Chapter 18

31 16 0
                                    

Nicole's point of view

Nakaramdam ako ng call of nature dahil sa kakatawa namin sa mga old pictures namin na nilabas ni facebook. Grabe. Kanina pa kami tawa ng tawa sa restaurant na pinagkainan namin hanggang ngayong naglalakad kami papunta sa sinehan. Kasalanan ni facebook. Sabog kami sa kakatawa

"Guys cr lang ako" sabi ko sa kanila saka tumakbo para maghanap ng cr

"Hintayin kita!" dinig kong sigaw ni Lorraine

Tumango nalang ako kahit alam kong hindi naman niya makikita kasi medyo malayo na ako at tumatakbo. Asan ba kasi dito yung cr?

Tumigil ako ng maramdaman kong ugh... lalabas na! Eksakto namang nakita ko na kung saan kaya tumakbo ulit ako kahit na mahirap, ang sakit kasi sa puson

Dali dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Pagkatapos lumabas na ako para mag hugas ng kamay saka tumakbo ulit para makahabol sa kanila ng biglang may nabunggo akong lalaki

Parehas kaming tumatakbo kaya ang lakas ng impact, napa tilapon kami eh!

"Aray..." na-untog pa ata yung noo ko sa kaniya, ang sakit...

"S-sorry!" Sigaw ng bumunggo sakin saka tumakbo

Walang hiyang yon! Hindi man lang ako tinulungang tumayo! Pasalamat siya hindi ko nakita yung mukha niya! Ang lakas pa naman ata ng tama ko sa ulo dahil... nahihilo ako...

Kenjie's point of view

"Nuod tayong cine! May maganda palabas daw ngayon!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko

Tama nga yung naisip ko kanina dahil tinawagan nila ako para alamin kung saan ako pumunta, saka nila sinabi na hintayin ko sila sa restaurant kaya ito magkakasama na ulit kami ^__^

"Teka pala! Tinatawag ako ng kalikasan" sabi ko saka naglakad palayo sa kanila kahit masakit

Ay putang ina ba't parang iba ang dating non sa isip ko?

"Akala ko tawag ng kalibugan" dinig kong sigaw ni Jake saka halakhak nila.

Nilingon ko sila saka sinamaan ng tingin, tinawanan lang nila ako kaya naglakad nalang ako ulit

"Shit! Lalabas na ata" bulong ko kaya tumakbo na ako para mabilis ng biglang may sumulpot sa harap kong babae kaya hindi ko na naiwasan at nagkabungguan kami

"Aray..." daing niya dahil ang lakas ng tama kaya napa upo kaming dalawa

Agad naman akong tumayo para pumunta sa cr dahil lalabas na talaga!

"S-sorry!" Sigaw ko saka tumakbo ng mabilis

Pag pasok ko ng panlalaking cr- alangan namang pang babae?- nilabas ko lahat. Pagkatapos nag hugas ako ng kamay, syempre para malinis

Paglabas ko ng cr may nakita akong babae na nakahiga malapit sa bungad ng pathway papunta dito. Dahil mabait ako nilapitan ko yun, at nung makita ko yung mukha...

"Pamilyar ka... teka isipin ko"

Tinitigan ko siya at naalala ko na kung sino!

"Ikaw yung kaibigan nung Lizzie!"

Luminga linga muna ako bago ko siya binuhat, nakaka awa eh.

"Ang bigat mo pero ang sexy mo naman" kausap ko sa kaniya kahit hindi naman siya nagsasalita

Bakit naman kaya niya naisipang matulog don? Tsk tsk

Pagbalik ko sa pwesto nung mga mokong kanina, wala na! Nauna na ata sila, tss mga walang kwentang kaibigan

Ramdam kong pinag titinginan kami ng babaeng buhat ko, syempre dahil gwapo ako at may buhat akong babae maraming naiinggit

'Halla! Ano kayang nangyari kay ate?'

'Oo nga! Baka nag away sila tapos sinaktan siya nung guy!'

'Mukha ngang bad boy yung lalaki eh, pero gwapo ah!'

'Gwapo nga nananakit nanaman ng babae'

'Turn off'

Dinig kong bumulangan nung dalawang babaeng nasa tabi namin. Anak ka nga naman ng tipaklong! Ako na nga yung tumulong ako pa pinag isipan ng masama?

Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Hindi naman nila alam kung ano talagang nangyari makapag usap akala mo ang layo nila sakin!

Nakakasakit din naman sila ng damdamin ng iba! hindi ba nila naiisip yon?

Ng makita ko sila Collin sa pagbiliha  ng ticket agad akong tumakbo papunta sa kanila at mangiyak ngiyak na humarap sa kanila

"Anak ng- anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Terrence

"Inaaway ako nung mga chics don! Akala mo kung sinong perpekto eh!" Sigaw ko

"Eh ano ngang nangyari? At bakit may bitbit kang babae?" Kunot noong tanong ni Collin

"Hoy Kenjie anong ginawa mo diyan!" Sigaw ni Jake saka sinipat sipat yung babaeng hawak ko

Binaba ko yon at hinayaang si Jake ang tumingin

"Yan! Yang babaeng yan yung may kasalanan! Pinag isipan ako ng masama dahil diyan!" Sigaw ko at tinuro turo yung babae

"Eh bakit nga!" Sigaw ni Kairon saka ako binatukan

"Ako na nga yung tumulong kasi nakita kong wala siyang malay dun sa papasok ng cr edi binuhat ko, mabait ako eh. Tapos syempre ang daming naka kita tapos yung dalawang babae na kasabay naming maglakad kanina sabi nila ang sama ko daw kasi baka sinaktan ko yan! Pinagkamalan pa kaming mag boyfriend!" Sigaw ko at tumingin ng masama dun sa babae

"Eh gago! Hinayaan mo nalang sana!" Iiling iling na sabi ni Terrence

Mabait nga ako diba? Malamang tutulungan ko. Sinimangutan ko nalang siya

"Nakita ko na yan" sabi ni Kairon at lumuhod para tignan din yung babae

"Oo kaibigan nila Lizzie" sabi naman ni Collin at nakigaya dun sa dalawa

Sumimangot lang ako at bumili ng ticket ko, bahala na silang apat diyan. May napansin akong pamilyar ulit na boses sa side ko, kasabay kong bumili

"Ang tagal naman ni Nicole?" Pagka abot sakin nung ticket nilingon ko yung nag salita at nakatingin siya kila Collin. Na wiwirduhan siguro dahil parang tanga kasi yung pwesto nila

"Hoy Kenjie! Nag kamalay na" sigaw ni Terrence saka naman ako hinila

"What the! NICOLE? WALANG HIYA KAYO ANONG GINAWA NIYO SA KAIBIGAN KO!" Nanlalaking matang tanong nung babaeng kasabay kong bumili ng ticket sa amin

Nicole's point of view

"Hoy Kenjie! Nag kamalay na" sabi ng kung sino kaya napabaling naman ako sa kabila

Bakit parang ang hirap huminga at amoy lalaki? Ang ingay pa

"What the! NICOLE? WALANG HIYA KAYO ANONG GINAWA NIYO SA KAIBIGAN KO!" Napamulat naman ako at nakita kong napaligiran ako ng lalaki?

Bumangon ako at saka hinawakan yung ulo ko at pumikit. Naramdaman ko namang tumayo ako kaya tinignan ko kung sinong gumawa non, si Troy?

"Hoy! Manyak kayo! Anong ginawa niyo sa kaibigan namin!" Sigaw ni Yana saka pumunta sa harap ko

Kinusot ko naman yung mata ko para makita ko kung sino yung kaaway nila

Ng ma-adjust ko na yung paningin ko, tumingin ako sa ka away nila-- sila Collin pala to eh, teka anong nangyayari?

Bakit parang nag kaka-initan na sila? Saka teka... yung lalaki kanina! grrr!!! Bwisit na yon!

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now