" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER SIX - HE'S IN TROUBLE
"Grandma may sinabi na ba sa iyo si bunso?" Tanong ni Rhayne isang gabi na nasa living room silang lahat maliban na lang kay Lewis na nangapit-bahay sa pamangkin kaedad.
"Wala naman apo ko, ano ba iyun?" Balik tanong ng matanda.
"Tungkol sa pagtatapos niya grandma, nabanggit kasi niya na pinapatawag ng teacher nila ang guardian niya. Sabi ko naman na mas mabuting ikaw ang kausapin dahil nandiyan ka naman po." Tugon ni Rhayne.
"Baka may good news ang teacher nila grandma kaya nais ka nilang kausapin?" Sa boses pa lang naman ng mag-asawang Rhayne at Precious ay halata ng may good news.
"I think you the reason why they want me there? Sa hitsura pa lang ninyo'y good news na iyan ah." Tuloy ay hindi na rin napigilan ng matanda ang mapatawa dahil nakakaengganyo naman talaga ang hitsura ng mga ito lalo na si Precious.
"Mommy bakit kasi hindi ni'yo na lang sabihin kay grandma ang sinabi ng teacher ni Lewis?" Out of the blue ay singit ng akala nila'y hindi nakikinig.
"Hey Jeremy he's your tito, why you just call him that way?" Sita ni Precious sa panganay na anak.
"Alam ko po iyan mommy at hinding-hindi ko makakalimutan na tandang maliit is my uncle okey pero kahit itanong mo pa po kay Zandro. He hates us when we call him what you want." Giit nito.
Totoo naman kasing matanda lang ng anim na taon si Lewis sa panganay na anak ng kuya Rhayne niya, at limang taon naman kay Zandro. Labing-pito na ito samantalang labing-isa na ang pamangkin, at sampu naman ang bunso. Pero ayaw na ayaw nitong tinatawag na tito o uncle. Kahit sino pa sa membro ng pamilya nila o sa mga pamangkin ay ayaw talagang patawag ng gano'n.
"Sabi nga po ni kuya Aries huwag daw kaming pasaway para hindi magalit sa amin si Lewis kaya sa pangalan na lang po namin siya tinatawag." Sabad din ni Zandro.
"Okey okey mga anak basta kapag sa ibang tao ni'yo binabanggit ang tito ninyo you may say kay tito Lewis. Never say that word again tandang maliit dahil baka mas magalit sa inyo ha?" Hindi tuloy matukoy kung matutuwa o magagalit si Rhayne sa nga ito. Halos magkakasing-edad lang naman ang mga ito pero tiyuhin pa rin nila ito kaya hanggat maari ay tawagin nila ito in proper way.
"Hayaan ni'yo lang sila mga anak. Kung iyun ang kagustuhan ng tiyuhin nila'y anong magagawa natin 'di ba? We all know Lewis what wants, he gets in proper way. So let them be mga anak." Masayang sawata ng matanda sa mag-asawa.
Wala na silang nagawa kundi ang sumang-ayun, may blessings na ang matanda. Hinintay lamang ng mag-asawa na pumanhik ang magkapatid bago sila nagpatuloy.
"By the way grandma kaya ka pinapatawag ng school nila bunso at Aries Dale nais ka daw nilang kausapin. We asked the adviser why at ang sabi niya ay it's about the academic status ng dalawa lalo si bunso and the rest is wala na siyang nabanggit." Nakailing na paliwanag ni Rhayne na siyang sinegundahan ng asawa.
"In addition po grandma si tandang maliit naging spokesman na daw ng buong klase nila since the day he helped his new friend. Ilag na daw ang mga ito sa kanya which is pinapangambahan ng guro dahil baka daw dito sa labas ng paaralan siya sundan. Alam naman po nating lahat na lagi silang magkasama ni Aries." Aniya naman ni Precious.
Sa narinig ay biglang nagbago ang masayang mukha ng Ginang. Kitang-kita ang pangamba sa kabuuan ng mukha.
"Siguro nga mga apo kailangan nating kausapin si bunso tungkol diyan. I know what's his point ayaw na ayaw niya ang nanlalamang sa kapwa which is ayaw naman nating lahat. Bata pa lang ang kapatid ninyo'y nakitaan ko na ng abilidad sa pamamalakad ng isang grupo, nasaksihan nating lahat ang paglaki niya kahit pa sabihin nating he's just a teenager pero diyan ako nababahala sa kanya. I'm afraid that the history repeats itself, ganyan ang grandpa ninyo bago pa siya naging isang legal na Calvin. Well tomorrow sasama ako sa school nila ni Aries para kausapin ang kanilang guro regarding this matter." Nakabuntunghiningang saad ng matanda.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficção GeralGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.