa mga bisita. Nag bow lang ako ng bahagya sa iba pa nilang kasamahan don saka muling lumaput kay Lorraine na ngayon ay naka tingi na sakin

Tinignan ko lang siya bago nilgpasan at agad na tumakbo papunta sa kotse ko.

Habang nag d-drive ay tinatawagan ko si Kenjie pero ilang beses na akong tumawag ay hindi pa din niya sinasagot. Ganon din ang dalawa pa niyang kasama pero pareho lang ang nadidinig kong boses.

Pumunta ako sa mga bar na lagi naming napupuntahan pero sa tatlong bar na napuntahan ko wala sila. Patuloy lang ako sa pagtawag hanggang sa masagot nila

Fuck! Wala naman akong ginawang masama bakit hindi nila sagutin ang tawag ko?

************
Lizzie's point of view

Pag pasok namin ng bahay ng sinasabi nilang mga kibigan ay agad na sumalubong sa amin ang dim lights at mahinang kanta, ang dami na ding tao. Akala ko ba dinner date lang? Bakit ang daming naka ball gowns at naka amerikana?

Nakakunot noo akong naka tingin sa mga tao dahil hinahanap ko sila mommy at daddy lalo na si kuya Terson at kuya Lander. Nahuli kasi akong bumaba kanina ng sasakyan dahil hinanap ko pa ang isang pares ng heels ko, tinanggal ko kasi ito pagpasok ng sasakyan kaya medyo natagalan ako sa pagbaba at pinauna na sila sa pag aakalang late na nga sa sinabing oras pero what the? Date? Dinner date?

Hindi man lang ako na inform na 'party' pala yung ibig sabihin ng dinner date sa pupuntahan namin. Buti nalang si mommy ang pumili ng susuotin ko dahil mag j-jeans sana ako at crop top. Out cast sana ako ngayon dahil sa bongga ng dinner date nila

Napa ngiwi ako ng makita sila mommy at daddy na may kausap na mukhang isang mayamang negosyante. Hindi ko sigurado pero kita sa aura niya ang authority

"Is this a dinner date?" Napa lingon ako kay kuya Hunter na nakasunod  na pala sakin, isa din tong nakatulog at hindi nila magising kanina sa sasakyan.

Irita siyang naka tingin sa right side niya kaya lumingon ako don. Nakatingin pala siya kila kuya Lander at kuya Terson na may ka akbay ng mga babae. Wow.. Date? Pshh

"Sana hindi nalang ako sumama" naka ngiwing sabi ni Kuya na ikinahalukipkip ko

"Me too" sabi ko. Wala naman din kaming gagawin dito

Napamgiwi ako ng madinig ang halakhak nila kuya Lander at kuya Terson pati na din ang mga akbay akbay nilang babae, what a flirt.

Pumunta nalang kami sa pwesto nila dahil nandito naman na kami. Baka magalit lang sila mommy at daddy pag bigla kaming nawala dahil gusto na naming mahiga sa malambot naming kama

"This is a party brother! Not a simple dinner date!" sigaw ni kuya  Hunter kay kuya Lander paglapit namin sa kanila

Ngumisi naman yung dalawa at iniwan yung mga akbay nilang babae na naka tingin na kay kuya Hunter

"Pag nalaman niyo kasing dalawa na party to hindi kayo sasama" sabi ni kuya Terson. Lumapit siya sakin at inakbayan ako

Napa irap naman ako at bored na umupo sa sofa na nasa likod ko. Mauupo lang ako hanggang sa matapos to, my feets are aching because of these damn heels. Pag nasa bahay ay flip flops lang ang sapin ko sa paa

"Hindi ako interesado sa mga ganito, and I need to rest!" iritang sabi ni kuya Hunter at tumabi sa akin. Tumawa lang sila Kuya Lander at Kuya Terson dahil sa ugaling ipinapakita namin.

Narinig ko namang nag hagikhikan at nag bulungan yung mga babaeng nasa gilid ko habang naka tingin kay Kuya Hunter na bored na bored at may pagkairita ang itchura

Maaga nalang sana akong natulog, hindi nalang sana ako bumaba para kumuha lang ng tubig. Edi sana nasa bahay pa din ako at mahimbing ng natutulog habang nakayakap sa mahabang unan ko.

Nilingon ko si Kuya Hunter para sana yayain ng umuwi pero naka pikit na siya at may mga babae na sa may gilid niya. Hindi nalang ako nagsalita at luminong sa kung saang direksyon pumunta ang dalawa ko pang kuya

Nakita ko sila sa isang table di kalayuan sa amin na may kasalukuyang kausap na lalaking nakatalikod sa akin. Nakita ako ni Kuya Lander at nginitian, may sinabi pa siya dun sa lalaki saka dahan dahang tumingin yung lalaki dito sa gawi namin

'Akala mo nasa serye, may pa slow mo'

Umirap lang ako at tinapik si kuya Hunter. Baka sinabi ni kuya Lander na may kapatid pa sila, na wala namang paki alam sa mga ganitong pakulo

Hindi ko magising si Kuya Hunter kaya tumayo nalang ako at tinignan yung lalaking kausap nila Kuya Lander. Nang makita niya ako, hindi ko alam kung bakit gulat ang ekspresyong bunalot sa mukha niya. Lumapit ako dahil isinenyas ni Kuya Terson

"Sister. This is Tyrence Smith, the son of our new investor Mr. Alejandro Smith. Tyrence, this is my sister Lizzie Kizara and that guy sleeping right there is her twin brother. Hunter Ferron Kizara" sabi ni Kuya Lander pero walang kibo yung lalaki- I mean si Tyrence at nakatitig pa din sakin

Para naman hindi maging bastos, inabot ko sa kaniya yung kamay ko. Niyuko niya yon at tinitigan, akala ko hindi niya pa kukunin dahil ang tagal niyang nakatitig pero inabot niya din saka tumingin sakin

"We meet again" ngiting sabi niya at dahan dahang inangat yung kamay ko at hinalikan

Hinila ko naman agad yon at pinunasan

"What do you mean?" Tanong ni kuya Lander dahil naka tingin lang ako sa kaniya ng naka kunot ang noo

Parang ngayon lang naman kami nag kita

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now