Chapter 9

38 20 10
                                    

Collin's point of view

Isang linggo na ang lumipas at wala paring progress. Ang cold parin niya, nasuntok pa nga ako. Kung ano ano ng ginawa kong kalokohan para lang mapansin niya pero wala paring epekto. Manhid ata yun

"Ano pre? Ano nang balita dun sa chicks mo? Hulog na ba?" Pang asar sakin ni Kenjie, sinamaan ko siya ng tingin. Andito kami sa bahay nila tumambay. Alam naman niyang hirap akong makuha yung loob ni Lizzie

"Hindi ba kita laging kasama Jie? Common sense! Nakikita mo naman kung pano ako nagpapapansin at pano din ako masuntok" sagot ko sa kaniya na tinawanan niya lang

"Tired? Sabihin mo na lang kasi ang magic word, that would be easier" ngising sabi ni Jake

"Easier pre? The hell I won't do your crazy punishment. You'll see, one of this days. That girl already fall to me" kompyansang sabi ko.

'Makukuha rin kita Lizzie, hintayin mo lang'

"Tara na nga lang maghanap ng chicks! Ilang araw ka ng walang natutusok Collin. Baka mabulok ka niyan kay Lizzie" ngising sabi ni Terrence

"Pass ako!" Sabi ni Kairon, nahahawa na ata 'to kay Lizzie. Bihira na rin kung mag salita

"Walang pass! Pass! Sasama ang lahat, walang aayaw! Tara na~" sigaw ni Kenjie tapos hinila si Kairon. Wala ng nagawa yung isa kundi sumama, sumunod naman kaming tatlo sa kanila

Pero iniisip ko parin talaga nung on the way kami sa bar, pano ko nga ba makukuha si Lizzie? In easiest way...

Lizzie's point of view

"Hahaha" tawa ni kuya Terson sa pinag gagagawa nila. Tinatabunan nila ng buhangin si kuya Lander, mukhang malalim yung hinukay nila. Ulo na lang niya yung nakikita, kanina pa din siya mura ng mura

Andito na kami sa Pannzian kanina pa. Ilang oras din ang biyahe at medyo ansakit ng ulo ko, from manila to Laoag tapos Laoag to Pannzian

Pero yung mga kuya ko, mukhang hindi naman pagod -_- nag lalaro agad sila dito sa beach habang ako naka upo lang, sila mommy at daddy hindi pa lumalabas ng hotel. Baka natulog, bahala sila

"Dito ka na matutulog kuya! Hahaha ma-re-rape ka ng lamok!" Sigaw ni kuya Hunter. Dinadagdagan pa nila yung buhangin sa may leeg ni kuya Lander

"F-ck! Damn you two! Argg!" Galit na sigaw ni kuya habang ginagalaw yung ulo niya. Parang makaka alis naman siya diyan ng walang tulong. Ang dami ng naka dagan sa kaniyang buhangin

"Nya~ nya~ nya~ kawawa si kuya Lander! Bleh!" Sabi ni kuya Terson habang tumatawa

Mga baliw, abnormal, sira ulo, isip bata, mas grabe pa pala sila sa mga kaibigan ko. Sayang hindi ko yun naalala, edi sana wala ako dito ngayon

"Twin! Lika dito dali!" Sigaw ni kuya Hunter habang tumatakbo sa dagat, pinagtitinginan siya ng mga tao- sila pala. Hindi dahil sa ginagawa nila, kung di dahil naka topless silang tatlo

Si kuya Lander nga lang natabunan ng buhangin ang katawan -_- hindi ko naman sinasabi na mala model ang mukha at katawan nilang tatlo pero, parang ganun na nga. Psssh, pag nalaman nilang iniisip ko na sexy at gwapo sila baka bumagyo

"Lil sis! Tara dito!! Iwan natin si kuya Lander diyan hahahaha" sigaw naman ni kuya Terson, may akbay na siyang babae

'Kakaalis lang may nabingwit na agad. Aba malupet'

Sumunod naman ako sa kanila, iniwan ko din si kuya habang sumisigaw sakin ng tulong. Bahala sila diyan, kalokohan nila yan

Collin's point of view

"Tara pre! Lipat ulit tayo ng bar" sabi ni Kenjie saka hinila ulit si Kairon. Kanina pa sila nag hihilaan, maputol sana kamay nila

Sumunod nalang kami nila Jake sa kung anong trip ni Kenjie

Andito naman kami ngayon sa Aurora bar medyo malapit lang sa The bar. Ewan ko ba, ang chi-cheap ng pangalan ng bar nila. Pero sulit na din, andami nilang costumer na sexy at magandang babae

"Para kang timang diyan Collin. Ngumingisi ka mag isa, nag iisip ka nanaman siguro kung anong gagawin mong 'effort' para kay Lizzie baby mo hahaha" sabi ni Kenjie at dininiinan pa yung word na 'effort' saka 'baby' habang tumatawa, siya ata timang

"Hayaan mo muna yun dude! Mag enjoy ka muna, wala pa kaming nakikita na inentertain mong babae sa lahat ng bar na pinuntahan natin ngayon" sabi ni Terrence habang umiinom

"Pass muna ako sa babae, baka nga magka aids na ako. Sayang lahi ko" sabi ko saka ngumisi bago uminom ng alak. Binatukan naman ako nung apat, huta ang sakit!

Sinamaan ko naman sila ng tinging apat.

"Lul mo lahi mo" sabi ni Jake

"Lahi mo bulok!" Sigaw naman sakin ni Kenjie tapos nakipag landian na dun sa katabi niyang babae

"Libre mangarap dre!" Sabi naman ni Terrence saka tinapik yung balikat ko

Tinignan ko naman si Kairon ng masama, baka dumagtag pa 'to sasapakin ko na sila isa isa

"Tss. Fly high, dream high" sabi niya

"Gago! Mga inggit lang kayo!" Sigaw ko saka uminom ulit

Mga inggitero kaya binubully nila ako, pshh. Palibhasa wala na ng pag asa mga lahi nila kaya tira lang ng tira

Uminom lang ako ng uminom hanggang sa napag isipan na naming umuwi. Buti naman, may balak pa pala silang umuwi akala ko wala na

Pagka uwi humiga na ako agad sa kama ko, mag iisip pa ako bukas ng plano ko

Lizzie's point of view

8:30 pm

Nandito ako ngayon sa tabing dagat, nag papahangin. Mag isa ko lang dahil napagod yung mga kuya ko kanina sa mga kalokohan nila

Iniwan talaga nila si kuya Lander sa tabi ng dagat, pag balik namin ang dami ng babae na nakadagan sa kaniya, inaalis yung mga buhangin habang tumatawa. Akala mo nga nag lalaro sila

Umupo ako sa buhangin at tumingin sa dagat, puro may kasama ang naglalakad ngayon. Sige ako na lonely

Habang tumitingin sa paligid may nakita akong parang bulto ng tao sa dagat. Lumulutang o lumalakad?

Lumapit ako para makita, tao ang nakita ko. Naglalakad na parang wala sa sarili, hanggang balikat nalang niya ang nakikita.

Wala nga akong pakialam sa tao pero, buhay na to. Kaya lumangoy ako papunta sa kaniya, lalaki. Nagulat pa siya sa pag hila ko, hindi siya nakapalag dahil kinulong ko sa bisig ko ang ulo niya

Pag dating sa pampang, tinignan ko siya ng masama. Bago mag salita, kahit labag sa luob ko

"Kung mag papakamatay ka, mag bigti ka nalang. Hindi yung sa dagat pa, gago! Papatayin mo din yung mga isda!" Sabi ko saka nag lakad na. Natulala naman sakin yung lalaki

"Miss, alam mo ba. Hindi nga ako nalunod pero muntik mo naman akong patayin dahil sa sakal, pero salamat parin!" Sigaw niya dahil medyo malayo na ako, buti nga niligtas ko pa siya

Pag pasok ko ng hotel nakita ko sila mommy sa front desk. Ginagawa nila diyan?

Lumingon sa gawi ko si kuya Hunter saka kinalabit si mommy at tinuro ako. Lumapit sila agad sakin at tinayakap ako nila kuya. Anong meron?

"Damn it! Akala namin nawala ka na!!" Sabi ni kuya Terson

"Hindi ka nagpaalam!" Sigaw naman ni kuya Lander

"San ka ba pumunta Twin?" Sabi ni kuya Hunter

Dapat inexpect ko ng ganito ang ibubungad sakin ng mga OA kong kuya

'Tsk'

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now