Chapter 2

83 24 2
                                    

Collin's point of view

(Pagkatapos ng make out session sa parking lot)

"Bat ganyan mukha mo bro? Di ka naka score? Hahaha" tinignan ko ng masama si Kenjie

"Tara bar tayo maya" walang gana kong sabi habang tumitingin ng babaeng dumadaan sa hallway. Nandito kami sa mall ngayon

"Game ako!" Sigaw ni Kenjie. Tumango naman sila Kairon, Jake at Terrence

"Ge una na ako, kita kita nalang sa The Bar at 7 pm" saka umalis, tinignan ko yung relo ko susunduin ko pa pala si Chloe sa ballet class niya

~ballerina stadium~

"Kuya! You're late! Ang tagal mo" sabi ng kapatid ko habang naka nguso, napangiti ako. Ang ganda talaga ng kapatid ko, mana sakin gandang lahi talaga namin

"Sorry na si kuya, may inasikaso kasi eh tara na?" Sabi ko saka binuhat yung bag na dala niya. Lahat ng nadadaanan naming babae naka tingin sakin, kikindatan ko biglang kikiligin. Lakas talaga ng charm ko kahit saan

"Kuya stop that! Papaasahin mo lang mga teachers ko!" Panenermon ni Chloe

"Teachers mo yung mga yon? Akala ko kaklase mo sa pag ba-ballet" sabi ko

"Oo!! at crush na crush ka nila, pshh kaya nga may special treatment ako dahil sayo eh" asar na sabi niya

"Ayaw mo pa non? Dahil kay kuya hindi ka mapapagod" proud na sabi ko, nung nasa tapat na kami ng kotse tumayo siya sa harap ko at nameywang. Tinaasan ko siya ng kilay, akala mo matanda na

"I hate it! Hindi na nila ako halos pinapagalaw dahil sayo, pano pa ako matututong mag ballet kung ganon?" Sabi niya saka inirapan ako. Natawa naman ako

"Hayaan mo, pagsasabihan ko yung mga teachers mo. Ngayon, uwi na tayo dahil may pupuntahan pa si kuya" sabi ko saka pinag buksan ko siya ng pinto sa harap ng kotse, yung mga gamit naman niya nilagay ko sa likod

"Saan kuya?" Tanong niya ng makapasok ako sa driver seat

"Basta bawal ang bata doon" sabi ko nalang, mamimilit kasi nanaman siyang sumama

"Lagi naman eh, kasama mo nanaman siguro yung mga babae mo kuya!" Sabi niya saka nag cross arms. Nag seselos nanaman

"Uyt, hindi kasama ni kuya sila kuya Kairon" sabi ko sabay tawa ng mahina, selosa kasi

"Whatever" sabi niya saka umirap, ang sungit talaga.

Hindi na ako sumagot, tahimik lang kaming umuwi sa bahay. Wala na nagtampo na, bawal naman kasi ang bata sa bar

Pagdating namin nag sumbong agad si Chloe kay mama na may pupuntahan nanaman ako

"Oh, san ka pupunta mamaya Collin?" Tanong ni mama

"Somewhere with my friends ma, baka din sa kanila na ako matulog" sabi ko habang paakyat ng hagdan

"Okey" tanging sagot niya, nag maktol naman si Chloe na dapat hindi ako pinayagan. Hindi naman ako babae so I can go kahit saan ko gusto

I am finding out
Then maybe I was wrong~

Kenjie calling...

"Oh" sinagot ko yung tawag, kakakita lang namin kanina miss nanaman ako. Natawa naman ako ng may pagka-demonyo

["Ba't ka tumatawa? May kasama ka nanaman diyan no! Langya pre magkaka aids ka na niyan"] biro niya tapos siya naman ang tumawa

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now