Chapter 30

41 17 0
                                    

Lizzie's point of view

"Ayos lang ba kayo diyan?"

Pangalawa na

Pangalawang beses ng nag tanong si Nicole sa amin ng mga kuya ko dito sa bandang likuran ng van nila, hindi ko nga alam kung bakit namin sila kasama dito. Hindi naman kailangan

Sakto kasing palabas na kami ng bahay nila daddy ng may nag doorbell at laking pasasalamat ko yon dahil mga kaibigan ko nga yung mga dumating pero hindi ko naman inaasahan ang sasabihin ng mga kuya ko

"Pwede ba kaming sumama? Gusto naming makita yung bahay niyo"

"Pwede kayang maki sleep over din? Promise hindi kami mang gugulo"

"May nanakawan na ba sa villa niyo? May guard ba na nagbabantay sa labas ng villa 24 hours?"

Napailing nalang ako ng maalala ko nanaman yon. Nag aalanganin pa si Nicole kanina dahil hindi niya alam kung pano gsasagutin ang nga kapatid ko, buti nalang at dumating si Mommy para paalisin kami dahil anong oras na daw.

Hindi ko maiwasang mapa irap dahil ng lumingon ako sa right side ko ay mukha ng Kuya Lander ko ang nakita ko, hindi nga ako nahatid ni Daddy kasama ko naman ngayon yung mga makukulit kong kapatid. Unbelievable

Nakipag siksikan sila samin dito sa van, buti nalang at sina Troy, Treasure, Yana at Gwen napakiusapang gamitin nalang yung kotse ni daddy dahil ayaw magpa pigil nitong mga kuya ko. Gusto kasama ako sa sasakyan

Ayaw ko kasing sila ang maghatid sakin dahil pagka-dating don paniguradong lahat nanaman ng bilin nila kanina sa bahay ay uulitin nanaman nila isa isa don, pero heto pa rin sila Kuya kasama ko papunta don

Hindi na maubos ubos yung mga sasabihin ng mga kuya ko at ni daddy sakin kanina habang nag aayos sila para nga sana ihatid ako, si mommy na dapat siyang nagbibilin ng dapat at di dapat kong gawin eh nakikinig at natatawa lang kila daddy

"Yup!" dinig kong sagot ni Kuya Terson.

Ang tahimik tuloy ng mga kaibigan ko dahil nandito yung mga kuya ko, hindi kasi sila makapag ingay dahil si kuya Hunter lang naman ang kaya nilang pakisamahan.

Ngayon lang kasi sumama sa amin sila kuya Lander at Kuya Terson dahil mas madalas sila sa ibang bansa at hindi pa nila kilala yung mga kaibigan ko. Wala naman kasi akong binabanggit tungkol sa kanila

"Sis? You ok?" Napa buntong hininga nalang ako at napa-tango ng tanungin ako ni Kuya Lander

Nasa gitna nila akong dalawa ni Kuya Terson at si Kuya Hunter naman ang sa kabilang dulo, isa pa to sa pinag diskusyonan nilang tatlo kanina ng napakatagal.

Kung sinong makaka-tabi ko, imbes na si Kuya Hunter ang katabi ko kaninang pag pasok ko dito ay pinaurong agad siya ng dalawang nakatatanda sila daw ang nauna sa kaniya kaya dapat sila daw ang katabi ko. Hindi ko alam kung anong connect non sa kung sinong makaktabi ko, ang iisip bata nila

Nakipag sagutan pa si Kuya Hunter kasi siya daw yung kakambal ko at dapat lagi kaming magkatabi pero sa huli wala ding nagawa si Kuya Hunter at inis na pinag-siksikan yung sarili sa tabi ng bintana

Psshh ang dami nilang alam, akala mo naman hindi na nila ako makikita

"Lil sis?" Tawag naman sakin ni Kuya Terson. Hindi ko siya pinansin at pumikit nalang

Kanina pa ako naririndi sa ingay nilang dalawa ni Kuya Lander, kanina pa nila ako kinukulit na magsalita naman daw ako at wag kong kalimutan lahat ng sinabi nila. Hindi ko na nga maalala ni isa sa mga sinabi nila kanina dahil sa bilis nilang magsalita

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now