Chapter 32

24 4 2
                                    

Collin's point of view

"Hoy Kenjie sigurado ka bang dito?" tanong ko ng makababa kami ng kotse ko

Nasa tapat na kami ng bahay ni Nicole, malapit lang samin yung address na sinabi ni Kenjie.

"Oo dito yon" sigaw niya saka lumapit sakin

"Mag doorbell ka na" sabi ko sabay tulak sa kanya

"Bat ako?"

"Ikaw may pakana nito kaya ikaw mag doorbell bilis!" sabi ni Terrence saka niya tinulak din siya papunta sa gate. Anong oras na saka pa kami nakarating, tulog na siguro yung mga yon. Antok na antok na din kami pero dahil sa kakulitan ni Kenjie ay wala kaming nagawa kundi pumunta dito. Nakakahiya sa parents ni Nicole kung sakali, mag uumaga na may mambubulabog pa sa kanila

"Oo na! Wag ng kayong manulak!" sigaw niya at nagkusa ng lumapit sa gate. Nakailang pindot pa siya pero walang lumabas para pag buksan kami

"Kita mo na! sabi sayo tulog na sila!" bulyaw ni Jake kay Kenjie na patuloy lang sa pag pindot ng doorbell

"Ang bagal mo kasi! Alam mo ba kung anong oras na? Aning ka!"

"Umaga na Jie! Tulog na yang mga yan!"

Ang dami pa nilang sinabi pero mukhang walang pinakikinggan si Kenjie dahil sa sunod sunod na pag doorbell niya. Nakakabulabog na kami ng tao dito buti nalang malalaki ang pagitan sa bawat bahay dito

"Kung mas maaga ka sana kanina mas maaga tayong matatapos! Tignan mo umaga na!! Sayang nanaman effort lalo na gas!"

Padabog akong pumasok sa sasakyan. Palpak nanaman ang plano namin, nabulilyaso nanaman dahil sa kabagalan ni Kenjie. Pinaghintay lang namin sa wala yung mga babae hayst

Nicole's point of view

"Nicole! Pumasok na si Lizzie! Asan na ba sila?" inaantok na sabi ni Jade na mukhang tutumba na. Ganon din kaming lahat na natitira dito sa labas. One na pala pero wala pa sila, ano kayang nangyari.

Kaya siguro nainip na kakahintay si Lizzie dahil madaling araw na at hindi pa kami nakakapagpahinga, yung iba na samin ay nakahiga na sa damuhan baka nga tulog na

Napatampal nalang ako sa noo ko, wala na ang plano! Ang aga ng usapan namin ni Kenjie pero hayst...

"Ewan ko, wala naman akong number niya kaya hindi ko matanong" inaantok na ding sagot ko

"Ang tagal naman Nicole inaantok na talaga ako! One na oh!" sabi niya saka pinakita ang cellphone sakin

Tutuloy pa kaya sila? O baka nakalimutan ng sabihin ni Kenjie kila Collin kaya hindi na sila nakapunta? Kanina pa kami dito sa labas at hindi lang antok ang kalaban namin, pati lamok

"Tulog na kaya tayo? " tanong ko saka bumangon

"Oo nga umaga na, baka hindi na sila pupunta"

Isa isa naming tinapik ni Jade ang mga kaibigan naming nakahilata sa damuhan, nakatulog na nga sila sa kakahintay. Napangiwi nalang ako ng maalalang kaka akyat lang ni Lizzie, buti pala at nakayanan niyang maghintay ng ganon katagal ngayon. Dati kasi ilang minuto palang ang lumipas lalayasan ka talaga non

"Tsk tsk... Talkshit talaga yung mahangin na yon! Pinaghintay pa tayo" inis na sabi ni Jade ng nakapikit habang nag lalakad, matitisod to pustahan.

"Grabe ka naman kay Kenjie... Lagi mo nalang siyang inaaway" sabi ko ng pumipikit pikit na din ang mata, antok na antok na talaga ako

"Eh sa-WAAAAAAA!!!" Nagulat ako ng sumigaw siya kaya napamulat ako

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now