Chapter 12

32 17 17
                                    

Collin's point of view

Pumasok ulit ako ng klase namin ng tanghali, bumalik yung mood ko ng hindi ko alam kung anong dahilan

Pagdating ko ng room, iilan palang sa mga kaklase ko ang meron. Sila Lizzie wala pa, nag lunch pa siguro

"Naka ngiti ka pa diyan!" Sigaw ni Jake

'Huh? Naka ngiti ba ako?'

Hinawakan ko pa yung labi ko para malaman kung naka ngiti nga ba ako, baba oo nga naka ngiti nga ako! Napailing nalang ako sa sarili ko, ano ba talagang nangyayari sakin?

"Collin! Letche naloko tayo!" Sigaw ulit ni Kenjie pag ka upo ko

"Hindi niya pala boyfriend yung sinasabi nila Gwen! Kapatid niya! Tapos pangiti ngiti ka pa diyan!" Sigaw niya. Lintik na 'to! Kailangan pang isigaw sa tenga ko eh, sila talaga ang nakaka pag bago ng mood ko eh. Sarap hambalusin ng tambo

"Taena mo!!! Alam ko na yan!!! Maka sigaw, babasagin mo ba ang ear drums ko? Huta ka!" Sigaw ko din, napatingin naman na samin yung iba. Sinamaan namin sila ng tingin kaya napabalik sila sa kung anong mga ginagawa nila, pshh mga chismoso't chismosa

"Alam mo na? Sinong nagsabi sayo?" Tanong naman ni Terrence, ngumisi muna ako bago sumagot

"Si Lizzie babe" sabi ko saka tumawa, napatigil ako dahil sa pag batok nila sakin

"Ano ba! Nam babatok kayo" sabi ko at hinawakan yung batok ko. Naputol na ata huta, sabay sabay ka ba namang batukan ng apat

"Dream on dude! Yun? Kakausapin ka?" Sabi ni Jake habang umi-iling

"Baka si Gwen ang nagsabi sayo" sabi naman ni Terrence

Aba't! Hindi ba ako kapani-paniwala?? 

"Siya nga!! Kanina sa gym pagkatapos kong man trip ng bata" sigaw ko sa kanila. Hindi ko din alam kung bakit ko biglang sinuntok yung grade 9 na yun eh, ang angas kasi ng dating ang pangit naman

"Pano sinabi sayo?" Tanong naman ni Kairon

"Ehem- 'tss incest" ginaya ko pa yung boses niyang sin-lamig ng ice

"Huta! Yan lang pala sinabi sayo! Kung maka ngiti ka abot impyerno!" Sigaw naman ni Kenjie sakin, babatukan ko na talaga to eh!

"Ano ba kasing pumasok sa ulo mo dude at lumabas ka ng room tapos makikipag suntukan ka lang pala sa gym?" Tanong naman ni Terrence bago ko mabatukan yung Gago, napaisip din ako

'bakit nga ba?'

Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit, basta nung sinabi ni Gwen na may boyfriend na si Lizzie nainis na ako tsss. Minsan- I mean madalas na akong nawi-wirdihan sa sarili ko

"Hoy! Baka makalimutan mo yung dare ko! Tandaan mo, dalawang buwan lang yon" sabi ni Kenjie

"Tss, oo. May plano na ako para bukas" sagot ko sabay ngisi, tss natatawa ako

"Ano yan? Share mo naman!! Malay mo makatulong kami" sabi ni Kenjie

"Ayoko nga! Mukha mo! Di katiwa tiwala!" Sigaw ko at ngumiti

"Edi wow! Bahala ka jan" sabi niya at nag labas ng chichirya, kinuha naman naming apat at kami ang kumain

"Ang galing"

Lizzie's point of view

"Wahahahahahahahahaha~"

Kanina pa yan tawa ng tawa, nakaka rindi na. Kesyo daw na isahan niya yung mga kaklase namin lalo na yung limang lalaki sa likod namin, pati daw sila Jade at wala siyang planong sabihin na nandito na si Kuya Hunter

Wala naman akong paki alam kaya ok lang

"Huy! Tama na! Kanina ka pa tawa ng tawa, di maka move on parang si Lorraine?" Sabi naman ni Jade, nasamid tuloy si Raine.

Nang dadamay kahit nana-nahimik lang ~_~ yan ang mga kaibigan kong abnormal

"E-eh k-kasi naman hahahahahahahahahahahahh" hindi matuloy ni Gwen yung sasabihin niya dahil sa tawa

"Isang 'haha' mo pa diyan babatukan na kita. Ano nga palang pinag tatawanan mo jan" pagbabanta naman ni Jade

"Wala! pfft~" sabi ni Gwen at pilit na pinipigilan yung tawa niya

Napapa facepalm nalang ako sa kanila, lakas niya mang trip

"Haha- aray naman Jade!" Sigaw niya

Nakakahiya silang kasama, pinag titinginan na kami dito sa cafeteria dahil sa ingay nila

Tumayo ako at lumabas na. Balik nalang ako sa room

Pag pasok ko ng room, naka ngising mukha naman no Dawson ang bumungad sakin. Umupo lang ako at nag cellphone

"Yaahh!! Lizzie! Umaalis ka ng hindi nag sasabi! Iniwan iwan mo pa kami don!" Sigaw ni Jade pag pasok nila. Tinignan ko lang siya at hindi na sumagot

"Mag sasalita ba yan pag hindi kailangan?" Sabi naman ni Sandra at inirapan pa ako

Ang bubuti talaga nilang kaibigan.

"Hi Lizzie!" Sigaw naman sakin ng lalaking naka upo sa likuran ko, isa nanamang makulit at maingay na linggo para sayo Lizzie

"Date tayo mamaya!" Sigaw niya ulit kaya napatayo yung mga kaibigan ko, malamang narinig nila

"O-oh my god! Seryoso yan papa Collin?" Sigaw din ni Gwen, edi mag sigawan sila sa room bahala sila diyan

"Ikaw ba? Ikaw ba kausap niya? Maka react!" Sabi naman ni Jake, padabog tuloy na umupo sila Gwen

"Ano na Lizzie babe? Date tayo mamaya?" Bulong ulit sakin ni Dawson, humarap naman ako sa kaniya

Seryoso ko siyang tinignan sa mata, nag iwas nanaman ng tingin

"Oo na hindi na! Pshh kj!" Sabi niya saka nag lagay ng earphones sa tenga

Bakit ba ang tagal ng prof namin ngayon? Nauso uso pa kasi yang teachers move

.........

30 minutes ng late yung teacher namin, paimportante naman.

"Hay nako! Uwi na tayo!" Sigaw ni Jade samin, pwede naman kasing sabihin ng mahinahon. Nasasanay silang mag usap ng nag sisitaasan ang boses

"Hindi na umakyat dito si miss Toron, pshh. Ang weird ng last naman niya, Toron!" Sabi ni Gwen, nag sitawanan naman yung mga kaklase ko. Sa lakas ba naman ng boses niya, edi narinig nila -.- di na ako magtataka kung biglang pumunta dito si miss Toron, lakas ng boses

"Zie! Sama ka! Mag bar-" tinaas ko na yung kamay ko bago pa matuloy ni Nicole yung sasabihin niya, bar nanaman

Magiging kamukha na nila yung bar tender sa 'the bar' sa dalas nila doon

"Ayan nanaman! Umiiral nanaman ka kill joy mo!" Sabi ni Jade saka inirapan ako

Napa irap din ako, lagi naman akong kj kahit hindi ako sumama sa kanilang mag bar. Ano pa bang bago?

"Girls, kung ayaw wag-" hindi na natuloy ni Jake yung sasabihin niya dahil nag salita na si Jade agad

"Kausap ka? Kausap ka?" Pambabara niya

"Alam mo! Ang sungit mo!" Sabi naman ni Kenjie

Maka alis na nga dito, sasakit lang ang ulo ko sa ingay nila >.<

"Oy oy oy! Mag hintay ka!" Sabi ni Nicole bago pa ako maka labas ng room, sumunod sakin yung mag boyfriend- Troy and Treasure

Ilang minuto pa kaming nag hintay sa pintuan dahil nakipag sagutan pa yung pito sa mga kaibigan nung Dawson. Nung una maka tili sa kanila-wagas, ngayong naging kaklase namin sila biglang naging ganyan ugali nila

"Brat" bulong ko sa sarili ko ng matapos na silang makipag away

Nakakahiyang kaibigan

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now