Chapter 13

34 17 21
                                    

Collin's point of view

Ready na ang lahat para sa mangyayaring kakiligan mamaya. Napangisi nalang ako sa iniisip ko, kelan pa ako nag isip ng mga ganong bagay? Ha! Ngayon lang

"Ready?" Bulong ni Jake sa akin, tinanguan ko naman siya. Mas excited pa sila kesa sakin.

"Yeah men" sagot ko, tumawa lang siya saka tinapik ang balikat ko at lumabas na ng room. Mag sesenyas nalang sila kapag nasa baba na si Lizzie

Sana naman mahulog na siya sakin nito, ngayon ko lang to gagawin para sa babae.

Lizzie's point of view

Nandito na kami sa harap ng building namin ng maramdaman kong nag vibrate yung phone ko, tumigil muna ako sa pag lalakad para masagot. Pagkatingin ko ay saktong pag kunot ng noo ko, Si mommy yung tumatawag... bakit?

Sinagot ko agad ["Baby? Pwede ka bang umuwi muna?"] Bungad niya pagka sagot ko ng tawag

"Why?" Tanong ko

["S-si Hunter-"] hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinatay ko na agad yung tawag at tumakbo palabas ng school

Pumara ako agad ng taxi at sinabi ang address namin. Ito na nga ba ang pinakakinatatakutan ko, baka... Alam na niya? Shit... Not again

Collin's point of view

"NASA BABA NA SILA!" sigaw ni Kenjie nag echo pa sa buong classroom. Pagpasok niya ay tinapunan ko agad siya ng masamang tingin. This guy definitely crazy, does he think? I bet not!  Hindi malabong umabot hanggang baba ang boses niya sa lakas!

Pumunta ako sa korteng puso na gawa sa rose petals, may mga nakapalibot na maliliit na balloon sa labas. Luma na tong ganitong style pero wala na akong ibang maisip, kesa naman walang maging pakulo para sa babaeng yon. Ito na ang naging plano

Kinuha ko na yung bouquet of roses na hawak ni Jake. Kaka deliver lang nito kanina galing bagiuo, akalain mo yun? Ginastusan ko pa siya kaya sana ma appreciate niya to

Nung madinig kong bumukas ang pintuan ay automatic na bumukas na din ang ilaw. Humarap ako sa babaeng nakatayo sa harap ko ng may malaking ngiti pero napawi agad yon dahil hindi naman siya ang inaasahan ko.

Bigla namang pumasok si Kenjie "Bro, umalis daw!"  sabi niya na nagpalukot ng mukha ko.

I've expected this but damn! Why do I feel like I didn't? Padabog kong binitawan yung bulaklak at sinipa sipa yung mga lobo na nadaanan ko.

Sinabi ko na nga ba, masasayang at masasayang lang ang effort ko sa babaeng yon. Should I surrender?

Lizzie's point of view

Pagtapat ng taxi sa gate namin ay agad akong nag abot ng bayad, hindi ko na kinuha ang sukli. Deretsyo na ako sa loob at napakagulong sala ang sumalubong sakin.

May narinig naman akong nag sisisigaw sa taas kaya umakyat ako at dumeretsyo sa kwarto ni kuya Hunter, nadatnan ko sila mommy na pilit pinapakalma si kuya.

"What happened?" Tanong ko kay kuya Terson na naka tayo lang sa pintuan pag pasok ko. Hawak hawak ni Kuya Lander at Daddy si Kuya Hunter habang si Mommy naman ay nasa harap niya at pilit parin siyang pinapakalma

"May nalaman lang" sagot niya habang nakatutok pa din sa cellphone niya. Nainis naman ako dahil don, nagwawala na nga't lahat si Kuya Hunter pero cellphone pa din ang hawak niya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay, napansin niyang nakatingin ako sa cellphone niya

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now