Chapter 27

29 16 0
                                    

Lizzie's point of view

"Lizzie! Excited na ako para sa school festival!" Sigaw ni Jade saka mas lalo pang kumapit sa kamay ko

Isang linggo na din pala ang lumipas, hindi ko na ulit nakita si Cass. Si Collin ay ganon pa din ang ginagawa sakin, nag papapansin. Sa palagay ko ay hindi niya pa ako kilala. Mabuti na yon para hindi muna malaman ni Cass na nakita ko na siya

Alam ko na din ang dahilan kung bakit sila magkasama sa simbahan non. They're siblings, twins to be specific. Akalain mo nga namang may kambal pala si Cass ng hindi ko man lang alam. I don't know if kuya know about it.

"Hey! Are you listening to me bratty?" napabalik ako sa realidad ng yugyugin ako ni Jade

"Yeah" tamad na sagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad

Papunta na kami sa room at bawat nadadaanan naming rooms ay may kanya kanya ng disenyo para sa school festival na sinaaabi nila. I don't really know about that dahil nung na orient kami tungkol sa school na to ay hindi ako nakinig, mag aaral lang naman ang pinunta ko dito. Makaka graduate pa din naman siguro ako kung hindi ako makikialam sa mga event na magaganap dito

"Ok! As I was saying nga, ano kaya ang magandang ilagay na decoration sa room natin? Hindi ko pa kasi alam ang theme, ang daya! Look! Almost done na sa ibang rooms yung room nalang natin ang wala man lang ka design design" nakabusangot na tinuro niya ang room namin

Pagpasok namin ay sumalubong samin ang magulong upuan at kalat kalat na papel sa sahig, mga kaklase namin ay busy sa pakikipag kwentuhan

Sabay sabay na napa facepalm ang mga kaibigan kong babae dahil don, mukhang walang balak ang section namin na makipag bonggahan ng decoration para sa school fest.

"Wala man lang bang mag e effort na mag decorate dito?" komento ni Jade at humiwalay sakin saka pumunta sa harap at malakas na pinalo ang white board. Napatigil naman sa pag iingay ang mga kaklase namin dahil don at nakinig sa sinasabi ni Jade, daig pa classroom president na tahimik lang sa gilid niya at sinusulat ang mga gamit na sinasabi niya.

Umupo naman na kami sa makalat na upuan, pabilog nilang in-arrange ang upuan namin saka nag kwentuhan din ang mga kaibigan ko at hinayaan na si Jade na mag plano.

Nakinig nalang ako sa ipod ko ng may magtanggal ng earphones sa tenga ko, asar kong nilingon ang taong yon

"Hi babe!" nakangiting bati niya. Malapit ang mukha niya sakin kaya walang pag aalinlangang sinuntok ko siya, hindi gaanong malakas pero masasaktan siya at umalis sa pwesto ko.

Tumabi ako kay Nicole, sinalubong naman niya ako ng hampas sa kaliwang kamay ko at sa kabila ay kinurot ako ni Sandra. Tinignan ko sila ng masama saka sabay na hinimas ang magkabilang braso ko

Masyado na silang mapisikal. Baka pwede na silang iwan. Ang sakit

"Ang rude mo kay Collin!" Nilingon ko si Nicole na nakatingin pala kay Collin na ngayo'y nakatingin ng masama sakin. You deserve it asshole

"Ano pa nga bang aasahan mo diyan, natural pag lumapit si Collin. Sapak ang aabutin non" sabat ni Jade na nakalapit na pala samin

*face palm*

Ang laki ng problema nila sa pakikitungo ko kay Collin, hindi ba nila alam na hindi ako sanay sa mga ganong gestures ng lalaki. May lalaki akong kaibigan pero nag iisa, si Troy 'yon pero hindi kami ganon ka close. Wala pang nakakalapit sakin na lalaki ng ganon mismo kalapit pwera sa mga kuya ko at kay daddy.

Wala akong kasalanan kung makakuha siya ng kung ano anong pasa ng dahil sakin, just make him stay away from me kahit sapakin ko siya araw araw at saktan. I don't give a damn

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now