Chapter 29

28 14 0
                                    

Lizzie's point of view

"Uwi muna ako" paalam ko ng pababa na kami ng building, mag a alas singko na din ng matapos sila sa pag aayos ng room kaya ngayon lang kami makaka uwi.

Wala na ding ilangan na naganap sa pagitan namin ni Sandra, sinabi kong ok lang yung mga sinabi niya at nag sorry na hindi ko kayang ibalik ang sarili ko sa dati. Nalungkot siya pero wala daw siyang magagawa kaya pagkatapos non ay ok na

"Bakit?" Tanong ni Jade at pinanliitan ako ng mata. Ito nanaman siya sa mga walang katapusang mga tanong niya.

"Pupunta ako" paniniguro ko sa kaniya. Akala niya siguro ay hindi ako pupunta mamaya kapag umuwi na ako, wala talaga siyang tiwala sa isang salita ko

"Hindi ko tinatanong! ang tanong ko bakit uuwi ka pa?" Tanong niya at naglakad sa gilid ko na akala mo imbestigador, kami na tuloy ang nasa hulihan dahil tumigil pa kami sa paglalakad

"Damit" sagot ko at sinimulan ulit maglakad. Ng makadating kami sa baba ay nagtanong ulit siya "Anong damit?" Pati yung iba takang naka tingin sa akin, oo nga pala. Slow sila, hindi nila yon maiintindihan

"Wala akong damit na gagamitin" pangungumpleto ko sa sinabi ko kanina.

"PWEDE NAMAN KASING KOMPLETUHIN AGAD YUNG SASABIHIN IISA ISAHIN PA KASI!" sigaw niya sa mismong tenga ko

Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya yon kaya napapikit ako at hindi sinasadyang nasapak siya. Bigla bigla nalang kasing maninigaw tapos sa tenga ko pa, may balak ata siyang gawin akong bingi!

"What the fuck!" Pagkarinig ko ng mura ay napadilat ako. Si Collin na naka tagilid ang ulo ang agad na bumungad sakin. Kasama niya yung apat niyang asungot

"Why did you punch me!" Taka ko siyang tinignan ng humarap siya sakin ng naka hawak sa panga. Sinuntok ko ba siya? Sa pagkakaalam ko ay si Jade ang nasapak ko ng hindi sinasadya

"Zie-- siya yung na suntok mo" bulong sakin ng nasa likod ko

Hinarap ko si Lorraine. Tinanguan niya ako at saka tinuro si Jade na nakangusong naka tago na sa likod ni Keisha

"Pagkasigaw niya lumayo siya agad kasi sinabi kong meron si Collin sa likod niya tapos pagka alis ni Jade, hindi namin inaasahan yung pag suntok mo bigla pero si Collin nga ang natamaan non" paliwanag niya

Bumaling ulit ako kay Jade, hindi ko maiwasang umirap dahil sa kakaibang ngiting pinapakita niya sakin. Napatingin din ako sa taong nakatayo sa harap ko, masama na ang tingin niya sakin.

"Sige una na ako" paalam ko sa mga kaibigan ko, pahakbang palang sana ako ng may humawak na sa kanang kamay ko kaya agad akong napa tigil at kusang humarap sa gumawa non. Tinignan ko lang ang kamay kong hawak pa din niya

"Hindi ka man lang ba mag so-sorry?" Kunot noong tanong ni Collin, binitawan na niya ang kamay ko pero lumapit naman siya sakin. Ilang dangkal lang ang ang layo ng mukha niya mula sa akin

"Wala naman akong kasalanan" kibit balikat na sabi ko at lumayo sa kaniya, hindi dapat nasasanay ang taong to na lumapit lapit sakin ng ganon lang. Nilabanan ko ang tinging binibigay niya sakin, hindi ko naman kasalanan na siya ang natamaan ko. Hindi naman kasi siya kabuti para bigla nalang susulpot sa harap ko

"But you punch me" sabi niya at ngumuso. Napa ismid ako dahil sa ginawa niya, kalalaking tao ang arte

Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya ng ilang minuto at tumalikod ulit saka naglakad, nakailang hakbang palang ako ng may humawak ulit sa kamay ko kaya dahil sa inis hinawakan ko ang kamay niya at inikot papunta sa likod. Nang makita ko ang mahaba niyang buhok at matinis niyang boses ay agad ko din siyang binitawan

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now