" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER TWENTY - THE DEMON DESERVES IT!
Kumbaga sa demonyo, mula pagiging tao naging demonyo ang may kagagawan sa pagkasunog ng building na malapit ng matapos.
"Akin ang lugar na ito walang makaka-agaw kahit sinu man sa inyo. Kung kinakailangang itumba ko ang lahat ng kalat para wala ng sagabal gagawin ko. Nagbigay na ako ng babala sa pamamagitan ng death threat pero hindi ka natinag kaya ibibigay ko ang hinahanap mo." Wika ng gobernador na sinundan ng tawa, tawang wala ng bukas.
Ang yes!
Wala ng ibang may kagagawan sa pagkasunog ng building ni Lewis kundi ang gobernador sa probinsiya.
"Nagawa ko ng nagpaligpit ng iba't-ibang tao dito sa probinsiya ikaw pa kayang dayo ang hindi ko magagawang patahimikin? Hindi ikaw ang magpapabagsak sa akin. No way! Not now! Never!" Muli ay sambit nito habang palakad-lakad sa may garden ng magara nilang tahanan.
He was in a deep thought when someone called his name.
"Magandang araw po gobernador, may naghahanap po sa iyo, gusto ka daw makausap. Papasukin ko po ba?" Tanong nito.
"Kung hindi ninyo kilala ng mga kasama mo huwag n'yo ng papasukin pero kung oo sige papuntahin mo dito sa garden." Tugon ng mambabatas, isa sa mga bodyguard niya ang lumapit sa kanya. Sabagay wala namang nangangahas na mandisturbo sa kanya kung hindi lang ito importante at mga bodyguards lang din niya ang nakakalabas-masok sa bahay nila bukod sa pamilya niya.
"Hindi ko siya kilala governor pero ang sabi tauhan daw siya ng mayor sa Lapaz." Sagot ng bodyguard.
"Hmmm sige papasukin mo pero make it sure na hindi siya taga kabilang partido na nagbabalatkayo. Mahirap na. Siya nga pala sabihan mo ang mga kasamahan mo na huwag pagala-gala. Huwag na kayong magtanong kung bakit basta gawin n'yo na lang alam n'yo namang mainit tayo sa kabilang partido." Sagot ng governor.
"Masusunod governor, sige po babalik na ako sa labas." Tugon ng bodyguard saka iniwan ang amo at bumalik sa main gate.
"Kung sino ka man huwag mo akong subukang kalabanin dahil hindi ka magtatagumpay. Kung tauhan ka ni mayor disin sana'y tumawag na siya upang ipaalam na may darating saka wala naman kaming usapang magkikita-kita kaya alam kong may iba kang plano. Pero hindi ka makakalabas dito na buhay kapag nagkamali ka." Piping sambit ng governor.
Pero hindi naglipat minuto ay muling bumalik ang bodyguard.
"Nasaan ang sinasabi mong naghahanap sa akin? Bakit ikaw lang ang bumalik? Pinagluluko mo ba ako?" Inis na tanong nito.
"Boss hindi ako magtatagal sa serbisyo ko sa'yo kung pinagluluko kita. Pagbalik ko doon sa gate wala na ' yung lalaking naghahanap sa iyo. Ang sabi ng mga kasama ko'y bigla ding nagpaalam." Maagap na sagot nito.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Hanapin n'yo siya baka hindi pa nakakalayo iyan. I'm sure that he's an spy so it's better if we make it advance." Muli ay wika ng gobernador na pansamantalang nawala sa isipan ang tungkol sa sunog.
Pero paano nga ba nila mahahabol at mahahanap pa ang taong nakapasok na ng palihim sa loob ng bahay?
No one notice him even the whole area has a camera, with his own device he managed to escaped from cameras. Kung gaano siya kabilis nakapasok gano'n din siya kaliksi sa paglagay ng sariling device para ma-monitor ang kilos ng mambabatas. And after a while, he left place without a trace.
Sa kabilang banda, hindi malaman kung magagalit ba o ano si Aries ay ibang membro ng pamilya dahil sa biglang pagkawala ng binata.
"Hindi ko talaga maunawaan ang taong ito. Sarap pagbabatukan." Inis na ani Aries na palakad-lakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/168861299-288-k396461.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
General FictionGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.