Chapter 16

40 16 0
                                    

Collin's point of view

"Oy! Labas nga naman tayo!" napa igtad ako dahil sa sigaw ni Kenjie dahil tumalon siya sa kama ko. Nandito sila sa bahay dahil wala akong kasama, umalis sila mommy kasama si Chloe. May susunduin daw sila sa manila kaya wala akong choice kundi tawagan ang mga tukmol kong kaibigan

"Wag kang magulo! Nag aayos ako ng chords para sa kanta ko" inis na sabi ko habang nag strum sa gitara

"Ay seryoso si Collin! Nuks! Para kanino ba yang kantang yan?" tumigil muuna ako sa pag kapa ng chords dahil hindi ko din naman madinig kung anong tunog non saka hinarap si Kenjie

"Para sa sarili ko. Do I need someone para makagawa ng song? I'm just bored" sagot ko saka muling binalingan ang notebook na nasa harap ko, dito nakasulat lahat ng kantang composed ko.

"Yay! Inspired ata. Kanino naman?" natatawang tanong niya ulit at mas lalong lumapit sa akin. Gumalaw ang kama ko kaya gumalaw din ang notebook

Inis ko naman ulit siyang binalingan. Daig pa talaga ang babae sa kakulitan at kaingayan. Letche

"Kung wala kang ginagawa, don't bother others! Umuwi ka na nga lang!" sigaw ko sa kaniya at tumayo ng kama

"Wala din akong gagawin sa bahay, boring yon" ungot niya. Umiling ako saka bumaba at kumuha ng inumin sa ref. Rootbeer lang ang nakita ko kaya yun ang kinuha ko

Pag bukas ko ng pintuan ay unan ang agad na sumalubong sa mukha ko. Dinig ko naman ang malakas na pagtawa ng mga kasamahan ko, pero tiyak ako na ang pinakamalakas na tawa ay galing sa nambato

Agad kong pinulot ang unan na tumama sa mukha ko at ibinato ng mabilis papunta sa pwesto ni Kenjie, saktong nakatingala siya at tumatawa na akala mo mamamatay na. Pagbaba niya ng ulo ay saktong pagtama ng unan

Siya naman ngayon ang tinatawanan. Nakasimangot na mukha niya ang nakita ng mahulog sa lapag ang unan. Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo sa kama ko. Pinagpatuloy ko ang pangangapa ng chords na babagay sa gusto kong tono ng kanta ko

"Ang boring niyo naman! Mag bar tayo" sigaw ni Kenjie at gumulong gulong sa kama ko. Tumayo ako at inis siyang sinipa. Agad siyang dumaing

"Magkamukha na nga kayo ng manager sa bar, mag ba bar ka nanaman" sabi ko

Mas lalo naman siyang gumulong at nagulo na ng tuluyan yung higaan ko. Nahulog pa ang notebook ko, panira talaga to.

"Mahulog ka sana" bulong ko na agad namang narinig ng may kapal

"Araaay!!!" Sigaw niya

Napangisi naman ako, buti nga sa kaniya. Napatingin naman ako sa tatlong busy sa cellphone nila. Naagaw naman ang paningin ko ng mga libro sa tabi ng side table ko.

Kinuha ko yon saka isa isang binato sa kanila, si Terrence natamaan yung cellphone, si Kairon sa tyan tinamaan, malas ni Jake sa noo ko siya nabato. Damay damay na to, nagulo na ako sa ginagawa ko mas mabuting pare pareho kamin

"Putang ina! Ang sakit!"

"Gago sino yun?"

"What the hell!"

Reklamo nila. Bigla nalang sumulpot si Kenjie sa harap nilang tatlo saka ako tinuro turo pero, sinamaan ko siya ng tingin at pati na din yung tatlong binato ko.

"Si Collin yon nakita ko!" sigaw niya at tumakbo sa likod ng upuan ni Kairon. Sumbungero, parang babae talaga. Napansin kong nakatingin ng masama sakin yung tatlo habang nakangiti ng nakakaloko si Kenjie

Operation: Break the IceWhere stories live. Discover now