Chapter 6

64 21 7
                                    

Lizzie's point of view

Nandito na agad kami sa school, ang aga nga namin. Imagine, 6 o' clock in the morning? Janitor pa nga lang yung nadatnan namin dito, nag lilinis sa paligid.

Gusto daw kasing libutin ng mga kaibigan ko itong buong campus para hindi daw sila mawala mamaya. Inistorbo pa nila tulog ko, pwede namang sila nalang ang pumunta at huwag na akong isama pero pumunta sila sa bahay ng 5:40 at binulabog ang tulog ko

"Wow! Ang laki naman ng gym nila!" sigaw ni Gwen. Nandito kami ngayon sa harap ng gym nila, malaki nga sa labas palang pano pa kaya sa loob. Gaano kalawak ang sakop nito? Di hamak talaga na mas malaki ito sa dati naming school

"Ang lakas ng boses mo Gwen abot hanggang canteen!" Suway ni Jade na ikinasama naman ng itchura ni Gwen. Umagang umaga at heto nanaman sila, di ba pwedeng putulin ang dila nilang dalawa? Please god grant my wish pshh

"Wala namang tao sa canteen ah!" sabi naman ni Gwen

"Malay mo meron!" sigaw naman ni Jade hanggang sa magkaharap nanaman silang dalawa. Mahabang bangayan nanaman hanggang mamaya

"Nakita mo ba?" Tanong ni Gwen saka namaywang

"Hindi!" Sagot ni Jade saka ginaya ang posisyon ni Gwen, parehas na sila ngayong parang mga tindera sa palengke na nagaaway dahil sa costumer

"Oh pala! Pano mo nasabing may tao?" Sigaw nanaman ni Gwen

"Ang sabi ko 'malay mo'!" Sagot ni Jade

Hanggang sa nag away na, ever since ganyan na yang dalawang yan. Pero hindi pa sila nagkasakitan, sigawan at pikunan lang tapos mamaya ok na hanggang sa sigawan ulit, wala silang matinong pag uusap. Tinignan ko naman sila ng masama, napatingin sila at parehas nila akong inirapan pero tumigil din. Finally, the debate is done! Dapat humss sila hindi stem

Gaya nga ng gustong mangyari ng mga kaibigan ko, nilibot nga namin ang school. Lahat ng building pinuntahan namin, kahit sa college campus na katabi lang ng senior high pinuntahan din namin. May mangilan ngilan kaming students na nakikita at nakaupo sa mga benches sa ilalim ng puno. Mag s-seven na din kaya siguro may pumapasok na para sa first period, buti sana kung ang first period namin ay 7 din kaso hindi. Ilang oras pang lakaran ang mangyayari

Sunod lang naman ako ng sunod sa kanila. Kapag may magandang spot  akong nakita baka pwedeng dun nalang ako para hintayin sila. Ang sakit na din ng paa ko, naka sneakers lang ako ah. Pano pa kaya sila Jade, Gwen, Nicole, Lorraine, Keisha, Treasure at Sandra na naka heels.

"Tara doon sa open feild nila" sabi ni Gwen na parang nagmamartya, hindi ba siya nangangalay sa suot niyang sapatos? Ang taas din non

"Hindi na! Nagsisimula nang lumabas ang araw, mainit na don! Masusunog na balat natin" komento nanaman ni Jade

"It's only 7 in the morning! Vitamins palang ang sun rays na yon wag ka ngang maarte" sabi ni Gwen sabay irap

"Kahit ba vitamins ang sinag ng araw kung nakakaitim pa din! Saka hindi ako maarte! Masakit lang kasi sa balat yon palibhasa ang kapal ng balat mo!" sigaw naman ni Jade sak dumila kay Gwen

"Look who's talking? Hiyang hiya ang smooth tan color skin ko sa mala porselana pero dala ng gluta na kutis mo! At least yung akin natural!" taas noong sabi ni Gwen at dumila din kay Jade, natawa kami ng bahagya dahil don.

"Hindi ako nag glugluta!" sigaw ni Jade. Halatang pikon na

"Ang lakas ng boses mo! Mas malakas pa sakin, lakas mong manita pero yung boses mo di mo napapansin"

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now