Chapter 14

35 17 41
                                    

Lizzie's point of view

Kanina pa ako hindi pinapansin ni Jade, nalaman ko kasi yung plano nila Collin at ng barkada niya kaninang umaga dahil pagpasok ko palang ng room ng mga bandang nine ay tinignan na ako ng masama ng mga kaklase kong babae pati mga kaibigan ko at pinag uusapan na nila ang hindi ko daw pagsipot sa surprise nila Collin.

Paki ko ba don? Saka alam ko ba na may pakulo siyang ganon, at saka kahit na alam ko naman uunahin ko parin ang kapatid ko kung sakali. Nag iinarte lang yung mga kaibigan ko, akala mo naman sila yung nasayangan ng effort.

Nag hihintay lang kami para sa last subject namin ngayon, ang tahimik parin ng mga barkada ko. Hinayaan ko nalang.

Tahimik na sana ang pagbabasa ko dahil hindi nag iingay at nangungulit ang mga kaibigan ko pero pinalitan naman ng mga lalaking nasa likuran namin. Sila ang nanggugulo sa AKIN ngayon. Letche. Ang likot likot nila, nayuyugyog ang upuan ko kaya hindi ako maka concentrate sa pag babasa

Naramdaman ko naman ang bahagyang paglapit sakin ng lalaking naka upo sa upuang nasa likuran ko lang.

 "Ang bango ng buhok mo Lizzie! Anong shampoo ang gamit mo?" sabi ni Collin habang nilalanghap ang buhok ko, kulang nalang ay masinghot niya ang buhok ko at dumiretsyo sa lalamunan niya. Parang vacuum cleaner

"Hmm... Ang bango pati batok- ouch! What the hell is your problem!" Nagulat ang mga kaklase ko dahil sa pag sigaw ni Dawson, katarantaduhan niya kasi. Siya may kasalanan, pati ba naman kasi batok ko aamuyin. Sinapak ko tuloy kaya ayan nakadapa siya sa harapan ko.

'Siga nga lampa naman' mahinang sapak lang tumba agad, sisiga siga, kala mo kung sino wala naman palang ibubuga.

"That's what you get, landi mo kasi HAHA" Sabi ng kaibigan niyang isip bata, I can't remember his name basta K ang umpisa non.

Tumawa naman ng malakas yung mga kaibigan niya at yung ibang nakarinig sa sinabi ng lalaking yun. Nakatingin parin ako ng masama sa lalaking naka indian sit habang sapo sapo ang kaliwang pisngi niya at nakanguso sa akin.

"Shut the f-ck up Kenjie!" Sigaw niya ng tinignan ko lang siya ng walang ka kwenta kwenta. Umupo ulit sa upuan niya at bugnot ang mukhang tumingin sakin.

Ang OA, di naman ganon kalakas suntok ko. Ang lampa kasi. Bipolar din ang loko, kanina ang sungit niya. Ngayon naman bumalik siya sa pang t-trip sakin

"Hoy! Masakit yun ah!" Sigaw niya sa akin kaya napairap ako, lampa na nga ang ingay ingay pa. Hindi ko na maintindihan tong binabasa ko dahil sa kaingayan niya.

'Edi masakit... paki ko?' bulong ko nalang saka muling nagbasa

"Wala ka talagang puso!" Sigaw nanaman niya. Hindi na ako nakapag timpi, padabog akong tumayo at binato eksakto sa mukha niya ang hawak kong libro. Nagulat siya dahil don

"Tigilan mo ko" inis na sabi ko habang tinatapunan parin siya ng masasamang tingin.

This guy is really getting into my nerves, hindi ako madaling mapikon, wala akong masyadong paki alam sa paligid ko pero kapag itong mokong na to na ang nasa paligid ko agad kumukulo ang dugo ko.

Nakaka bad trip na minsan yung mga nakakabatang pagpapapansin niya
"K-kinausap mo ko?" sabi niya. Ngayon ko lang napansin na nakatingin lang pala siya sakin, nakanganga pa ng bahagya ang mga labi niya.

"Baka yung katabi mo" pabalang na sagot ko dahilan para maasar siya at bumaling sa iba ang paningin niya.

Ganon na ba ako hindi masyadong nagsasalita para magulat siya kapag kinausap ko na? Sa palagay ko ay hindi ito ang unang beses ng pagkausap ko sa kaniya

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now